Chapter Eleven:
Ngayon ang unang laban ni Frances as football team captain. At syempre, andito ako para suportahan siya. Pero dahil napaaga nanaman ako sa dapat na oras ng laro niya, naisipan ko munang pumunta sa haven ko.
Ang courtyard.
At hindi ko maipagkakaila na isa siya sa mga naging dahilan ng pagka-hilig ko sa lugar na ito. Andami atang memories ang nabuo ko dito nang dahil lang sa kanya.
Ano ba namang malay ko na sa gitna ng pagmumukmok ko sa manloloko kong boyfriend ay susulpot ang isang weird na lalaki at magbibigay sa akin ng panyo at tubig?
Naging consistent Dean’s lister at mas lalong naging GC ako dahil sa isang nerd-wanna-be na nakilala ko sa lugar na ito.
At higit sa lahat, sino ba naman ang mag-aakala na dito ko mismo makikilala ang nag-iisang lalaking magpapa-kaba sa akin ng sobra-sobra?
“Mukhang masyado ka atang maaga ngayon?”
*Dug Dug* *Dug Dug*
Tulad nalang ngayon.
Agad akong napatingin sa paligid. Mahirap na at baka may makakita pa sa aming dalawa.
“Huwag kang mag-alala. Walang makakakita. Lahat ng fourth years nasa Med Audi.”
Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Oo. Nabawasan lang, Hindi naman mawawala yun hangga’t andito ang lalaking ‘to sa harapan ko.
“Sino bang nag-sabi na natatakot ako?”
Lumapit siya ng kaunti sa akin. Mukhang bumalik ata yung nawala kong kaba kanina.
“Wala ngang nagsabi. Pero kitang-kita naman sa mga mata mo.”
Bigla siyang ngumisi kaya napairap ako ng wala sa oras.
Naiinis ako sa kanya dahil kung maka-asta siya parang walang masama sa ginagawa namin. Na parang ayos lang sa kanya kung may makakita sa amin at isumbong sa kung sino mang nakakataas.
Pero hindi ko din maitatago na masaya ako. Dahil kahit hindi ko man aminin, alam ko. Na bukod sa magandang buhay, matataas na grades at malakas na pangangatawan, ang makausap siya na parang normal lang ang lahat ang isa sa pinaka-hinihiling ko.
“Pero seriously, Aianna. Bakit ang-aga mo? Mamaya pang 12 ang klase mo diba?”
“Part ng college football team ang bestfriend ko. Andito ako para suportahan siya.”
Sinabi ko yun na parang hindi siya isang propesor. Na parang tulad lang ng dati ang lahat.
“Hindi ka padin nagbabago. Mas maaga ka pa din sa pinaka-maaga. Eh mamaya pang 9am yun eh. 7am palang.”
Nag-ngitian lang kami.
Hindi ka pa din nagbabago.
Nagpaulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya. Sa mga oras na yun, pakiramdam ko ayaw nang umalis ng ngiti sa labi ko.
Pero nang maalala ko yung nangyari nung araw na iyon, kinabahan ako. Yung araw na nakita ko ang isang galit na galit na Kian.
Alam ko na wala naman akong karapatan pero naglakas loob na din akong tanungin.
“Ahm, Kian… Nung isang araw nakasalubong kita sa hallway. Babatiin sana kita kaso parang hindi ata maganda ang mood mo…”
Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil bigla siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Teen FictionLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?