The Accident

31.6K 486 10
                                    

NANAKIT ang ulo ni Cash habang nagda-drive siya patungo sa condominium unit niya. He felt like he had enough problems for today and he badly needed rest. He was physically, emotionally and mentally tired. Paano ba naman kasi ay umagang-umaga pa lamang ay sinugod na siya ng lawyer ng Tita Petty niya---ang nagkakatanda at nag-iisang kapatid ng ama niya. Ipinaalala ng lawyer nito ang kondisyong ibinigay ng Tita niya ilang buwan na ang nakalilipas. Sa totoo lang ay muntik na nga niyang malimutan ang kondisyong iyon ng kanyang Tita Petty kung hindi lamang dumalaw sa kanya ang lawyer at nagdagdag pa ng ilang kondisyones tungkol sa provision na iyon.

Nang binigyan siya nito ng provision noon, halos pagtawanan niya lamang iyon. Hindi siya interisado sa alok na ibibigay nito sa kanya ang magarang mansion nito kung magpapakasal siya sa taon din na iyon. Wala siyang interes sa magarang mansion nito dahil alam niyang kaya niyang magpatayo pa ng mas malaki doon kung gugustuhin niya. Iyon nga lamang, wala rin siyang balak na magpatayo ng mansion. He prefers investing in a condominium unit dahil para sa kanya ay para sa isang pamilya lamang ang magkaroon ng isang mansion. Wala siyang balak mag-asawa kaya aanhin naman niya iyon?

Walang asawa ang Tita Petty niya at wala rin itong anak kaya naman na siyang unang anak ng kapatid nito ang napag-trip-an nito. Itinuring na siya nitong tunay na anak nito. Namatay sa panganganak ang kanyang ina kaya naman no choice na mapunta siya sa kanyang ama. Dahil palaging busy naman ang ama niya sa business empire at mga babae nito, palagi siyang naiiwan sa poder ng kanyang Tita Petty.

Magkaibang-magkaiba ang dalawang magkapatid. Parehong hindi na nakapag-asawa ang mga ito sa magkaibang dahilan. Kung ang ama niya, kahit matanda na, ay kali-kaliwa pa rin ang mga nakakarelasyon, si Tita Petty naman ay walang interes man lang sa pakikipagrelasyon. Pero palaging sinasabi nito sa kanya na huwag daw niyang gayanin ito at ang ama niya. Hindi raw masaya ang walang asawa dahil kapag matanda na ito ay mahihirapan na itong magkaroon ng companion nito. Kung gagayanin naman daw niya ang kanyang ama na kahit hindi nakapag-asawa ay nagkaroon naman ng tatlong anak sa mga naging babae nito, hindi rin daw iyon maganda dahil balang araw ay puwede itong iwanan ng mga anak nito at maaring maging mag-isa sa buhay. Pero kung sakaling magkaroon naman daw ito ng partner, for sure na hindi ito iiwanan at magkakaroon pa ito ng companionship na hahanapin nito kahit matanda na ito.

Pero hindi siya kumibinsido sa sinasabi ng Tita niya. Katulad ng kanyang ama, wala rin siyang balak mag-asawa. Bakit? Dahil nakikita niyang masaya at makulay ang buhay ng kanyang ama. Idol niya ito kahit na ba marami ang nagsasabi na masama daw ang ugali nito dahil heartbreaker at playboy ito. Pero para sa kanya ay cool ito. Kung sakaling ayaw na nito sa mga babaeng nakakaulayaw nito, madali lamang itong makakaalis dahil walang papel na nagtatali dito. Free itong makalaya anumang oras ang gustuhin nito.

Sa ngayon ay beinte-nuwebe anyos na siya pero kahit kailan ay hindi niya pa talaga napi-feel na mag-asawa. Masaya siya sa buhay niyang kagaya ng kanyang ama at ng dalawa niya pang half brothers na kapareho niya ay related rin sa business ang pangalan---sina Stock at Price. Bill Torres ang pangalan ng kanyang ama at dahil ayon dito ay kinuha daw ang pangalan nito at ng kanyang Tita Petty, sa mga business and accounting terms, iyon rin ang ginawa nito sa kanilang tatlong magkakapatid. Galing kasi sa pamilya ng mga negosyante ang kanyang ama at napagkatuwaan ng ama nito na gawin rin na galing sa terms sa negosyo ang mga pangalan nila. Ginaya naman iyon ng kanyang ama.

Kahit magkaikaiba ang kanilang mga ina, hindi iyon naging hadlang para magkasundo silang tatlo. Paano kasi ay hindi nalalayo ang mga personality nila. Lahat sila ay ipinanganak na may perpektong kaanyuan at magaling pagdating sa pagpapalago ng pera. Mana daw sila sa kanyang ama na kahit matanda na ay hindi pa rin daw kumukupas ang karisma. Matinik pa rin daw ito sa chicks. At kagaya nito ay ganoon rin silang tatlo. The three of them were also branded as "The Playboy Millionaires". Lahat daw sila ay malaro sa babae pero lahat rin ay milyonaryo na sa murang edad dahil sa galing nito sa negosyo. They were also business tycoons at a young age.

The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon