Chapter 9
Reason
Janelle
Umuwi nalang ako ng condo pagkatapos kong pumunta kina mama. I was about to enter the door nung may humawak sa braso ko.
"Napano ka?" he coldly said. Lumingon ako at nakita kong si Carlos iyon. Nagtext pala siya sakin kanina na makikipagkita siya sa condo ko.
Umiwas ako ng tingin.
"Look at me. Why are you crying?" mariin ang bawat bigkas ng salita niya. I wonder kung bakit parang galit siya. Concern ba siya, as a friend? Or I'm just hallucinating?
He held my chin at pinatingala niya ako. Hindi ako tumingin sa mga mata niya but he searched for my vision.
"I said, what happened to you? Why are you crying?" his forehead creased. Umiling lang ako at ngumiti sakanya.
"Nothing. Napuwing lang ako. Bakit ka nga pala nandito?" sabi ko. Pilit na humihilis sa usapan.
Mataman niya akong tinignan. Linaban ko ang mga titig niya.
"Don't lie to me, just tell me" he said. I saw in his eyes na concern siya. Napatungo ako para hindi niya makita ang mga namumuong luha. Napangiti ako, atleast alam kong may karamay ako ngayon sa problema ko.
Tumingin na ako sakanya at pinapasok siya sa loob ng condo ko. Wala pa si Wendy ngayon dahil bukas pa ang uwi niya dito para sabay kaming maghanap ng trabaho.
Pinaupo ko siya sa sofa at kinuhanan siya ng makakain sa kusina. Napaisip ako habang pinaghahanda ko siya ng sandwich. Totoo kaya ang mga pinapakita niya? Pero naniniwala naman ako kasi magkaibigan naman kami kaya I don't need to doubt him.
Pagbalik ko sa sala ay prente siyang nakaupo while staring at me. Napatulala ako, I stared back at him at nakita kong napaawang ang labi niya at umiwas ng tingin. Pinilig ko ang ulo ko at lumapit na sakanya. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanlalambot ang mga tuhod ko pero hindi ko ipinahalata iyon sakanya.
"Tatanungin ulit kita, bakit ka umiiyak kanina? Did someone hurt you? Pinuntahan kaba ng ex mong gago?" seryoso niyang sabi. Napanguso ako. Napabuntong hininga nalang ako at kinwento sakanya ang nangyari. While I'm saying all those things na nangyari kanina ay hindi ko napigilang mapaluha ulit. Masakit sa part ko na parang walang may gusto sakin.
We're on our way in the basement dahil ihahatid ko si Carlos. Saktong bumukas ang elevator nang tumambad sa harapan namin ang puno ng pasa at sugat na si Matthew. Nanlaki ang mga mata ko ang napakunot at napatagilid ang ulo ni Carlos.
"Matthew, anong nangyari sayo?!" natataranta kong sigaw sakanya. Dali-dalin akong tumakbong papunta sakanya at binuhat siya ng dahan-dahan. Sinulyapan ko si Carlos na matalim ang titig. Hindi ko alam kung bakit sobrang sama ng titig niya pero wala muna sa oras ko ang isipin iyan.
Linampasan ko siya pero halos manggatong ang mga tuhod ko nung hinawakan niya ang magkabila kong baywang. I shrugged.
"Tulungan mo muna ako Carlos. P-please" halos mautal-utal pa ako dahil sa tibok ng puso kong hindi parin tumitigil galing sa mabilis na pagtibok. I saw him rolled his eyes at napahalakhak ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
General FictionMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...