"Hoy, Ardrianna Jade De Jesus Mendoza! Bumangon ka na diyan! Ano? Late ka nanaman sa school!"May humila ng comforter ko at napapikit ako ulit nang tamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko. Bumangon ako at patamad na tinungo ang CR para maghilamos.
"Ikaw talagang bata ka! Ano na ba ang nangyayari sayo at ganyan ka? Ang laki na ng ipinagbago mo mula pagkabata-"
"At ngayong dalaga ka na, naging iresponsable ka na. Hay naku kang bata ka! Isusumbong kita sa Daddy mo kapag nainis na talaga ako sayo." Sabay ko sa sermon ng yaya ko. Napalingon siya sa akin na pinandilatan ako ng mga mata, habang itinutupi ang kumot ko.
"Ikaw talagang bata ka!" Inis niyang sita sakin. Napangisi ako sa reaksyon niya.
Ayan na...
"Hesus miyo, Mareyosep! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon!" Napa-iling nalang ako at bumalik uli sa banyo para maligo.
Ang ganda talaga ng umaga ko. Hahaha. Ganito kami lagi ni Nanay Guring. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang mga sermon niya sa umaga.
Nang matapos akong maligo at mag-toothbrush, dumiretso na ako sa dinner room at naabutang hinahanda ni Nanay Guring ang almusal ko. Kumain ako ng mabilis at niyakap si Nanay Guring sabay halik sa pisngi.
"Babye po Nay. I love you po." Napangiti naman siya at nagsabing mag-ingat ako sa daan.
O diba? Hindi niya ako matitiis. Hahaha.Late na talaga ako sa first period class ko. Hindi naman ako makagala sa mga school premises dahil makikita ako ng school police at mapupunta ako sa detention. Iniisip ko pa ang susunod kong technique sa nilalaro kong online game nang lumabas si Mrs. Lumbao sa room.
"Good morning Ms. Mendoza! Why are you just standing outside the classroom?" Nakasimangot na tanong sakin ni Mrs. Lumbao.
Natural po hinihintay na matapos ka sa klase mo po.
Sabi ko sa isip ko. Nag-iisip ako ng isasagot nang unahan niya ako.
"Ah. Alam ko na, tinanghali ka nanaman ng gising. Alam ko din na tinatamad ka sa klase ko na halos makatulog ka ulit but I didn't expect na talagang magpapa-late ka to skip my lessons. That's why, I'm giving you a special lesson." Naka-angat ang kilay na sabi niya sakin.
Wait. Wut?! Narininig niya ang sinabi ko?!
Nalilito akong nakatingin sa kaniya. Mind reader ba siya?
"Figure it out." Narinig kong bulong niya saka siya tumalikod.
"Don't forget to drop in my office after class iha. Or you'll be drop in my class. I know you don't want that especially you're graduating next semester, right?" Nakangiti niyang sinabi sakin.
What.
The.
Efff!!!Yung pagkakasabi niya para siyang Cheshire cat! Ayoko ng hilatsa ng mukha niya sa totoo lang. Bakas sa mukha niya na may gagawin siyang magandang plano para sakin.
Dapat talaga nilulugar ko ang computer games ko.
No. Sayang yung rank ko no!
Tsaka ang dami kong fans. Hahahaha.
📒📒📒📒📒📒📒📒📒
6 hours later...
Vacant ang last period kaya dumiretso na ako sa office ni Mrs. Lumbao. Excited na kasi akong umuwi.
Kumatok muna ako saka ako pumasok sa loob. Si Mrs. Lumbao ay isang librarian at siya ang teacher namin sa history. Yes. History. Now, you understand why no?
BINABASA MO ANG
HARNIYÄ
Historical FictionNaranasan mo na bang mapunta sa panahon ng kasaysayan? Panahon ng nakaraan? Marahil ay oo. Yung nai-imagine mong isa ka sa mga tauhan sa mga nababasa mong History books. Ako? Oo. Literal! Hindi ka makapaniwala? Ako din eh. Ako nga pala si Ardr...