Greatest Love Of All

59 2 0
                                    

A Mother’s Special Day One-Shot Story

Greatest Love Of All

A story written by: Rain Love WP

Hindi biro ang maging isang ina. Hindi ito malaking joke na nakakatawa at magsasabi ka ng ‘Boom Panes’. Hindi ito isang laro na bahay-bahayan lang na ‘Nanay, tatay, gusto ko tinapay’ lang ang peg. Hindi ito isang mala-fairytale na istorya na nagsimula sa ‘Once-upon a time’ at magtatapos sa ‘Happily Ever After’.

Ang pagiging ina ay isang pagsusulit na enumeration ang  type ng exam. Walang pagpipiliin, walang matching type at walang iba choice kun’di ikaw mismo ang sasagot lahat ng katanungan. Dapat ito pag-isipan ng mabuti sapangkat darating din ang panahon na tayo ang magiging ina at haharapin natin ang mga hamon sa buhay.

“Anak, kumain ka na. Itigil mo na yan. Palagi ka na lang nagfe-facebook. Baka masira ang mga mata mo.” malumanay na sabi ng ina sa kanyang anak na nakaharap sa kanyang laptop.

Pinatay ng dalaga ang kanyang laptop at humarap siya sa kanyang ina.

“Pakialamera ka naman eh! Pwede ba wag ka ng magpakialam sa ginagawa ko! Lumabas ka nga ng kwarto ko! Labas!” sigaw ng dalaga sa kanyang ina at tinalikuran niya ito. Umupo siya sa kanyang kama at binuksan niya ulit ang kanyang laptop.

“Sige anak. Kumain ka kung gusto mo ha. Nagluto ako para sa’yo.”

Lumabas ang ina habang may umaagos ng luha sa kanyang pisngi. Hindi maiwasang mapa-iyak ng isang ina na sinakrispisyo lahat para mabigyan ng mabuting buhay ang kanyang nag-iisang anak. Wala na siyang asawa. Naaksidente ito bago niya pinanganak ang kanyang nag-iisang anak na si Daniella. Si Daniella ay lumaki na masama ang loob sa kanyang ina. Wala siyang pakialam na may isang ina na nagmamahal sa kanya na tunay at nag-aalaga sa kanyang na walang labis at walang kulang.Labingtatlong taon nang may galit na bumabalot sa puso ng dalaga. Those years are the worst years of her life, minsan niyang sinabi sa kanyang sarili. She is cold as ice and hard like a stone. Friends and internet is her life. Si Daniella ay maganda at matalino pero kabaliktaran naman ang kanyang ugali. Hindi sumuko ang ina sa ugali ng kanyang anak. Tinitiis niya ang lahat ng galit, sakit, panunumbat at mga masasamang salita na nagmumula mismo sa nag-iisa niya anak. Lahat ginawa niya upang ituring siyang ina na kanyang anak.

“Anak mag-ingat ka ha. Kainin mo ang niluto ko sa’yo. Masarap yan, made with love.”

Hindi na sumagot si Daniella. Agad siyang lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan na kanyang boyfriend. Hindi alam ng ina na may tinatagong relasyon ang kanyang anak. Hindi na nagsalita pa si Mrs. Cortez ngunit nagtaka siya kung sino ang lalakeng sumundo sa kanyang anak. Hindi niya pa nakita ang lalakeng iyon. Akala ng ina kaibigan lang yun ng kanyang anak kaya hindi na siya nagtaka pa at tinuloy niya na lang ang paglilinis ng kanilang munting tahanan.

Habang naglilinis si Mrs.Cortez, nakita niya ang proyekto ng kanyang anak na naiwan sa mesa.

“Naku!Naiwan ang proyekto ng anak ko. Nagpuyat siya kagabi dahil sa proyektong ito.Kailangan kong dalhin ito sa school niya baka mapagalitan siya ng teacher niya."

Hindi na dalawang-isip ang ina,agad siyang nagbihis at nagmadali siyang pumunta sa paaralan ng kanyang anak. Hindi niya alam na break time na pala kaya halos nilibot niya ang campus para mahanap ang kanyang anak.

Habang naglalakad si Mrs.Cortez, binibigyan siya ng pandidiring at pagtatakang titig ng mga estudyante sa loob ng campus. Hindi na pinansin ng ina ang mga estudyante, patuloy lang siya sa paglalakad at paghahanap ng kanyang anak. Sa ‘di kalayuan, nakita niya ang kanyang anak na may kasamang limang mga babae. Kaklase sila ni Daniella at silang limang ang solid na kaibigan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Greatest Love Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon