Chapter 6

79 5 4
                                    

Vincent's POV

Nagdecide ako na isama na lang si Bianca sa isang restau-bar. Sa madalas naming magkasama ay pagkain lang ang nagpapakalma ng loob nito. Kaya naman nag-order ako agad nang makarating kami dito. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito umiimik. Parang ibang tao ang kasama ko ngayon. Himdi ito 'yung Bianca na madalas ay baliw at sobra kung mag-ingay.

Habang kumakain ako ay hindi ko naiwasang mapansin na pinaglalaruan lang niya ang pagkain sa plato niya. "Hey!"pagbasag ko ng katahimikan sa amin.

"Oh?"sabi nito matapos akong lingunin.

"Bakit hindi mo kinakain 'yan? Masarap kaya. Tikman mo."usal ko.

"Wala talaga akong gana."

"Please, eat. Baka kung mapaano ka n'yan. Lalo akong malalagot n'yan sa BFF mo."patuloy ko pa.

Matalim ang itinapon na tingin nito sa akin. Wala akong nagawa kundi ibalik ang atensyon ko sa aking pagkain. Narinig ko ang pagbaba ng kutsara nito sa hapag at biglang tumayo. "Saan ka pupunta?"tanong ko. Pero imbis na sumagot ay umalis ito.

"Hoy!"tawag ko ulit dito.

Nakita kong dumeretso ito sa bar ng restaurant. Umupo ito at saka umorder ng beer sa barista doon. Dahil doon ay minadali ko ang pagkain ko saka agad na pinuntahan siya.

Halata sa kanya na medyo may tama na ito matapos na uminom ng ilang boteng beer. Kinuha ko ang bote ng beer na sana ay lalagukin niya. "Stop it."saway ko dito.

"Ano ba? Pabayaan mo nga ako!"bulyaw nito.

"Isa! Tumigil ka na nga! Lasing ka na oh!"saway ko ulit dito.

"Ano ba?"kinuha ulit ang bote ng beer.

"Bakit magpapakalasing ka dahil lang sa simpleng problema ninyo ni Myan? Nabigla lang siya sa atin. Pero maiintindihan ka din niya."paliwanag ko dito pero nabingi na yata talaga siya. Muli niyang nilagok ang beer. Wala akong nagawa kundi hayaan ito. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya.

Nakahalumbaba na ako sa antok habang pinagmamasdan ang babaeng ito nang bigla siyang nagsalita. "A--lam mo bang.... ito ang unang naging prob-blema namin ni Bes?"lasing nitong sabi.

"Oo na. Sorry dahil ako pa ang naging dahilan."sabi ko dito.

"A-anong shabi mo? Nagsosorey ka? Wow! Totoo ba 'yan? Maniniwala na ba ako?" Bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa sinabi nito. Nakuha pa talaga nito mamilosopo.

"Nagsosorry na nga di ba?"sabi ko pa.

"Peke tayo. Walang totoo sa namamagitan sa atin. Sa tingin mo? Dapat pa ba akong maniwala sayo?" Malakas amg pagkakasabi nito kaya naman ang ilang costumer dito ay nasa amin ang atensyon.

"Tara na nga! Nakakahiya ka!"saway ko dito.


Agad kong binayaran ang bill ng mga nainom niya pati na rin 'yung food. Sinubukan ko siyang alalayan sa paglalakad palabas ng restaurant; pero sa sobrang kalasingan nito ay hindi na ito makatayo pa.

"Ang bigat-bigat naman ng babaeng ito!"reklamo ko nang maisipan kong buhatin na ito.

Nang maipasok ko na siya sa aking kotse, sa sobrang bigat niya ay parehas kaming bumagsak sa upuan sa likod. Nabigla ako kaya naman akong bumangon dahilan para mauntog ako sa kotse. Kakaiba ang naramdaman ko. Biglang uminit ang paligid. Pati ang panginginit ng tenga at pisngi ko ay ramdam ko din. Pinilit ko ayusin ang pagkakahiga ni Bianca. Nang makita kong mukhang komportable na ito ay sumakay na ako sa driver seat.


Habang nagmamaneho ay naalala ko ang kanyang sinabi. Ayaw niyang umuwi. Kaya naman I have no choice. Sa condo ko na lang ito dadalhin para magpalipas ng gabi. Ayoko ding dalhin pa ito sa bahay dahil sa aking ama.

