Hello My Angel

150 1 0
                                    




"Hello My Angel"

By: reedlovi

Sabi nga nila lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan, sa una hindi mo ito napapansin pero sa takdang panahon ay masasabi mo na lamang na, 

salamat dahil dumaan ka sa buhay ko.


Hawak ni Marilyn ang kanyang bagong Nokia cellphone nang maisipan nitong ihanda ang kanyang payong sa pag-baba ng bus dahil sa medyo malakas ang ulan.

dahil sa kakamadali ay nailapag nya sa kanyang kinauupuan ang cellphone nito na hindi inaakalang maiiwan nang nakipag sabayan na syang tumayo upang manguna at makisabay sa mga pasaherong nag-sitayuan narin sa kanilang upuan.

 Pag-baba ng bus agad itong nag-lakad lakad ng mabilis upang  makasakay ng jeep sa kanilang kanto.

Sa kanilang gate ay nandun ang ina ni Marilyn na sadyang nag-hahantay sa kanyang pag-dating tuwing gabi galing sa trabaho. Inalalayan siya nito mula sa pag-baba ng jeep hanggang sa pag-pasok ng bahay dahil sa lumalakas narin ang pag bagsak ng ulan. 

Pag-katapos kumain at maghilamos ng katawan ay dun niya naisipang ayusin ang gamit sa bag. Mga ilang sandali pa ay tila hindi niya makita ang isang bagay na nakaligtaan nyang kunin ng siya ay nasa bus pa.

 hindi naman lingid sa kanyang alaala na naiwan nya ang kanyang cellphone sa bus ng mga oras na inilalabas nya ang kanyang payong at ihanda ito sa kanyang pag-baba.

 Nang mabuo na sa kanyang isipan ang lahat ng pangyayari ay napaupo na lang ito sa kanyang kama at nanlulumo.

Kinaumagahan kahit hindi masyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa cellphone ay maaga itong bumangon para manghiram ng cellphone sa kanyang ama, ina at mga kapatid na ang tanging nais niya ay ma miss-call man lamang ang kanyang cellphone kung ito ay tutunog pa o hindi na.

hindi nga nag-tagal nalaman narin na kanyang buong pamilya ang pag-kawala ng cellphone niya, lahat nga sila ay nang-hinayang din dahil mamahalin ang cellphone na yun, at si Marilyn lamang ay mayroon ganung unit sa kanila.

sinubukan na mag load ang bunsong kapatid ni Marilyn para matawagan ito ngunit sa kasamaang palad ay naka out of coverage na ang buong Unit. Dahil dun tanging mga text at paminsan minsang miss-call ang kanilang ginagawa ngunit ganun parin ang status ng unit na nawawala kay Marilyn.

"The number you have dialed is unattended or out of coverage area please try your call later."

Maging sa mga katrabaho nito ay nalaman narin at lahat sila ganun na din ginagawa minimis call paminsan minsan at tini-text baka sakaling may mag-replay. 

 Miyerkules, dayoff ni Marilyn, pang-apat na araw na ngayun mula ng mawala ang cellphone niya ngunit ganun pa din ang status hindi parin matawagan. Marahil tama nga siguro ang iba sino ba naman ang hindi mag-kakainteres sa ganung mamahaling unit, touch screen,wifi already, nasa 32gig ang internal memory at marami pang magagandang specs ang ganung unit na cellphone ng dalaga.

Isang buwan palang niya ito nagagamit at isa sa mga best seller ang Nokia unit. Kung ang mga ordinaryong unit na cellphone ay ninanakaw, yun pa kayang ganung Unit, talagang pag-kakainteresan at imposeble ng maibalik sa nag-mamayari nito.

"grabe naman, bakit kasi nilapag pa kita sana hindi na lang errrr."  bulong na inis ng dalaga sa sarili.

 (5:04 am) napabangon nasi Marilyn, nakasanayan na niyang gumising ng maaga kahit na dayoff niya pa ngayung araw ng miyerkules. Habang nakaupo at nag-susuklay na nakaharap sa salamin

Hello My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon