EXTRA CHAPTER TWO - Forbidden affair

3.1K 77 43
                                    

*SYLVINA FERNANDEZ’S POV*

Nag-ring na ang school bell bilang hudyat na oras na para umuwi ang mga estyudyante sa Literati University. Nang mag-bell ay kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Kanina ko pa inayos ang aking gamit habang tinuturuan kami ng aming Math teacher kung paano mag-solve ng mga one-step equations using addition and subtraction. Atat na atat na ako umuwi at humiga sa aking malambot na kama.

Nakipag-siksikan ako sa malasardinas na hallway. Pare-pareho lang naman kaming nasasabik na umuwi sa aming mga bahay. Nadito na ako sa tapat ng hagdanan. Huminga ako ng malalim at bumaba na. Para sa akin, torture ang pagbaba at pagtaas sa hagdaan. Alam mo yung nakakapagod magbyahe rito, kailangan ko pa mag-jeep at MRT para makapunta rito tas pagpunta mo rito ang unang sasalubong sa’yo ay yung masikip na hagdaan na ang kasya lang ay dalawang tao. Idagdag mo pa ang classroom namin na nasa 6th floor. Tumaas-baba ka nga lang ng isang taon dito ay ikapapayat mo na ata. Hindi ko alam kung sana napupunta yung mga perang binayad ng aming mga magulang. Ni-hindi man lang magpagawa ng elevator, mag-hire ng mga chef na yung mga niluluto ay sobrang edible at ipaayos ang lock sa mga banyo. Hay, bakit ko ba ito pinoproblema? DepEd ang dapat na namomoblema nito eh.

Nang makababa ay nakahinga ako ng maluwag. Sariwa na nga ang hangin, maluwag pa. Matapos nun ay dumiretso na ako sa gate na unting metro lang ang layo. Nang makarating ay ano pa ba ang gagawin kundi lumabas na ng gate. Ngayon ay hindi na ako makakapasok ulit. May policy kasi ang school namin na once lumabas ka na ng school, bawal ka na pumasok ulit kahit may service pang naghihintay sa’yo. Ganun kahigpit ang aming school. Ang skirt ay dapat 2 inches below the knee, ang ID dapat laging nasa under the collar, ang mga kalalakihan ay dapat laging naka 2x3 every 2 weeks at ang mga babae ay dapat naka-tali ang mga buhok (kung maglulugay man ay dapat naka-headband).

Bago umuwi ay napag-isipan ko sanang kumain ng isaw. All-time favorite ko kasi yun. Tatawid na sana ako papunta sa nagbebenta ng isaw kaso ang bentahan ng isaw ay hinarangan ng isang itim na Mini cooper. Mula sa Mini cooper ay lumabas siya.

Nag-bulungan ang paligid. Hindi sila nagbubulong dahil sa kung anong suot niya, sa kung anong porma niya, sa kung anong kotse niya, sa kung anong ayos ng kanyang buhok o sa kung anong itsura niya. Nagbubulungan sila dahil sa kung sino siya.

Lumapit ito sa akin. Gusto ko sana tumakbo palayo kaso parang dumikit na ata ng aking paa sa shig at hindi na kayang tumakbo. Nang makalapit ay lumuhod ito sa aking harapan. Lalong rumami ang mga usisero’t usisera. Kinuha niya ang aking kanang kamay. Gusto ko bawiin kaso hindi ako makagalaw at natatakot ako. Nanginginig ang akig tuhod bilang pruweba na ako’y natatakot. Hinalikan niya ang aking kanang kamay. Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga nakapaligid sa amin.

“Akala ko ba wala na sila?”

 

“Oh God! Kadiri!”

 

“Gagawa na nga lang ng scandalo, sa tapat pa ng paaralan. Mga peste.”

Iyan ang mga bulong nila. Pagtataka, pandidiri at pag-inis. PPP for short. Nakatingin lang ako sa kanila habang ang mga mata ko ay sumisigaw ng “Tulungan niyo ako”. Bigla naman niya akong sapilitan na ihinila papunta sa kanyang kotse. Binuksan niya ang passenger’s seat pero hindi ako pumasok. Tinignan ko siya at bumulong, “Wag.” Tipid kong bulong sa kanya. Pero ag-insist siya, itinulak niya ako papasok. Nauntog pa nga ako bago makapasok eh. Nang makapasok ako ay sinara niya ang pinto. Sinubukan kong lumabas pero hindi ko mabukas-bukas. Para bang naka-lock ito mula sa labas. Bumukas ang driver’s seat at pumasok siya. “SAAN MO AKO DADALHIN?!” Tanong ko sa kanya sa oras na sinara niya ang pintuan sa driver’s seat.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon