SUPERNATURAL

208 3 4
                                    

 Chapter I: Summer

The scorching heat of the sun, I'm gonna miss :(

*Sigh* Ilang araw nalang, pasukan na naman at magfofourth year high school na ako so I'm gonna leave High School very soon, next year. Nakakalungkot man isipin pero kailangan kong grumaduate ng Secondary level at magcollege -____- Ba't nga ba ganun ang buhay ng tao? Mag-aaral ka for how many years, tapos, magtatrabaho ka na forever. Nakakapagod isipin pero di ko muna dapat alalahanin ang bagay na yan sa ngayon. Summer kaya dapat masaya ako :D Paborito ko kasi ang panahon na to. No school works, just fun under the sun!

The sun gets hotter, music gets louder and life gets better when it's summer!

*BOGSH* What the--- O____O bigla nalang akong niyakap ng isang estrangherong lalaki. Napalakas yata ang approach niya sa akin kaya natulak niya ako. Tss. Chanseng niya lang :3

"Hoy Miss! Bulag ka ba? Tingnan mo nga yang dinadaanan mo! Kung gusto mong mamatay, huwag kang mandamay!" sigaw ng driver ng isang bus sa... akin? Muntik akong masagasaan? Jusko, ayoko pa pong mamatay. Yan na nga ba, napasobra ata ang kakaisip ko sa mga bagay bagay kaya tuloy nangyari to. Buti nalang at hindi ako natuloyan. Huminga nalang ako ng malalim.

"Tss. Mag ingat ka kasi Tiana." biglang sabi nung lalaking yumakap sa akin -____- O sige, tinulak nalang. Binabawi ko na yung 'chanseng' kasi niligtas niya ako. Teka...

"Ba't alam mo ang pangalan ko?" sigaw ko sa kanya na nakapamulsa pa habang lumalakad papalayo sa akin. Di man lang ako pinansin :3 "Hoy Mister na may cross earing sa left ear! SALAMAT!" Ewan kung narinig pa niya ako sa layo niya. Oo, yung earing niya lang yung napansin ko sa kanya. Pero sa tingin ko... gwapo din sya hihihi :*)

By the way people, ako nga pala si Zerah Tiana Andrews, 15 years old at sa June... Magsisixteen na ako ^___^ NBSB (No Boyfriend Since Birth) pero may nanliligaw syempre. Sa ganda ko ba naman huhubells XD

At ngayon, dinala na ako ng mga paa ko sa beach resort na pinakamalapit sa amin. My parents are on business trip kaya naiwan ako mag-isa ngayon. Ano nga ba gagawin ko dito? Magvovolleyball? Di ako marunong -__- Magbuild nalang kaya ng snowman? esti, sandman? Ampupu, parang pambata lang ata yun -__- Kumain? Naku, I'm on diet -___- Teka, nagdadiet nga ba ako? :3 Ayun, tiningnan ko lang ang dagat, ang ganda nito, very calm. Napahawak ako sa may dibdib ko habang pinaparinggan ko ang mga alon sa dagat, ang gaan sa pakiramdam na para bang malapit ang loob ko sa dagat... Biglang... *Teng!* Lightbulb! Magsuswimming nalang ako ^__^ Pero wala akong dalang pampalit na damit eh :3 Alangan namang basa akong maglalakad sa kalsada mamaya... Pero hinahatak talaga ako ng dagat eh ahihihi bahala na nga! Kaya ayun, dumeretso talaga ako sa dagat hanggang sa makarating ako sa malalim na parte nito, mga taga-leeg ko na yung tubig.

"Limang hakbang mula dito, 5 feet na ang lalim ng tubig so don't dare take a step forward now baka malunod ka pa." biglang may nagsalitang lalaki sa tabi ko. Paglingon ko, yung cross earing niya agad ang napansin ko.

"Ikaw pa---" hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil sa sumisid na siya, pero sinundan ko siya. Nang nasa tubig na rin yung ulo ko, hindi ko na siya makita, pag-ahon ko naman, tumingin ako sa palipaligid at baka makita ko siya ngunit... hindi talaga :3

"Ba't ang dali niyang nawala?" I thought.

5 flat lang yung height ko. At hindi nga ako magaling lumangoy at nalulunod ako kapag sobrang lalim na ng tubig. Ba't niya alam yun? At ba't ang accurate niyang nasabi ang lalim ng tubig? Sino siya? Pero teka... 5 feet na nga kaya ang lalim nun? Baka niloloko niya lang ako -____-

At dahil sa curious ako, ayun humakbang ako ng 5 steps forward at biglang nahulog yung paa ko sa parang mas malalim na parte ng dagat. Hanggang... nataranta na ako at nawalan ng hininga. Naku! Ba't ba ang malas ng araw ko? ... at nag-itim na ang paningin ko.

SUPERNATURALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon