Lumipas ang ilan araw naging linggo hanggang naging buwan wala na akong balita kay kyah di ko nadin siyang nakikita, sa pag lipas ng panahon unti unti kong tinatanggap kung ano ako, kung sino ba talaga ako tinanggap ko na isa akong Sirena o sa madali at pinababaw na pananalita isa akong bakla pero wala pang nakakaalam sa mga kaibigan ko, dahil mas minabuti ko na mahalin ko muna sarili ko bago ako mag ladlad sa iba, pinagsisihan ko ang pag talikod ko kay kyah kamusta na kaya siya ngayon?mula nung araw na pinutol ko ang communication namin dalawa e wala na akong mapagsabihan ng mga rants ko wala na akong makausap kapag lasing si papa ewan ko pero nahihiya na ako sa kanya. At muling nag bukas ang panibagong school year at grade 8 na ako ngayon may mga bago akong classmate at sumali ako sa isang org sa school ang the mighty pen isa siya journalism org at dito ko nakilala si Leo, well honestly kilala ko na siya nuon pa dahil isa siya sa mga tinuturuan ni kyah nuon at madalas sabay ang grupo namin kapag training, ngayon ko lang siya nakasama ng matagal at natitigan ng husto yung muka niya, gwapo siya maputi, matangos ang ilong may katangkaran, medyo chubby at wavy ang buhok. masipag si Leo sobra he always end up before the deadline na binibigay samin ni Mrs. Tahong. Nag kakasama kami dahil sa collaboratory ng article tulad ng naramdaan ko kay kyah unti unti din akong nahulog kay Leo, pero dahil walang nakakaalam na bakla nga ako so deadma lang ako sa feelings ko di ko pinapahalata lalo na sakanya gustong gusto kong ishare lahat ng nararamdaman ko pero di pwede, takot akong makutya ng iba, takot ako sa sasabihin ng iba, 'till one day from out of nowhere nakita ko si kyah sa school nagulat ako kung ano meron, bakit andun siya yun pala e meron siyang tinuruan sa science month, at tulad ng inaasahan sila ang nakapasok sa finals sinubukan kong lapitan siya pero yung mga paa ko nakadikit kung saan ako nakatayo mapapatawad ba ako ng isang taong minsan kong binaon sa kalimot?. "Guys Bubuo kayo ng dance group para sa intermission para sa teachers day!" announcement ng ssg president namin, at eto na umarangkada na ang mga pabibo kong classmate bubuo daw sila ng grupo pero dahil wala naman akong ginagawa sumali ako lumipas ang ilan araw nawalan ako ng pag asa na may mabuo kami at may nakapag sabi sa amin na si kyah daw ang mag tuturo ng pyesa sa grade 9 so ang napag isip isip ko na pag samahin nalang yung grupo namin para matapos na kami at may mabuo. Nag dadalawang isip ako kung ichachat ko ba siya o hinde takot ako baka ireject niya ako at dahil kailangan ko talaga ng tulong niya bahala na si batman " hi kyah kamusta ka?" di ko na inaasahan na sasagot siya pero
"ui kamusta ka na? eto busy daming project e"
"ay ganon ba sige kyah, gusto ko kasi sana isama nalang kami sa mga sasayaw e wala kaming mabuo"
"sige punta nalang kayo bukas sa training namin"
"salamat kyah punta na lang kami bukas",
kahit ganon ginawa ko siya inwan ko siya sa ere di siya nag bago, sinabi ko sa mga kagrupo ko ang balita at natuwa naman sila excited ang mga loko loko. Habang nag lalakad ako papunta sa training namin iniisip ko anong gagawin ko kapag nakita ko na si kyah anong gagawin ko anong sasabihin ko? ahh basta pupunta nalang ako bahala na..., malapit na ako sa training at nagulat ako at di ko inaasahan andun si leo! di ko alam kung ano gagawin ko hanggang sa nakita ko si kyah nag tuturo sa unahan nag eensayo pala sila para sa finals ng science month, parang turumpo ako paikot ikot di alam ang gagawin habang busy si kyah at napapansin kong tumitingin siya sakin at sumesenyas ng teka lang, habang si leo haaay kahit pawisan muka padin mabango.
BINABASA MO ANG
Tama Nga Ba Ang Mali?
Random"Love Is Universal, You Can't Define One" Pano kapag buong akala mo simula ng bata ka ay isa kang tunay na lalaki, pano kung sa isang iglap ang puso mong matigas ay biglang lumabot at nagising ang babaeng kaluluwa sa pagkatao mo? pano? bakit?,