Chapter 6: Date

66 4 0
                                    


Angela

"You wanna come with us, Kirby?" Nakangising tanong sa kanya ni Bea at nanunuyang nakatingin sakin. Langya talaga tong babaeng to. Alam naman niyang inis ako sa lalaking yan kahit wala namang ginagawa sakin, eh!

"Where to?" Tanong niya na parang di alam kung saan kami pupunta. Tss

"The Escape." sagot ni Asela. Isa sa mga club na pinupuntahan namin kasi kilala rin namin ang may-ari.

Si Zed.

"If Angel won't mind." He said while looking at me. Angel? Nag-iisang tao lang ang tumatawag sakin non.

"A-ah. Yes. Ayos lang naman. Maliligo muna ako." Mahinang sabi ko at nagmadaling pumunta sa taas.

He couldn't be that guy! Though, hinayaan ko na lang muna dahil baka kasi coincidence lang yun. Madali akong pumunta sa banyo and did my thing. After that, nagpunta ako agad sa closet ko to plan if ano ba ang magandang isuot.

I choose to wear a red dress with gold linings. Medyo hapit sa katawan ko at nagsuot ako ng gold stilletos. Well, gusto ko ang porma ko ngayon. Ewan ko ba kung anong sumapi sakin at eto ang ayos ko. After ay naglagay ako ng light make up para di naman mukhang haggard ako dahil maganda pa naman ang suot ko. Nilugay ko ang buhok ko and curled the ends of my hair.

Narinig kong may kumatok sa closet ko at alam kong si Bea iyon.

"Pasok." I said while looking my reflection in the mirror.

"May damit naman ako dito diba? Hahaha. Ligo muna ako! Pagamit ng banyo ah?!" She said enthusiastically and then headed to my bathroom. Feeling at home na iyon kasi sa tagal ba naman naming magkakilala?

Naglagay ako ng red lipstick and then headed to my sala. Nakita ko si Kirby na nakaupo lang. Nakita kong napatingin siya sa way ko. Napatayo siya. I almost forgot that he's wearing a polo na nakatiklop ang sleeves sa bandang braso niya. Revealing his muscles na parang ilang taon na niyang pinaghirapan. White polo lang yon and pants but he's sizzling hot. Ngayon ko lang nahalata. Pucha. First day ko pa lang nakakasalamuha tong ungas na to pero ngayon lang ako nakaramdam ng attraction sa kanya kahit inis na inis ako.

Nakita kong nakayukom ang mga kamay niya. Umupo siya agad na parang walang nakita. Suplado. Umupo na rin ako sa tabi niya, inaantay namin si Asela. Nakakabingi ang katahimikang meron kaming dalawa ngayon.

"Kirby/Angel" Sabay naming sambit.

"Ikaw na mauna." Sambit ko.

"Ikaw na muna, Angel." Sagot niya naman.

"Bakit Angel? People call me Angela." I asked. Gusto ko kasing yung lalaking iyon lang ang tumatawag sakin nang Angel.

"Para maiba." He said, smiling. Natigilan ako, iyon din ang dahilan ng lalaking iyon nang tanungin ko iyon sa kanya.

But... No. He can't be! Iba ang... Iba ang aura nong lalaking yun kesa sa kanya!

"Hay. Antagal ni Beatrice!" Padabog kong saad. I really don't want to overthink! Ilang oras pa lang kaming magkakilala ni Kirby ay andami niya nang napaparamdam na kung anong ayaw ko maramdaman! I don't want to complicate my life by overthinking!

I looked at him, napatingin lang din siya sa gawi ko at napangisi.

"What?" Tanong ko sa kanya habang siya naman nakangiti pa rin sakin.

"Wala. By the way, you look gorgeous." Pagkatapos ay tumungo. Ramdam kong namula ako sa sinabi niya at sasagot pa sana ako nang nakita ko si Bea na papunta samin.

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon