Nakita kong nagpunta siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang kanyang sarili. Mula sa kanyang mukha, katamtamang hubog ng kanyang dibdib, maala-hour glass na baywang, mapipintog na puwitan at mahahabang hita't-binti.
Every part of her body seems to be perfect.
Her green eyes are so alluring that matches her dark red lipstick. It compliments with her fair skin na animo'y bampira sa sobrang puti. She's wearing her signature black cap, black long-sleeved crop top that reveals her flat tummy with a cool piercing in her navel, matching with her black leather jacket, black ripped jeans and a pair of black boots to complete her badass look.
Then suddenly, a creepy and dangerous smile escaped from her face. She's like a 'walking danger sign.' Don't get close or else.
"You are weak as always, Hexel."
She said while looking straight in her reflection on the mirror. That's exactly how I imagine my Harley should be. Kudos to you, Catas!
She really is an epitome of a beautiful devil sent from hell and she's ready to kill tonight.
"In fairness kay Catastrophe ha? She really knows how to act and she slayed her double personality role. Ang maldita! But of course, no one can beat the famous Mayhem Montemayor!" Nakangising komento ng nag-iisa kong kaibigan na si Vanelle.
Kasama ko siya ngayon dito sa kuwarto ko at nanunuod lang kami ng pilot episode ng Sinner or Saint--a TV adaptation ng sinulat kong hit novel. I am very lucky to watch my own work sa isa sa mga nangungunang local channel dito sa Pilipinas. Unbelievable! SOS is my first baby. Tama ang iniisip niyo, isa akong writer at ako rin ang naatasang pumili kung sino ang mga gaganap sa mga fictional characters na nilikha ko.
First choice ko sana si Vanelle also known as Mayhem Montemayor--yes, she's a famous celebrity too, ngunit tumanggi siya dahil kinailangan niyang lumipad papuntang America para sa mga personal na bagay. No hard feelings at all, kaibigan ko siya at naiintindihan ko naman. Kaya doon ko napagdesisyunan na ibigay na lamang ito kay Erin Catastrophe Ortega, na-discover sa isang clothing line kung saan siya ang exclusive model nito. Hawak kasi siya ng isang top producing agency--ang Fantasia. Mabuti na lamang at mabait si Tatiana Harriet Ruiz, a 32-year old woman, former president ng naturang ahensiya, she was able to let me use Erin as my lead actress na hindi lang magaling sa pagmomodelo kundi pati na rin sa pag-arte.
She went through several workshops, she made a debut for acting and she's known for a kontrabida role, and my book is her first lead role. At hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya, because she really deserves her fame right now, she really nailed it!
Sinner or Saint is a mix of medical, action, and mystery theme. It's about a girl who have a fucked up life. At the age of 10, her parents abandoned her kaya nagpagala-gala siya sa kalye sa murang edad at napasama sa isang chinese syndicate na naging dahilan para maging miserable ang kanyang buhay. She train to be an assassin, pero ayaw niyang pumatay. Sa bawat pagtanggi niya, torture ang binabalik sa kanyang katawan. Mahina siya, 'yun ang laging nasa isip ni Hexel. Nang dahil sa trauma, she made a perfect version of herself. Fierce, heartless, and pure evil. So, Harley Davis has born! Sa other persona niya binuhos ang lahat ng mga negative vibes, lahat ng gustong ituro sa kanya ng Master X nila. So technically, si Harley ang sumalo ng kanyang dark side. Her life? A normal café owner at day, and a sexy badass assassin at night.
I grinned. "Nobody who actually saw the episode complained about her acting. Apparently, she slayed the role. Hindi ko naman siya pipiliin kung wala akong nakikitang potential sa kanya. Ako pa ba?"
She rolled her eyes. "Yeah, yeah. I forgot, you are the royal author. Bow to the queen." Sarkastikong sabi nito.
Natawa ako sa pag-iinarte niya. "Ito naman, nagtatampo agad. Ikaw naman kasi, tinanggihan mo pa. Hayaan mo, gagawan kita ng isang kuwento na hango sa totoong mga pangyayari ng buhay mo. At itiye-tiyempo ko talaga na maluwag ang schedule mo, paniguradong magiging hit ang novel ko na 'yon. Imagine, the life of the famous Mayhem Montemayor behind the camera. Pak, ganern!"
I blinked when I saw the sudden pain in her eyes but she manage to hide it away. "So, magiging erotic writer ka na? Hindi mo kakayanin ang buhay ko, masyadong maaksyon." She sexily grinned.
Napailing na lamang ako ng mapagtanto ang meaning ng kanyang sinabi. Well, Vanelle is Vanelle. Hindi na yata mawawala sa kanya ang SPG remarks.
Ngumisi ako. "Umiiral na naman ang ka-manyakan mo. Tigilan mo iyan, polluted na ang utak ko ng dahil sayo." Pang-aasar ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya. "Ay, wow! Nahiya naman po ako, at talagang sa'yo pa nang-galing iyan ha? But kidding aside, saan ka kumukuha ng ideas and plots?" Pang-iintriga niya sa akin.
Umayos ako ng pagkakaupo sa aking kama at seryoso siyang hinarap. "My answer is always constant in this question. I love creating my own world with it's own set of rules and history, I love jumping from one world to the next. You are familiar with the answer but you're not aware of the reasons behind it. In my need to voice my thoughts out, I became a writer. I found people who are eager to read my stories even though I'm just an ordinary sick girl. I really treasure them." Nakangiti kong paliwanag sa kanya.
Simula pagkabata, lagi lang akong nakakulong sa apat na sulok ng aking kuwarto. I have a weak body kaya hindi ako pinapayagan na mag-aral sa isang normal na eskuwelahan ng parents ko. Sa bahay lang din umiikot ang mundo ko, walang mga kaibigan maliban kay Vanelle. Magkaibigan ang mga nanay namin kaya kami nagkakilala, lagi silang pumapasyal sa bahay kaya hindi na ako nagtakha nang maging close kami, para na kaming magkapatid. I'm not complaining though, okay na ko sa isang kaibigan.
Only child ako kaya ganoon na rin siguro sila kahigpit sa kalusugan ko, ayaw lang nila akong mawala. Mabuhay ng matagal ang tanging kalayaan ko. Last year, I was diagnosed with lung cancer stage 2. Tinanong ko kay God kung bakit ako pa? Ang daming tao sa mundo, pero bakit ako pa ang napili niyang pahirapan ng ganito? Ingat na ingat ang mga magulang ko sa akin, hindi nila ako pinapalabas ng bahay ng hindi sila kasama. Hindi ko rin naranasan na gumala kasama si Vanelle, dahil sa kalagayan ko. Pangarap pa naman naming mag-travel sa Korea, pero mukhang hindi na matutuloy iyon. Halos manipulahin na nila pati ang paghinga ko, kaya dumadating na rin sa time na sobrang nasasakal na ko sa kahigpitan nila pero wala naman akong magagawa dahil sa malalang sakit ko. Stress reliever ko na lang talaga ang pagsusulat lalo na kapag humaharap ako sa salamin, dahil ang pangit pangit ko na gawa ng chemotherapy. I write because I need to. Without it I can't imagine where I am.
Hinawakan ni Vanelle ang mga kamay ko at tinitigan ang aking mga mata. "Deep. So deep. Always remember na maraming handang makinig sa'yo, hindi lang ako. Siguro ito na ang tamang panahon para magpakilala ka sa mga readers mo, E." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na nagpa-wala ng mga agam-agam sa puso ko. Once you saw her sweet smile, you will get smitten by her charms. My sweet Vanelle. I really love her! "And you are not just an ordinary sick girl, you are my bestfriend. My sister. Understood?"
Naluluha akong tumango.
"Never ever forget to pray, Enid. Nothing is impossible with Him." Nakangiti niyang paalala sa akin.
A little smile curved into my lips. "Can you pray for me?"
And my bestfriend gladly did.
A/N:
💡💡💡
✏ Si Enid ang sick girl/writer ng Sinner or Saint.
✏ Si Hexel/Harley Davis ang bida ng Sinner or Saint na ginagampanan ni Erin.
✏ Si Vanelle at Mayhem ay iisang tao lamang, screen name niya ang Mayhem Montemayor.
(Para iwas pagkalito 😉)
vastvision 👓
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
FantasyAko si Enid, isa lang naman ang nais ko sa buhay at iyon ay ang aking kalayaan. Kalayaang i-enjoy ang mga natitirang panahon para mabuhay, mag-travel sa Korea kasama ang nag-iisa kong kaibigan at mag-mahal ng lalaking kamukha ni Daniel Padilla. Pero...