Oh my God. Di pa rin ako maka-get over.
“Goodbye Juliet, enjoy your DATE” Bulong ni CJ sa akin at umalis na silang dalawa ni Chel ‘tapos naiwan na kami ni Gez dito
Tunganga pa rin ako. Ayaw magfunction ng utak ko. Natigil ang utak ko sa paggana. Ayaw din gumalaw ng paa ko.
“Hey baby. Come here” Sabi ni Gez at nagpunta na siya sa akin pagkatapos kinuha na ang kamay ko at ayun pumunta na kami sa isang table na pang-dalawang tao lang.
Itong lugar ay napakaganda promise. Sa may Garden ito na di ko alam kung saan parte ng Pilipinas pero parang ang lapit lang. Kitang kita ang city lights dito tapos yun table ang ganda pa ng pagkaka-arranged. May blue roses pa sa gitna ng table. Blue din yun motif ng table tapos yung mga naka-scattered na roses sa sahig ay blue and white din.
Shete! Alam na alam talaga ni Gez na gustong gusto ko ang blue roses.
Pumunta sa likod ko si Gez at inayos yung upuan na uupuan ko ‘tapos pinaupo nya na ako. Aww sweet. Pagkatapos nuon ay umupo na din siya sa upuan na katapat ko.
“Juliet, sorry kung di ko nasabi ha? I-I mean nasabi ko naman na may date tayo pero di manlang kita naitext o kahit ano. Sorry talaga. Chaka don’t worry tinulungan ako ni Chel dito.” Nakangiting wika ni Gez pero halatang ninenerbyos siya
“O-ok lang. As long as nandito ka ok na ako dun” Sabi ko na medyo nauutal pa
“Let’s eat.” Pagkasabi nuon ay pinitik nya ang kanyang daliri para isignal sa waiter dito na ibigay na ang mga pagkain.
May caterer dito, may butler, maid, at etc. Shete! Pinaghandaan talaga ito.
Nung naiserve na yung mga pagkain ay kumain kami ng tahimik. Tunog lang ng mga utensils ang maririnig mo at yung ihip ng hangin.
Masyadong peaceful dito sa lugar na to. Ganitong mga lugar ang dapat tinatakbuhan kapag may problema ka o di kaya gusto mo mapag-isa, para kapag gusto mo na mawala sa mundong ito ay may instant ka na na pwede mong pag-suicide-an. XD Hahaha! Joke lang.
Ano ba dapat ko maramdaman ngayon? Letche! Di ako mapakali eh. Huhuhu.
Ang abno ko. Teka, matagal na pala akong ganon. -___-
Di na talaga nagfufunction ng maayos yung utak ko. Kelan ba nagfunction to ng maayos? T.T
Dinaan ko nalang sa pagkain tong nararamdaman ko pero syempre with manners pa rin, hindi yugn parang baboy kung kumain. Rawr.
Sa bahay lang ako ganon kumain, hindi pwede ipakita sa harap ni Kras (Crush) na may leon siya na kasama ngayon. Mwuahahahaha!
Nag-angat ako ng tingin para tignan siya kasi parang tumigil sa pag-galaw yung mga utensils niya at mali pala yung ginawa kong yun. Binalik ko agad yun tingin ko sa pagkain
Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Baket ang init init ditoooo?!
Kasi naman to si Gez ehhh! Nakatingin pala sa akin kumain. Nakoko-conscious ako.
“G-Gez ba’t di ka kumakain? Kain ka.” Sabi ko na medyo nauutal. Sheeeyt. Nakakahiya.
“I like to see how you eat first and make sure that you eat it all” Tignan ko si Gez and he flashed his sweetest smile to me.
Tunaw na ako. Tunaw na ako. Wala naaaa~
Nakakatunaw ang kanyang ngiti. Nakakabihag.
HUTAENAAAAAAA! TANTANAN MO AKO MALANDING KONSENSYA! MAGHUNOS DILI KA NAMAN!
Juliet, Juliet... Don’t let out the beast in you. BOOMPANES. HAHAHAHA
Arrrgh! Tama naaaa! Manners! Tandaan mo, kaharap mo si Kras. Isa sa mga Sync. Ang pinapangarap mo sa Sync. Ang gusto mo maging boyfriend. Wag mo hayaan ma-turn off siya sayo.
BINABASA MO ANG
Him And Her: Their Love Story
Teen FictionLove story. Ano nga ba ang love story para sayo? Ang love story na alam natin ay happy ending. Halos lahat dapat happy ending. Pag ang isang love story ay hindi nagtapos sa isang Happy ending, ang mga manunuod o mga nagbabasa ay minsan maghahanap ng...