11

91 7 0
                                    

Walang maisip si Hannah kung saang lugar ba siya pupunta.

Ang tanging lugar lang ay sa sementeryo kung saan doon siya makakapag-isip isip.

Kung saan payapa at kung saan ang taong tanging nakakaunawa sa kanya ay naroon.

Masyadong mainit ang away nila ni Kurt. At wala rin siyang masasabihan ng problema kundi sa iisang tao lang.

At siya nga ang pupuntahan niya sa sementeryo ngayon.

Bumili muna si Hannah ng kandila at bulaklak bago pumunta.

Nang makarating siya rito ay agad naman niyang sinindihan ang kandila at inalay ang mga bulaklak.

Konting dasal bago siya naupo sa damo malapit sa nitso nito.

Marc Ian Salvador

Born: January 6 1998

Died: April 11 2013

"Mahigit limang taon na rin ano? Kamusta ka na ba jan? Wag mong sabihin na masaya ka! Baka sakalin lang kita!"

Saad ni Hannah dito habang hinahaplos ang nitso.

"Siguro kung nandito ka, nakipagsuntukan ka na naman dahil sa may umaway sa'kin haha"

Mapait na tawa ni Hannah habang inaalala ang kalokohan nila noong buhay pa ito.

"Namimiss na naman tuloy kita! S-sorry kung hindi na kita nadadalaw! Alam mo na, nagtatampo parin ako sa'yo kasi nang-iwan ka!" 

Unti unti ng bumuhos ang mga luhang matagal ng pinipigilan ni Hannah Simula kanina.

Sa sakit ng mga nakita at sinabi sa kanya ni Kurt at sa sakit kung gaano niya na rin ka-miss ang lalaking nasa harap niya ngayon.

"Siguro kung nandito ka pa, hindi ako magkakaganito, s-siguro kung nandito ka hindi ko mararamdaman ulit na mag-isa ako. S-sana sinama mo na lang ako jan, mahal para mag-kasama na tayo"

Tanging hikbi lang ni Hannah ang naririnig sa paligid niya.

Sa apat na taong nawala si Marc ay ngayon na naman siya umiyak ng ganito.

Naging sila ni Marc noong second year high school sila. Sa ugali niya, ito lang talaga ang nagtyaga sa kanya. Kahit na sinasabihan niya ito ng mga masasakit na salita at halos ipagtabuyan niya na ito. Hindi pa rin ito tumitigil na suyuin siya. Matyaga itong nanligaw sa kanya.

Lagi siya nitong pinapatawa, laging binibigay kung ano ang makakapagsaya sa kanya. Si Marc ang lagi niyang tinatakbuhan tuwing nagagalit siya sa magulang niya. Pinapagaan lagi nito ang loob niya.

Kapag may kaaway siya, laging nandyan si Marc para sa kanya. Sobrang swerte niya dahil dito.

Ayos lang kahit hindi na siya bigyan pa ng atensyon ng iba, basta nasa tabi niya lang si Marc sapat na, pero mapaglaro talaga ang tadhana.

Namatay si Marc dahil sa isang aksidente. Susunduin sana siya nito para sabay silang pumunta sa venue kung saan gaganapin ang graduation nila. Nang mabunggo ang minamaneho nitong kotse sa isang ten wheeler truck. 

Labis ang sakit na naramdaman ni Hannah noong panahon na 'yun.

Dead on arrival na sinugod ng ambulansya sa hospital si Marc.

Hindi malaman ni Hannah kung anong gagawin niya. Basta tulala lang siya habang umiiyak. Isang taon rin siyang nagluksa, hindi alam ng magulang niya iyon tanging ang Nani niya lang ang kasama niya. Galit siya sa lahat, lalong lalo na sa parents niya. Pinilit niya ang nani na huwag sabihin sa magulang niya ang nangyare dahil sa ayaw siya nitong kaawaan. 

"Oo nga pala mahal. Wag kang magagalit kung may boyfriend na ako ha! Kilala kita alam ko ito rin ang g-gusto mo. Ang maging masaya ako. Mahal ko si Kurt at masaya ako dun, sana maunawaan mo ako mahal"

Biglang nakaramdam si Hannah ng malamig na hangin na pumalibot sa kanya.

"M-mahal naman walang takotan!"

"Sa tuwing kaharap talaga kita, laging gumagaan ang pakiramdam ko. Totoo talaga iyong sinabi mong ikaw lang ang gamot ko puro ka kalokohan!" natatawang saad nito.

Napatingala si Hannah sa payapang langit at sabay pumikit.

"Alam ko maganda jan mahal at alam kong masaya ka jan. Wag kang mag-alala matagal pa tayong magkakasama jan hahah"

Tumayo si Hannah at pinagpag ang damit.

"Paano ba mahal. Okay na ako. Aalis na rin ako. Wag ka magtampo jan! Bibisitahin parin kita. I love you mahal. Miss na miss na kita. Pinapaiyak mo ako. Sige na! Gora Na akes baka matulog Pa ako dito sige ka! Bye mahal"

Paalam nito dito.

Mag-aala una Na pala at Hindi Pa SiyA kumain ng tanghalian kaya pala kanina Pa tumutunog ang sikmura niya.

Paano niya ba haharapin si Kurt bukas. Tsk tsk.

Ang Bruha Na DesperadaWhere stories live. Discover now