Binuhat ko itong muli nang pumasok kami sa condominium. May parang isang bagay na nagtutulak sa akin na halikan ang mapupulang labi ni Bianca. Pilit kong pinigilan ang sarili ko. Ayokong i-take advantage ang kalasingan niya. Hindi din tama itong nararamdaman ko. Habang tumatagal ay nararamdaman kong hindi ko na yata kakayanin pa. 'Vincent! Patient!'tanging sabi ko sa isip ko.

Nang makapasok kami sa unit ko ay agad ko siyang dinala sa kwarto at nang inihiga ko siya kama ay laking gulat sa ginawa niya. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa may batok ko dahilan para bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya. Pilit akong bumangon pero hindi ko magawa dahil sa mahigpit niyang pagkakapit sa akin.

"Bianca!"saway ko dito.

"Mahal kita." Narinig ko mula sa kanya.

"Matulog ka na."sabi ko naman dito.


"Dito ka lang. How I wish na totoo na lang sana tayo. Mahal na kasi kita 'e."


"Bianca, tumigil ka nga! Ikaw ang nagsabi na bawal ang mainlove sa isa't isa tapos ikaw ngayon-" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigala niya akong halikan sa labi.

Hindi ko na din napigilan ang hindi gantihan siya sa halik na iyon. Nalasahan ko pa ang beer sa paghalik niyang iyon. Para bang ako pa itong nalasing sa mga halik niya. Mainit at mapusok ang halikan naming iyon.





Mas humigpit ang kapit sa akin ni Bianca dahilan para mas dumiin ang katawan ko sa katawan niya. Ayoko sanang sundin ang gusto niyang mangyari pero wala na akong magawa. Gusto na rin ng katawan ko ang nangyayari.

Unti-unting gumalaw ang mga kamay ko. I try to undress her. Hindi naman siya tumutol. Tumambad sa harap ko ang ganda ng katawan ni Bianca. Hindi ko din masisisi ang sarili ko dahil mapang-akit naman talaga ang Katawan na mayroon si Bianca. Naging mainit ang gabi na ito sa amin. Hindi ko din alam sa sarili ko ang kakaibang tibok ng puso ko habang kasama si Bianca. Pagmamahal na ba ito?









---------


Bianca's POV


Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Nakaramdam din ako ng lamig sa paligid. Mag-iinat na sana ako nang maramdaman ko na may katabi pala ako. Pagbaling ko ay si Vincent ang nakita kong mahimbing na natutulog. Nagtaka ako sa hitsura nito nang makita kong hubad ito. Noong oras lang din na iyon ko napagtanto na wala din pala akong kahit anong suot. Tanging kumot lang ang siyang nakatakip sa akin.

Nang subukan kong bumangon ay nakaramdam ako nang pananakit ng mga hita ko at nang-. Teka? "Ano ba itong ginawa ko?"mahina kong sabi. May nangyari sa amin?


Tatayo na sana ako nang yakapin ako ni Vincent at hilahin dahilan para maglapit ulit kami. Nakaramdam ako ng hiya. Mas lalo kong itinakip ang kumot sa katawan ko.

"Ngayon ka pa nahiya sa akin? Nakita ko na ang mga 'yan."sabi nito habang nakayakap sa akin.


"Layuan mo ako."sigaw ko.


"Bakit?"

"Basta!"


"Mahal din kita." Nagulat ako sa narinig ko.



"Anong sinabi mo?"tanong ko.

Hinalikan niya muna ako bago siya nagsalita. "Mahal na kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Naramdaman ko na lang."paliwanag nito.


Dapat ba akong maniwala? Kung tutuusin dapat akong matuwa sa narinig ko. Hindi ko naman maitatanggi na ganoon din ako sa kanya. Sa almost two years na magkasama kami sa pagpapanggap, hindi malabong mahulog ako sa kanya. Yung pag-aasikaso niya, pag-aalala sa akin; sapat nang dahilan sa akin 'yon para mahalin siya.

"Mahal na mahal din kita Vincent."


Muli ko siyang hinalikan. At katilad kagabi, naulit muli ang nangyari. Ang kaibahan lang ay wala nang halong alak ang isip ko. Willing akong ibigay ang lahat sa kanya dahil mahal ko siya. Sana totoo ang lahat nang ito.




-----

Totoo nga kaya lahat nang nasabi mo Vincent?


Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon