Hey Stranger (One Shot)

41 5 0
                                    

Hey Stranger!

Bakit ganon. Ang sakit naman. Bakit sa lahat ng tao, bakit sila? Bakit nila nagawang lokohin at paglaruan ako. Nag tiwala lang naman ako, nagmahal. Pero bakit ganito kasakit?

Nandito ako ngayon sa park. Ume-emote. Kasi naman, masakit talaga. Umasa kasi ako.

"HAY!!" frustrated kong sigaw. Naiiyak kasi ako. Pero ayokong umiyak. Im not weak. Hindi ko dapat ipakita sa kahit na kanino na mahina ako. Im strong! "Hindi ako iiyak. Hindi ka iiyak Candy. No." para kong tanga na kinakausap ang sarili ko.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Nasa isang bench kasi ako dito sa park, pero medyo tago tong part na to. Kaya nakaramdam ako ng kaba ng may tumabi sakin. Madalas kasi ako dito at sa unang pagkakataon may tumabi sakin.

Lumingon ako sa kaniya. Naka jacket siya na itim tapos naka hood, naka shades din sya at headset. Ang weird ng fashion niya. Hindi ko din makita yung mukha niya. kasi nakatakip yung hood niya, eh naka side view siya. Ang tangos ng ilong. At ang bango niya.

"A-ah. H-hi?" bigla kong sabi. Ewan, nawala kasi yung kaba ko kanina. Parang ang gaan ng loob ko sa kaniya.

Kaso hindi niya ko pinansin. Siguro hindi niya ko narinig kasi naka headset siya.

“Hey Stranger.” Sabi ko kahit alam kong hindi niya ko naririnig. Kailangan ko lang talaga ng mapagsasabihan ng sama ng loob ko. Pede naman sa mga kaibigan ko pero mas ok na sa isang STRANGER ako mag vent out ng problema ko. Kahit hindi niya alam. Mukha din namang natutulog siya. Atlis kung may makakita man sakin dito na nagsasalita, hindi nila iisipin na luka-luka ako na umiimik mag-isa.

Umupo ako ng ayos at tumigin sa harap. Huminga ako ng malalim.

"Hey, Stranger. Alam mo nalulungkot ako, nasasaktan. Alam kong hindi ko dapat to maramdaman pero ang sakit kasi e. Alam mo yun. Meron kasi akong gusto, matagal na. Hindi na nga lang ata simpleng paghanga yung nararamdaman ko. Mahal ko na ata siya." napangiti ako na parang baliw.

"Kaso ang tingin niya sakin isang kaibigan. Mabuting kaibigan. Hindi niya alam na gusto ko siya. Na mahal ko siya. Tuwing magkasama kami, ang saya ko. Kaso nawawala din agad yung sayang yun kapag binabanggit niya yung taong mahal niya. Yun ang masakit pag kaibigan mo yung taong gusto mo, lalo't wala siyang alam sa nararamdaman mo. Minsan tinanong niya ko, sino daw bang mahal ko. Gusto kong sabihin na SIYA, SIYA yung gusto ko. Pero hindi ko masabi kasi ayokong iwasan niya ko." tumingala ako. Shet lang! Candy dont cry. Pero hindi ko na napigilan ang pag-patak ng mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit magmahal ng kaibigan.

"Ang tanga lang kasi yung mahal niya na tinutukoy niya ay ang bestfriend ko pala." lalo akong napa hikbi. "Ang sakit na makita silang magkayap at masaya. Kanina iniisip ko, MGA TRAYDOR SILA. Pero naisip ko din. Hindi sila traydor. Nagpaka totoo lang sila, mahal nila ang isat-isa. At isa pa, hindi naman nila alam. Hindi nila parehas alam na mahal ko SIYA. Ako lang ang may alam. Nakita nila ko, pero ngumiti lang ako sa kanila at lumakad palayo. Masakit kasi. Sobrang sakit. Alam kong wala akong karapatan, pero kasi.. pwede naman akong masaktan diba? Kasi meron naman akong nararamdaman." napatungo na lang ako habang umiiyak.

Naramdaman ko na lang na niyakap NIYA ako. Nabigla ako pero niyakap ko siya pabalik. I just need a hug.

"Hey, stranger. Alam mo bang nasasaktan din ako?" sabi niya habang naka yakap sakin, bibitaw sana ko pero mas humigpit ang yakap niya. "Hindi ko alam na sobra pala siyang nasasaktan. Mali ang pagkaka intindi niya. Nakita niya ko, kasama ang bestfriend niya na magkayakap. Pero hindi niya alam, kaya kami magyakap non kasi nagpasalamat ako sa kaniya. Sa tulong niya. May sorpresa sana ko sa babaeng mahal ko, kaso nung nakita niya kami ngumiti lang siya at lumakad palayo. Hinabol ko siya pero hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung san siya nagpunta. Natakot ako na mawala siya, ni hindi ko pa nasasabi sa kaniya na MAHAL KO SIYA. Buti na lang, nakita ko siya sa paboritong lugar niya kaya agad akong umupo sa tabi niya, hindi ko alam kung pano siya kakausapin, buti na lang at likas siyang madaldal kaya nauna siyang magsalita." he chuckled. Natulala ako. Pwede kayang..

"Nagkwento siya, at habang ginagawa niya yun, nasasaktan ako, lalo na nung umiyak siya sa harap ko. Pero hindi ko mapigilang matuwa, kasi nalaman ko na mahal niya ko. Na mahal din ako ng taong mahal ko. Ang sarap sa pakiramdam.” Siya to. Hindi ako pwedeng magkamali. “Mahal kita, Candy. Mahal na mahal kita.” Pagkasabi niya non tumayo na siya.Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang tumaba ang puso ko.

"C-clark." nasabi ko ng mahina.

“Mahal kita, Candy. Mahal na mahal kita.”

Tumayo ako hinabol si Clark. Di ko to pwedeng palampasin pa.

"Hey, Stranger!" tawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya pero hindi lumingon. "Mahal kita! Diba mahal mo din naman ako?" lakas na loob kong tanong. Kahit sinabi na niya yon kanina, gusto ko ulit marinig. Marinig ng paulit-ulit.

"Hey, stranger!" sigaw din niya pabalik tapos humarap siya "OO, mahal din kita. Mahal na mahal." tapos ngumisi siya.

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya.

Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka din ng mahal mo. Kahit na nag confess kami in a weird way. Atlis nalaman namin ang feelings namin para sa isat-isa.

Ang saya ko, sobra.

"Hey, stranger! Pa-kiss nga!" natatawang sabi niya.

THE END

Hey Stranger (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon