Chapter 21

11.4K 216 27
                                    

Nakayuko ng bahagya si dober at nakataas ang kamay habang hawak ang palakol sa harap ko.

"D-dober! Sigurado ka bang magagawa mo yan?" Kinakabahang tanong ko.

"0o, kaya ko. Hindi ako nag-aalinlangan!" Sagot nya sa akin at buong lakas itinaas ang palakol para palakolin ang pakay niya.

Napatili ako ng sobrang lakas.

"Ciel naman e, panira ka ng buwelo. Lumayo ka kasi ng konti bakaw ikaw pa matamaan ko!" Aniya sa akin at muling pumuwesto. Nagsisibak kasi ito ng kahoy para panggatong. Kala nyo naman siguro kung anu na noh? hihihi!

"Eh nag-aalala lang naman kasi ako sayo eh. Bakit mo kasi tinanggap yong hamon ni tatay?"Nakangusong sagot ko.

"Talaga? Concern ka sa akin? Love mo na ako no?" Nakangiti nyang sagot sa akin.

"Asa ka naman dober! Inaalala ko lang naman baka kami pa sisihin ng pamilya mo kapag madisgrasya ka!"

"Haha! Deny ka pa bansot saka kaya ko naman ang hamon sa akin ni tatay natin. Kadali dali lang eh." Sagot nito at nilihis pa nito ang manggas ng damit nito at umaksyon na para body builder. Di ko maiwasang mapatawa.

"Seryuso ka ba talaga ha dober?"Ako

"0o naman po aling Ciel. Seryuso ako sayo."Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Gosh! Ehh.... eto nanaman po. Kinilig ang lola nyo!

Kahapun kasi nung tinanong ni tatay kung seryuso si dober sa akin, nagtaka ako kung anu ang alam nito. Naipaalam na pala nito sa magulang ko na may balak itong manligaw sa akin. Kaya naman ang haligi ng aming tahanan ay nag isip ng paraan kung panu mapapatunayan na busilak at walang halong pagkukunwari ang pag-akyat ng ligaw o ang pag-ibig sa akin ni dober. Super gulat nga ako kung panu napapayag ni dober ang mga magulang ko at si potpot na ligawan ako e parehas kaming babae. Well as in malalim pa sa deepwell, open naman daw po sila sa ganung bagay basta di raw namin pababayaan ang aming pag-aaral at di raw ako lulukohin ni dober. Ang binigay lang naman na  challenge kay dober ay ligawan ako sa makalumang paraan. Payag naman si dober, oh ha? Haba ng hair ko, dapat magparebond na nga rin ako e hehe! Dalagang pilipina naman kasi ako kaya I deserved it, di ba?

Pawis na pawis si dober pagkatapos nitong magsibak ng kahoy. Hmmm... pero kahit pinagpapawisan mukha pa rin itong masarap sa paningin ko. Nyehehe!

"Kaya mo pa?" Tanung ko sa kanya. Mag-iigib naman kasi ang susunod nitong gawin.

"Watch and learn."Nakangiti nyang sagot. Pumunta kami sa likod bahay dahil andun yong poso. Kumuha ito ng timba, itinapat sa tubo at sinimulan na nitong bumomba. Bawat galaw nito ay naglalabasan ang mga masel  nito. Aww! Am macho pala nya nyehehehe! Napapasunod naman ang mata at ulo ko sa bawat paggalaw ng femme muscle nito. Dyemmn...! An sexy....

"Ciel! Baka bumaha ang laway mo. Kawawa naman ang mga kabaryo mo, baka malunod sila!"Nakangiti nyang sabi sa akin. Pinasexy pa lalo nito ang paraan ng pagbobomba. Oy may.... Sana ako na lang yong bomba.. mehehehe! Ito  nanaman po ako,nadudumihan nanaman ang kainosentehan ko. 0h no!

"Hoy Ciel! Okay lang magnasa wag lang mapatulala! Halikan kita dyan eh!" Sigaw nya sa akin saka nya ako sinabuyan ng tubig. Napatalon tuloy ako dahil sa gulat.

"Peste kang doberman ka! Bakit ka nanggugulat ha! Halikan mong lelong mong panot!" Sigaw ko rin sa kanya. Kumuha rin ako ng tabo para sabuyan siya ng tubig pero mabilis itong nakailag.

"Lelong na panot? Hahaha! Boom! Panot panot!" Kinanta pa nito yong kanta ni vice ganda with action. Sinabuyan ko ulit ng tubig pero agad nanaman itong nakailag.
Ito naman ang kumuha ng tubig at mabilis na isinaboy sa akin. Bwisiiit!!! Natamaan nanaman  ako!

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon