Pag dating ko ng bahay narinig kong sumisigaw si papa malamang nakainom o lasing na naman SIYA at inaaway niya si mama, natakot akong pumasok sa loob pero pinilit kong buksan ang pintuan dahil sa pagod ako at gusto ko nadin matulog pero nakita ko si papa na nagsisigaw padin "ikaw bata ka! anong oras na bakit ngayon ka lang umuwi ha!" "pa sorry kumain pa kasi kami ng mga teacher ko pag tapos ng laban at sobrang traffic po kasi" "lumayas ka dito pabigat ka sa bahay na to!" at nakita ko si mama na sumenyas na pumasok na ako sa kwarto ko, masakit para sa isang anak na makarinig ng mga ganon salita galing sa magulang tumatak sa isip ko at magpasa hanggang ngayon naririnig ko padin kung pano isinigaw ni papa yun sa harapan ko, pag pasok ko dali dali kong chinat si kyah ,
"kyah sana pala di nalang muna ako umuwi lasing si papa pinagalitan ako pinapalayas na ako kasi late na ako umuwi gusto ko nang umalis dito"
di ko inaasahang nag rereply siya kasi sabi niya pag uwe niya matutulog na daw siya nagulat ako sumagot siya
"hala bakit? sorry di naman tayo late umuwi ah meron ka pa bang pinuntahan na iba? di ba sabi ko derecho uwe na?!"
ramdam kong nag alala siya
"umuwi naman po ako agad e ganito lagi si papa pag nalalasing gusto ko ng umalis dito!" umiiyak na ako sa pag kakataon na yun
"ano kaba lasing lang yan papa mo di niya alam sinasabi niya tska di ka papalayasin niyan nasasabi niya lang yun gawa ng alak matulog at magpahinga kna bukas magiging maayos din yan sige na bukas usap tayo, tska kapag lumayas ka san ka pupunta? di ba wala naman kaya mag stay kana lang dyan palamigin mo muna ulo ng papa mo"
payo niya sakin nakinig ako sa kanya dahil gaya nga ng sinabi ko e pag siya ang nag sasalita o kausap mo siya nakukuha niya yung attensyon mo sinunod ko ang payo ni kyah sakin, kinabukasan e pag gising ko may nakahanda ng almusal sa mesa at nakita ko si papa nag titimpla ng kape, papasok ulit ako sa kwarto pero nakita niya ako
"kumain kna maupo ka dito sabay tayo" parang walang ng yari parang wala siyang sinabi sakin na masasakit kagabi sadyang tama nga si kyah gawa lang ng alak yon pero bakit di kayang iwasan ni papa? pagtapos kong kumain naligo at nagaayos na ako papasok ng school may message sakin si kyah
"goodmorining smile kana yaan mo na si papa mo lasing lang yan kagabi pero mahal ka niyan siguro meron lang siyang problema at alak lang way niya para makatulog agad" sabi niya sakin napangiti naman ako syempre at nagsimula nanaman akong maguluhan sa nararamdaman ko gusto ko ng sabihin sa kanya pero natatakot akong layuan niya ako. Di ko alam kung tama nga ba ito pero ilan araw kong inisip nagugustuhan ko nga ba siya? o baka nagiging idol ko lang siya? ahh basta.. ewan.. di ko alam.. ano nga ba ako? sino nga ba ako? , pinilit kong labanan ang aking nararamdaman niligawan ko ang isa sa mga classmate ko nagustuhan ko na naman siya pero di buo parang my kulang sa sobrang gulo ng utak ko sinubukan kong uminom ng alak dahil baka makalimutan ko problema ko, baka pag gising ko bukas wala na yung nararamdaman ko sa kanya bumili ako sa tindahan ng isang tanduay ice, isang bote lang ang nainom ko medyo nahilo at tinamaan na ako dahil di naman ako talaga umiinom bigla siyang nag chat
"badtrip tong tropa ko ayaw akong pauwiin medyo lasing na ako hahaha"
uminom din pala ang loko so sinakyan ko siya
"tumakas ka na diyan hahaha tayo ka cr kunwari tapos wag ka ng bumalik"
naisip ko na sasabihin ko na sa kanya kasi lasing naman siya so baka bukas di niya maalala yung sinabi ko nag-ipon ang ng madaming lakas ng loob para umamin sa kanya nag sisismula na akong magconstruct sa isip ko kung pano sasabihin sa kanya na gusto ko siya, na unti unti na akong napapamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tama Nga Ba Ang Mali?
Diversos"Love Is Universal, You Can't Define One" Pano kapag buong akala mo simula ng bata ka ay isa kang tunay na lalaki, pano kung sa isang iglap ang puso mong matigas ay biglang lumabot at nagising ang babaeng kaluluwa sa pagkatao mo? pano? bakit?,