Pahina 4

12.5K 219 8
                                    

Pahina 4

"Ayun si Ever!"

Hila hila ako ni Bella papalapit kay Ever. Ang daming tao. Ang ingay. Well, what do you expect sa isang bar hindi ba?

Friday night at heto nanaman si Bella na laging promotor ng pagaaya sa ganitong lugar. Wala namang kaso samin, minsan lang nagaalala ako na baka masyado na syang nagiging party girl at mahirap na pag nasobrahan sya.

I know she's going through a lot pero doing this won't help. Pero kahit ilang beses ko syang pagsabihan ay wala rin namang silbi. Siguro mabuti nalang rin na sumasama kami para kahit papaano ay mabantayan sya. Baka makagawa pa sya ng kung anong kalokohan at madagdagan lang lalo ang mga intindihin nya.

"Hey there sissy!"

"Hindi ka pa nakakainom, para ka ng lasing." Napangisi si Ever bago bumeso kay Bella at sa akin.

"Wag ka nga jan! Tara na! Let's have fun! Sayang ang gabi!"

Napapailing nalang ako. Agad na hinila ni Bella si Ever papunta sa dance floor, sumenyas sya sakin na sumunod pero sumenyas lang rin ako pabalik na mamaya nalang ako.

Magisa nalang ako dito sa table namin at sa bawat lingon ko at may makatinginan akong lalake ay nginingitian ako. Ganito naman talaga sa mga ganitong lugar, kailangan marunong ka nalang umiwas.

"Mukhang may nangyari nanaman sa bahay nila. Ang wild ni Bella, look!" Sinundan ko ang pagturo ni Ever at nakitang ang daming kasayaw ni Bella habang tuloy tuloy ang pag inom sa boteng hawak nya.

"Mukha nga. Anyway, kanino sya? Sa inyo or sa bahay namin?" Nagkibit balikat lang si Ever na napapailing pa.

Baka sa bahay ko nalang muna si Bella. Hinding hindi yun uuwi sakanila at kapag hindi isa sa amin ang magalis sakanya dito ay baka sumama pa yun sa kung sino.

Iniwan ko muna si Ever at pupunta sana sa wash room pero bigla akong hinarang ng dalawang lalake. Sa mga itchura at kilos palang nila ay mukhang marami na silang nainom. Didiretcho lang sana ako ng lakad pero ayaw talaga nila akong paraanin.

"Move! You're blocking my way." Nakahalukipkip kong ayon.

"Fiesty! I like that!" Pangisi-ngising ayon nung lalaking mamula-mula yung buhok at mukhang tisoy.

"Damn, you're too hot babe!" Ayon naman nung isang singkit at mas porcelana pa kaysa sakin.

Malalaki ang built ng katawan nila at sakop na sakop nila ang daraanan ko. Ang isa ay na-corner na ako habang yung isa naman ay nakahalukipkip lang kaya mas lalong naiipit yung mga muscles nya.

Nakakaramdam na ko ng takot lalo na't unti unti silang lumalapit padikit sa akin. Ayokong ipakita ang takot ko dahil mas lalo nila akong pagiinitan at kakayanin. Kahit mahirap ay pilit kong itinulak yung lalaking singkit na nakahalukipkip hanggang sa mawalan ako ng balance.

"Hey!"

"Uy Javier!"

"Blake, Jiao."

Nasalo ako ni Javier sa mga bisig nya. Unti unti akong kumilos para tumayo ng diretcho pero halos mabali ang braso ko ng bigla nya itong hawakan. Ramdam ko pa ang medyo paghigpit ng hawak nya.

"Pare kamusta? Ang tagal mong di nagpakita dito ah!" Ayon nung tisoy na si Blake.

"Great timing dude! Ang daming hot chics ngayon!" Ayon nung singkit na si Jiao bago binaling sa akin ang tingin at kumindat kindat pa. The nerve!

Mukhang napansin iyon ni Javier pero mas nagulat ako ng magkasunod nyang binatukan ang dalawang lalake. Ni hindi nila magawang umangal at panay aray lang.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon