ILAW
Kamusta ka na mahal ko,
Naaalala mo pa kaya ako?
Ako na nagmamahal pa rin sayo
Ako na tiniis lahat-lahat upang hindi tayo mapaglayoMahal kita
Tatlong salita
Tatlong salitang parang musika sa ating mga tenga
Tatlong salitang sakit din pala ang dalaMarami na tayong napagdaan
Ngunit parang lahat ng ito ay malakas na hinipan
Nung ako'y iyong iniwan
Bakit dinala mo pa pati ang aking puso't isipan?Pero lahat ng iyon ay akin nang gagawing ilaw
Ilaw na magbibigay liwanag sa aking landas
Ilaw na magdadala saakin patungong bukas
At isang ilaw na magbibigay sa akin ng desisyong patasDahil kasama ko ang Diyos sa aking paglalakbay
Aking natitirang pag-ibig sa Kaniya'y iaalay
Siya ang tutulong sa akin sa tuwing ako'y nahihirapan
Nahihirapan at tila ba parang naguguluhan
Sa mga desisyong mahirap pag-isipan...
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Randomly)
PoetryMga spoken words na pwede nyong idedicate sa mga tao at bagay mahahalaga sa inyo such as crush, family, friends, animals, nature and specially for God. This spoken words is NATURALLY MINE, I didn't plagiarised anything. Kamsa 😘❤❤