CHAPTER 5

3.8K 394 33
                                    


CARA'S POV

Isang linggo na mahigit ang nakalipas simula ng ikasal ako kay Don Diego Mijares at isang linggo na rin mahigit akong naninirahan dito sa mansion.

Akala ko nung una magiging madali lang ang lahat pag tumira na ako dito sa mansion pero nagkamali ako dahil may isang tao na halos isumpa na ako mawala lang ako sa paningin niya.

Siya lang naman ang nag-iisang anak ni don Diego na si Aviva paul mijares isang taong walang katulad napaka-bait at spoiled brat niya.

Paano ba naman unang pagkikita pa lang namin sinapak agad ako at saktong-sakto sa paikot ng aking mata na para bang na ka three points sa basketball at pagdilat ko halos feeling ko christmas season na dahil sa napakalaking star na nakikita ko sa harapan ko nung oras na yon.

Yung mga sandaling yun gustong-gusto ko nang umayaw sa kasunduan pero ng makita ko si mommy at kapatid ko sa harapan ko naisip ko na hindi pala ko dapat sumuko para sa pamilya ko.

Pinipilit ko na lang din intindihin si aviva sa mga ginagawa niya sakin kahit halos gawin niya na nga 'kong alila dito sa mansion para lang mapaalis niya.

Sino ba naman kasing matutuwa sa isang katulad ko na nagpakasal sa isang matanda na triple na ang edad sa akin halos mag kasing edad nga lang kami ni aviva pero baliwala na sa akin ang sasabihin ng ibang tao basta para sa pamilya ko kakayanin ko kahit pa ang kapilit nito ay ang puri at dignidad ko.

*RING!*

*RING*

*RING*

ME: Hello!

Don diego: Good morning hon baka hindi muna ako makakauwi sa mansion i have a business trip

Me: Ganon ba hon wait lang tatawagin ko lang si aviva para makapag-usap kayo

Don diego: Okay hon.

Nasaan kaya siya? Wala dito sa kuwarto niya ang laki pa naman ng mansion paano ko siya mahahanap?

Me: Hello! hindi ko kase mahanap si aviva sa room niya tingin mo saan naglalagi sa mansion si aviva?

Don diego: hon sa gym room doon mo siya puntahan madalas siya don.

Me: Okay!

Pag pasok ko sa gym room hindi nga nagkamali si Don diego nandito siya pawis na pawis.

"Aviva paul."

Tawag ko sa kanya pero mukhang dedma siya na hindi niya ko narinig pero nakatingin naman siya sakin pero may iba kong nakikita sa titig niya sakin hindi yung tipong tingin na nakasanayan ko sa kanya kakaiba at namumutla siya.

Pero heto na naman siya bumalik sa pagiging maldita yung kilay ba naman ang aga-aga ang taas taas na akala mo ay nag hahamon ng away sa kanto.

"Yes anong kailangan mo?." Tanong niya ng pagkataray-taray.

"Mmm.. kase tumawag ang dad mo gusto ka niyang makausap."

"Okay susunod na ako kaya puwede ba get out of my sight."

Umalis na agad ako mahirap na baka ano pang gawin sakin ni aviva napaka-bait pa naman niya.

Nasa dining area nako ng mapansin ko yung salamin na mas malaki pa sa akin at nakapaharap ako don dios ko po sabay takip ko sa bibig ko. Nakalabas ako ng ganito ang suot? at hindi lang yon nakakahiya nakita yata ni aviva na ganito ang suot ko, dios ko po kaya siguro nag susungit na naman siya sakin nakakahiya.

Naramdaman ko na nasa likod ko si aviva. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas yung pakiramdam ko sa paligid parang may kakaiba sa akin.

Me: Nandito na si aviva." Sabay abot ko sa kanya ng phone pero parang nanginginig yung kamay niya habang inaabot ko yung phone baka napagod lang 'to sa pag-ggym niya kaya hindi ko na lang pinansin at dumeretcho na lang ako sa room ko para makapag palit ng damit nakakahiya para naman kasing akong lalaban sa honeymoon sa suot kong nightwear.

Paglabas ko wala na si aviva kailangan ko nang magluto sigurado gutom na yun at wala namang ibang gagawa nito kundi ako pinaalis ba naman lahat ng kasambahay dito sa mansion magtiis nga lang siya sakin dahil hindi talaga ko marunong magluto.

Egg, bacon, hotdogs, bread, strawberry coffee, water, lahat yan nahain ko na sa mesa si baby damulag na lang ang kulang.

Himala, hindi pa rin siya lumalabas para utusan ako ng kung ano-ano kaya ako na lang ang pumunta sa kwarto niya.

*Tok*

*Tok*

*Tok*

"Aviva nagluto na ko ng breakfast baka gusto munang kumain?"

*Tok*

*Tok*

*Tok*

"I'm coming!"

Bumaba na agad ako ng sinabi niyang susunod na siya.

Ilang minuto lang nandito na rin si baby damulag at umupo na rin siya para kumain.

"What the he--." Sabi niya pagkatapos niya makita yung niluto ko hindi na rin ako magugulat sa reaksyon niya papano puro sunog yung mga pinirito ko eh kasi nga hindi naman talaga ako marunong magluto.

"Ipagluluto na lang ulit kita aviva pasensiya kana."

"No okay na 'to! thank you." Sabi niya.

Wow as in wow seryoso ba siya halos sunog lahat ng nakahain sa kanya si aviva ba ito bakit ang bait? ang hinahon ng pagsasalita hindi pasinghal hindi niya rin ako sinisinghalan kaya nginitian ko naman siya.

Sumimangot naman siya may topak talaga siya parang kanina lang ang bait niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? chupee! dun ka nga ayokong makita ka lalo na yang pagmumukha mo naaalibadbaran ako sayo... i can handle my own life kaya puwede ba give me a plenty of peace dahil sa totoo lang kagabi pa ko walang tulog ng dahil sayo." Derederetso niyang sabi pero parang pati siya nagulat sa mga sinabi niya kaya tumayo siya sabay takbo paalis.

Ano yun? bakit siya kumaripas ng takbo?

My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon