Ayos ng Ganito

21 0 0
                                    

Ayos ng Ganito

Sa araw araw na ganito
Sa bawat sulyap ko sayo
Sanay na akong makita ka
Oo nakikita lang kita

Naguusap naman tayo
Madalang nga lang panigurado
Minsan pa sa minsan
Syempre kung merong dahilan

Malalapitan naman kita
Yun nga lang nakakahiya
Pagkat alam kong ayaw mo
Pinapalayo mo ako

Ayos rin siguro ang ganito
Alam ko rin naman na wala lang ako sayo
Wala akong karapatang magreklamo
Kailangan na lang makuntento

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon