Crisis

18 2 0
                                    

"Ginawa ng diyos si Adan para kay Eba, ang lalaki ay para sa babae lamang, Tria autem sunt quae nos tentant, caro, mundus, diabolus." pinag sisigawan ng pastor namin at napaisip ako mali ang ginagawa ko mali na magmahal ako ng isang lalaki pero bakit ganon? di ba sa mata ng diyos lahat pantay pantay? bakit kasalanan ang magmahal ng
isang kauri bakit pinagbabawal ito? akala ko kalmado na ang lahat pero di pala, ganito pala ang pakiramdam ng isang may identity crisis, magulo, malungkot, masakit at bawal mag mahal, tao lang naman ako may puso't kaluluwa marunong din akong magmahal at masaktan, Naguguluhan na ako dapat itigil ko na tong kahibangan ko dapat mag paka lalaki na ako, isa akong kristyano at sumusunod ako sa salita ng diyos si adan ay para kay eba lamang. Pag uwi ko ng bahay nakita ko na naman ang papa kong lasing na lasing at paulit ulit niyang sinasabi na wala akong mararating, sa pagkakataon na to ay nagkaruon ako ng galit sa sarili ko at sa taong pinaniwala akong ayos lang ang lahat at walang masama sa ginagawa ko ang taong pinagkatiwalaan at nagustuhan ko, galit ako sa sarili ko na bakit ako naniwala bakit ako sumunod sa kanya, sa sama ng loob ko at galit ko sa kanya pinutol ko lahat ng communication namin naka Block na siya sa FB , Messenger at IG ko, walang akong explanation na binigay sa kanya hinayaan ko siyang humanap ng sarili niyang sagot hanggang sa nag karuon ulit ng kompitesyon sa school at gusto ng mga kagrupo ko na siya ang kunin namin sa galit ko nasigawan ko sila ng "Hinde na natin siya kailangan!" nabalutan ng galit ang puso ko halos madumi na ang tingin ko sa sarili ko, natakot akong ipag kalat ni kyah ang sikreto ng pagkatao ko pero wala naman akong narinig na chismis sa school. Di ko na alam ang gagawin ko, di ko na alam kung ano ang totoo sa mali, di ko na alam kung Tama nga ba ang Mali?.

Tama Nga Ba Ang Mali?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon