My Selfie GF

81 2 0
                                    

Prologue

Naranasan mo na ba magmahal ng taong super sikat sa FB? Yung tipong hindi naman artista na napapanood sa tv, hindi din commercial model pero madaming tao ang naglilike at nagcocomment sa mga post at status niya.

Madami siyang followers sa FB samantalang ako wala pang 100 ang friends sa fb ko. Almost everyday siya nag-uupdate ng status at nagpopost ng picture niya samantalang walang pumapansin ng mga photos at status ko, isa pa nga ako sa mga autolikers ng mga wall post niya. Siguro nga kahit magsuot siya ng garbage bag, madami pa din ang maglilike ng picture niya dahil talaga namang maganda siya.

Pero sino nga bang mag-aakala na ang simpleng tao na tulad ko ang pipiliin niya kahit na madaming gwapo, maporma at mayamang lalaki ang matagal ng nanliligaw sa kanya. Swerte ko ano? Swerte din naman siya dahil sobrang mahal ko ang SELFIE GF KO........

My Selfie GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon