Ang Buhay Ko Sa Kamay Mo.

0 0 0
                                    

Nakita kita , may hinahanap. Hindi ko alam sa dami naming nandoon ako ang napili mo. Maraming mas maganda, mas kaakit-akit , mas presentable at mas pinili mo ang isang simpleng tulad ko.
Nakakatuwa na ako ang kinuha mo at pinagpaalam sa isang nakangiti at magandang babae na nagtitipa sa harap ng computer. At nakangiti kang inangkin ako.
Inuwi mo ako sa inyong bahay , inaalagaan ngunit isang araw, may kasama kang mas maganda sa akin. Hindi ko alam kung nagsawa ka na sa akin pero ang sabi mo pagmamay-ari iyon ng iyong kaibigan. Nakakatuwang isipin na magsasabi ka sa akin ng totoo. Bumalik ako sa dati kong sigla.
Sa nagdaang araw, naging masaya ang ating pagsasama, araw-araw lagi tayong magkasama pero nakakalungkot na tinatago mo lang ako at hindi mo lang man kayang ipakita sa iba pero sa kabila ng lahat pinagaan mo na naman ang aking damdamin kasi sabi mo ayoko mo akong maagaw at kunin ng iba at natatakot kang makuha ako ng iba.
Pag- uwi natin sa bahay, isinama mo ako sa pagrereview mo sa darating na iyong pagsusulit. Ilang beses kang nagsulat nang nagsulat at bura nang bura. Hindi ko inisip at pinagsawalang bahala ko na lamang na hindi mo ako pinapansin sa tuwing sinasabi kong itigil mo na. Naglit ka. Sinigawan mo akong walang kwenta.
Tiniis ko ang mga mura at mga bastos na inilalarawan mo. Ilang beses ko ring hindi pa ako handa sa mga nais mong mangyari pero ang tanging ginawa mo ay ang sundin ang nais mong gawin.
Hindi ko alam kungg pinaglalaruan mo lamang ako dahil parati mo na lang akong ginagawang eroplano na kayang lumipad kung saan mo gusto at bangka na kayang tawidin ang buong dagat mapuntahan ka lamang. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako laruan! na pwede mong angkinin at paglaruan.
Napansin ko nitong mga nakaraang araw na ginagamit mo lang ako. Nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung ganun ba talaga ang dipinisyon nun o masyado lang talaga akong madaming praning.
Labis akong nasaktan dahil nagbigay ka ng isang bahagi ko sa isa mong kaibigan. Nagtampo ako pero hindi mo napansin dahil parang wala na akong halaga sa iyo.
Nanlalamig na ako sa pakikitungo mo. Bilang na bilang ko na lang sa aking mga daliri ang mga sinasabi mo. Palagi mo na lang ako dinadaan daanan at hindi pinapansin. Ilang beses din tayong nagkatapat pero walang ni isa sa atin ang nagsalita pero binasag ng isang tunog ang katahimikan. At yun ay ang cellphone mo, sinagot mo ito na may ngiti sa iyong mga labi at tumingin sa akin at nagpaalam na bukas mo na lang tatapusin ang dapat mong gawin na may kaugnayan sa akin.
Nadismaya ako dahil umalis ka at inuna ang iba na dati ako ang priority mo.
Nagising ako sa isang sigaw. Sigaw ng iyong nanay na sinasabing bumagsak ka at bumaba ka sa maraming subject. Nag aalala ako dahil hindi ka naman ganyan dati. Dati na Magkasama tayo na nagsusulat ng kailangan mong aralin at paghandaan.
Pagdating mo sa iyong kwarto padabog mong isinara ang pinto. Hindi ka nag alinlangan na umupo at nagsulat nang nagsulat. Ilang beses kang nagkamali at pinunit ang isang piraso ko at itinapon sa basurahan hanggang sa huling pahina ko. Sa gitna ng pagkalapat ng iyong mga kamay, sakit ang aking nadarama, ang mga pagkadikit - dikit ng mga letra sa mga bahagi ko. Pero nagkaroon ako nang pag - asa ng muling mong binuklat at bumalik sa dating ayos kahit ito ay gusot - gusot. Laking gulat ko na lamang na ako ay nagpiraso piraso at sabay ng paglapat ng iyong mga kamay ay ang paghagis sa akin sa isang madilim na lugar kung nasaan ang mga kapwa kong hindi ko na makilala.
Nakakamatay na amoy, sobrang at madaming kalat ang tumambad sa akin. Ganito ba talaga ang pagtrato niyo sa amin, pagkatapos kayong tulungan, gamitin ay pagpapipirasuhin niyo lang kami, alam niyo ba ang hirap namin sa mga kamay niyo?
Ilang puno ba ang naputol para lang magawa kami at magamit niyo?
Ilang pera ang naubos ng magulang niyo para lang may masulatan lang kayo?
Kelan niyo ba kami pahahalagahan?

Kelan ba namin mararanasanang hindi sa basurahan ang uwi namin?

Be Responsible!!! RECYCLE US!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAPEL ( One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon