I'm a FANGIRL and I Laveeet [One-Shot]

149 0 0
                                    

Dedication to: All fangirls & fanboys. At sa mga bumabasa at magbabasa neto ^__^

Enjoy reading! <3

All rights reserved ©

Ang pagiging fangirl ay isa sa mga pinagkaka-abalahan, kinababaliwan at kinakikiligan ng mga kabataan ngayon dahil isa din ito sa kanilang kasiyahan.

Hindi masama ang pagiging fangirl, lalo na't yun ang nagiging inspirasyon mo sa bawat yugtong tinatahak mo.

Sa totoo lang, masarap maging fangirl, lalo na't merong sumusuporta sayo sa pagiging fangirl. Katulad ng pamilya mo at mga kaibigan mo.

Para sa'kin, merong tatlong uri ng fangirl.

Una, ang mahirap. Kase, hindi siya makabili ng mga stuffs ng kanyang iniidulo kahit yung mga mura lang. Pero ginagawa niya ang lahat para lang masuportahan niya ang kanyang ini-idulo kahit na walang pera.

Pangalawa, May kaya sa buhay o average. Ang average fangirl ay kayang makabili at kayang bumili ng mga murang stuffs ng kanyang ini-idulo. Tulad ng pins, layces, posters, stickers, bags, t-shirts, album at marami pang iba. Pero bihira lang sila makabili ng album dahil sa kakulangan narin sa badget. But.. they still try their best, para lang makabili kahit napaka-mahal.

At ang last ay mayaman o rich. Ang mayamang kpop lover o fangirl ay kayang bilhin, bumili at makabili ng mga pins, posters, laces, stickers, bags, accessories, albums at syempre.. Concert ticket. Yan ang mayamang fangirl. Kayang maka-bili at kayang bumili ng concert ticket kahit mahal ay bibilhin, makita at mapanood lang ng live ang kanilang iniidulo.

Syempre, once in a lifetime at bihira lang pumunta dito sa pilipinas ang mga kpop groups na gustong-gusto nating makita in person, kaya don't miss it. This is your chance and this is our chance. Kase baka di na sila makapunta o pumunta dito. Kung makapunta man ulit, baka ilang taon pa. Pero.. kung di talaga afford dahil nga sa kamahalan ng ticket, ipon ipon na lang.. Hanggang sa di pala natin namalayan, nakaabot na yung ipon niyo sa presyo ng concert ticket. At mababalitaan niyo na lang na mag co-concert ulit yung Kpop Idol natin dito. Oh diba? di na tayo mababahala sa pera para sa pambili ng ticket.

So, kahit anong hirap man ang maging fangirl, ay kakayanin natin kahit anong mangyari. Mahirap man pero kakayanin, dahil MASAYA. Diba?

Masasabi ko din na hindi lang pala babae ang mahilig sa mga kpop, kundi pati narin ang lalake. Masayang makarinig at makakita ng fanboy, kase ang alam nating fangirls ay puro babae lang ang mahilig sa kpop. Dahil nga ang mga lalake ay iba ang kinahihiligan. Pero.. di naman lahat. Kaya MASAYA

Eto lang ang masasabi ko sa mga fangirls at fanboys.. Keep supporting your Idols no matter what happens and do all your best to make ourselves happy and to our Idols. Don't mind others if they said bad things to your idols. Because if you patol-patol to them.. Haha de char lang. Kase kapag pinatulan natin sila ay maaaring mag-cause ng away. At 'yun ang pinakahuwag nating gagawin. Oo, sabihin na nating pinagta-tanggol natin ang Idol/s natin. Pero huwag naman nating i-hard ng sobra, kase nga baka may warlang maganap. Hayaan na lang natin sila kahit na sobrang nai-inis na tayo, tsaka kung mag co-comment kayo dun sa nangsi-sira o sa gumagawa ng kwentong butas sa idol/s natin, imbis na awayin natin o may sasabihin na sobrang mag papa-HARD sa kanilang ego ay gawin at mag isip na lang tayo ng tama.. dahil para din ito sa kabutihan nating lahat ^___^

So, sana na-enjoy at nagustuhan niyo ang maikling kaisipan na aking nagawa about fangirl (>‿◠)✌

KAMSAMNIDA ! Mabuhay ang fangirls at fanboys! ≧◠◡◠≦✌

And now, sasabihin ko ang laging bukambibig ng mga koreans.

HWAITING ! ❤

I'm a FANGIRL and I Laveeet [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon