Assignments,paggising ng maaga,pag-aaral para sa mga pagsusulit ilan lang ito sa mga pagsubok sa buhay ng estudyante, minsan ay iniisip mo na sobra na, na gusto mo nang huminto, gusto mo nang tumakbo,gusto mo nang sumuko. Pero sapat na ba itong dahilan upang ikaw ay huminto, tumakbo o sumuko? Sapat na ba itong dahilan na sabihing 'ayoko na', 'tapos na', o 'pagod kana'?
Bilang estudyante ay nakakaharap rin tayo nang problema at di maunawaan na sitwasyon. Bilang estudyante ay hindi madali. At bilang estudyante ay bilang isang mamamayan na nag-aaral para sa ating maganda at maayos na kinabukasan.
Mahal kong mga guro, kapwa mag-aral at bawat mamamayan sa ating bansa.
Ating isaisip na hindi ginawa ang mga pagsubok upang saktan tayo at hindi ito ginawa upang tayo ay magdusa. Ginawa ito para tayo ay matuto, ginawa ito para tayo ay maging matatag, ginawa ito para malaman natin na walang saysay ang ating buhay kung wala ang mga pagsubok na nagpatatag sa atin.
Huwag mong sabihing 'ayoko na', dahil sa kabilang bahagi ng mundo ay may estudyanteng gustong-gusto pa, gustong-gusto pa matuto, gustong-gusto pa mag-aral, dahil alam nila na ito nalang ang sandigan nila upang makamit ang kinabukasang matatag at maganda.
Huwag mong sabihing 'tapos na', dahil sa bawat buntong hininga na iyong giniginhawa ay may estudyanteng kumakayod pa upang makapag-aral dahil ang nasa isip nila na ito ay simula pa at pagsubok lang ito sa kanila.
Huwag mong sabihing 'pagod kana' dahil may mga estudyanteng nagtatrabaho gabi't-umaga para makapag-aral at mabigyan nang isang mabuti at magandang kinabukasan sa kanyang mga kapatid at pamilya.
Kung sa tingin mo ay pinagmamalupitan ka nang Panginoon, ito ang iyong tandaan, hindi niya ibibigay ang isang pagsubok kung alam niya na hindi mo kaya.
Maswerte ka dahil hindi mo naranasan ang mga naranasan nila.
Pasalamatan mo ang iyong Panginoon sa buhay na meron ka ngayon. Magdasal ka na masolusyonan at makayanan mo iyong problemang pinadadaanan. At kung sa tingin mo ay 'sobra na', ang isipin mo ay 'kaya pa' at ang Panginoon ay nasa tabi mo palagi kaya wag ka mag-alala.
YOU ARE READING
Buhay Estudyante: Kaya pa!
PoetryIsang tula na ginawa ko last September 2016. Sana magustuhan nyo.