Hello Love,Goodbye Love

45 2 0
                                    

I just want to share this story na naInspired ako^^

True Phillipine Love Story

Nico_6199 via email :)

hindi ko na po masyadong iddetalye..

Hope You Like It!! ;">

Enjoooooy!

         Halos tatlong taon na ang nakalipas nang makilala ko sa isang simbahan ang isang babaeng minahal ko ng husto.

Nang mga panahong iyon lagi akong nagpupunta sa simbahan sa lugar namin.Tahimik at payapa sa loob niyon,kaya napapadalas ang punta ko roon dahil doon lang ako nakakapag-isip nang malinaw tungkol sa maraming problemang kinakaharap ko noon.

       Isang araw,napansin ko ang isang babae roon na parang may dinaramdam.Hindi ko siya agad nilapitan.Inakala kong meron siyang kasama,pero nalaman kong kami lang palang dalawa ang tao soom sa loob.Lumuhod ako sa kanang bahagi ng simbahan kung saan ko siya natatanaw.Nakita ko siyang umiiyak.Hindi ko napigilan ang aking sarili,bigla ko siyanh nilapitan at inabot ko sa kanya ang aking panyo.Tinanggap naman niya iyon at ipinangpahid sa mga luha niya.

Nang mahimasmasan ay nakipagkilala ako sakanya.

  "KC" , pagpapakilala niya saakin.

Bahagya siyang ngumiti habang nakikipagkamay.Itinanong ko sakanya kung meron ba akong maitutulong sakanya,pero sinabi  niyang wala.Maya-maya ay nagpaalam na siya.

      Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili,naramdaman kong magaan ang loob ko sakanya.Hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganung pakiramdam,nun lang.Bumalik ako sa aking pagdarasal,itinanong ko sa Diyos siya na ba yung hinihintay kong babae sa buhay ko.Humingi ako ng palatandaan na kung siya yung babaeng iyon na makapagdadala ng Blue Roses ay siya ang magiging kasagutan sa tanong ko.

       Kinabukasan ay bumalik ulit ako sa simbahan,pero wala siya roon.Inisip ko,baka hindi talaga para sakin si KC.Four days later, hindi ko pa rin siya nakita.Hindi na ako umasa na darating pa ulit siya.Pero sa ika-limang araw,dumating si KC.Tinignan ko kung meron ba siyang dalang blue rose,hindi ko kaagad napansin kaya nawalan ako ng pag-asa.Pero nung papalapit na siya saakin ay nakita ko na meron nga siyang dala.Inilagay niya ang bulaklak sa paanan ni Virgin Mary.Unti-unting tumulo ang aking luha.

       Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.Kaya bago pa siya makaalis ay lumapit ako sakanya.Kinamusta ko siya kaagad at tinanong kung okay na siya.Niyaya ko siya magkape,akala ko nga tatanggihan niya ako pero pumayag naman siya.Doon sa coffee shop,nagkwentuhan kami ng mga karanasan namin sa buhay.Parang matagal na kaming magkakilala.

         Hindi man lang kami nailang sa isa't isa.Nagpalitan kaki ng cellphone number.Sinabihan ko siya na kung meron siyang kailangan ay tawagan niya lang ako kaagad.At naghiwalay kaming parehong masaya,lalong lalo na ako.

        Pagkatapos ng pagtatagpong iyon,naging madalas na ang pagkikita namin ni KC.Lagi ko siyang inaayang kumain sa labas o magkape o mamasyal at manood ng sine.Halos gabi-gabi rin kaming

magkausap sa telepono.Dumating sa puntong naging malapit ko siyang kaibigan.Naglalabasan kami ng mga sari-sariling problema.Siya lang ang nakakapagpagaan ng mga problemang dinaramdam ko.

       Inumpisahan ko ang panliligaw ko sakanya.Hindi naman niya ako tinanggihan.Dalawang buwan ko iyang niligawan.Sinagot niya ako pagkatapos naming magsimba.Halos napalundag ako sa sobrang tuwa.Naging masaya ang aming pagsasama.Paminsan-minsan,nagtatalo rin kami tungkol sa maliliit na bagay pero naaayos rin naman namin kaagad.

      Pero sa hindi inaasahang pagkakataon,nasira ang lahat.

      Na-diagnose siyang may sakit na Leukemia.Matagal na pala siyang may sakit.At huli na ang lahat.Malala na pala siya.Hindi man lang niya sinabi saakin ang tunay niyang kalagayan.Sa katunayan,ako pa ang huling nakaalam na may sakit na pala siya.Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko yun.Halos umabsent ako sa pag-aaral para mabantayan ko lang siya.

      Makalipas ang dalawang linggo ay nagdesisyon siya na lumabas na lang ng ospital.Sinundo ko siya sa ospital.Nagpresinta ako sa mga magulang niya na ako na lang ang susundo sakanya.Yun ang unang pagkakataon na magmamaneho ako para sakanya.Hiniling niya na huwag ko muna siyang ihatid sa bahay nila,gusto pa niyang mag-joyride kami.Kahit daw sa huling pagkakataon ay maranasan niya iyon.Napaiyak ako pero sabi niya saakin,huwag daw akong malungkot.Tanggap na rin niya na mawawala na siya sa mundong ito.Kung saan-saan ko siya ipinasyal.

     Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti.Parang hindi ko matanggao sa sariki ko na anumang saglit ay pwede siyang kunin saakin.Noong mga oras na yun,ang tangi kong iniisip ay kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang bagay na yun.Kung bakit siya pa na marami namang mga masasamang tao sa paligid? Iniisip ko rin na sana ay hindi ko na lang siya nakilala.Pero hindi ko pinakita ang tunay kong nararamdaman.

     Makalipas ang dalawang araw,isinugod ulit siya sa ospital.Umabot pa siya hanggang dalawang buwan,malakas daw kasi ang loob niya sabi ng doktor.Nilalabanan niya ang sakit niya at pinipilit pa niyang mabuhay.Pero hanggang doon na lang talaga siya.

       Dumating na ang kinakatakutan kong araw,ang kanyang pag-alis.Nasaksihan ko kung paano siya nawala,habang sinasabi niyang Mahal Na Mahal niya ako...

       Nagalit ako sa sarili ko.Wala man lang akong nagawa.Ngunit, unti-unti ko ring natanggap ang kanyang pagkawala sa paglipas ng panahon.

       Kahit na wala na siya,hindi ibig sabihin na kakalimutan ko na siya.Mahirap makalimutan ang isang tulad niya.Iisipin ko na lang ang mga magagandang ala-ala ko sa kanya.Alam ko na masaya na siya ngayon saan man siya naroon.

VOTE AND COMMENT!! :)

Thank you for reading..

inspired by:chances

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello Love,Goodbye LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon