CHAPTER FOUR

1.8K 50 25
                                    


DUMATING ang invitational ride sa Ilocos. Pinili ni Satoaki ang pinakapaborito niyang big bike para iyon ang gamitin. Lahat sila na nakasuot ng kaukulang rider's gear dahil mahigpit ang organizers pagdating sa safety. Laging nakabuntot sa kanya ang kababata pero kinakausap din nito ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Hindi nakaligtas sa kanya ang paminsan-minsang pagsulyap nito kay Sid. Wala namang itinatago sa kanya si Yuri tungkol sa pinaplano nito kaya kapag nahuhuli niya itong halos mabali na ang leeg kakalingon kung nasaan si Sid ay agad niya itong pinanlalakihan ng mata. Hindi naman siya nito pinapansin at iniirapan lang siya.

"Pare, ready na ba kayo?" wika ni Brayden nang makalapit sa kinaroroonan nila. May kasama itong magandang babae at mestisahin. Kaya pasimple niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa at kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ni Yuri sa tabi niya pero saglit lang dahil nginitian nito si Brayden.

"This is my sister Brianne, she's gonna be my backride." Pagpapakilala ni Brayden sa kasama.

"Hello!" magiliw na hayag ni Brianne sabay lahad ng kamay. Akma sana niyang tatanggapin ang kamay ng babae nang biglang sumingit si Yuri at ito ang nakipagkamay.

"Hi Brianne, I'm Yuri, and this is Satoaki." Nakangiting giit ng kababata. Iginiya nito ang babae sa isang tabi. Narinig niyang kung anu-ano ang mga kinukuwento nito at itinatanong sa kapatid ni Brayden. Hindi na tuloy siya nakapalag kahit gusto niyang kilalanin si Brianne. Isa pa nag-aalangan din naman siya kahit paano dahil nakababatang kapatid ito ng kaibigan niya baka kung ano pa ang isipin. Nagiging totoo lang naman siya sa sarili niya at nagagandahan talaga siya kay Brianne.

Nagsimula ang invitational ride at sabay-sabay ang pag-arangkada ng mga motorsiklo. Lahat ng mga kaibigan niya ay may kanya-kanyang babaeng backride. Yuri agreed earlier that they will push the bike to its limit. Kaya naman masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya ng motorsiklo dahil sanay na naman silang gawin ito kahit noong kabataan nila sa Japan. Madalas silang mag-roadtest na magkasama at minsan ay naka-backride si Yuri sa kanya kaya walang problema kahit sobrang bilis nila. Mahigpit lang ang pagkakayakap nito sa kanya.

Halos inabot ng isang oras ang kanilang biyahe at silang dalawa ni Yuri ang unang nakaabot sa finish line.

"Kita n'yo na? Wala pa rin akong kakupas-kupas!" pambubuska ng binata nang makarating din ang mga kaibigan sa finish line.

"Invitational ride lang naman ito kaya hindi kailangang mag-unahan. Hindi ito karera, Aki. Sobrang bilis ng takbo mo, hindi ka ba nag-aalala sa backride mo?" wika ni Sid. Ipinatong nito ang hawak na helmet sa upuan ng bike nito.

"Sanay naman kami ni Yuri, 'di ba?" baling ni Satoaki sa dalaga.

"I'm used to it. Madalas naman kasi kaming mag-roadtest na magkasama sa tuwing may bagong labas ng superbike ang company namin." Nakangiting saad ni Yuri habang binubuksan ang zipper ng suot nitong racer's suit.

Biglang nabahala si Satoaki sa nakikita dahil parang hindi aware ang dalaga na titig na titig si Sid sa dibdib nito na bahagyang exposed ang cleavage sa suot nitong panloob na sports bra. Hindi kaya sinasadya ito ni Yuri para makuha ang atensyon ni Sid? Bigla siyang nainis sa naisip kaya hinawakan niya ang kamay ng dalaga na abala sa pagbukas ng zipper at muli iyong isinara ng sapilitan.

"Bakit ba? Ang init-init na. Huhubarin ko na ang suit na 'to." Reklamo nito na sinabayan ng irap. Natigil lang sila sa pagtatalo nang lumapit si Brayden at kinausap silang lahat.

"Guys, may property kami dito sa Ilocos. Gusto n'yo bang doon na muna tayo bago umuwi? Malapit lang iyon dito." ani Brayden. Pumayag naman silang lahat sa suhestiyon nito. Muling sumakay sa kanyang bike si Yuri at isang private resort ang dinatnan nilang property nina Brayden. Napangiti siya dahil personal silang inasikaso ng kaibigan kasama ang nakababatang kapatid nito. Siguro makakagawa siya ng paraan para makausap si Brianne. Mukhang mabait naman ito at hindi mataray.

Dirt Riders Club Series 5- SATOAKI MAEDA (The Lapper's Choice)- PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon