A/N: Hindi po talaga ako sanay sumulat ng SPG part. Kaya po pagpasensyahan n'yo na kung hindi ko kayang isulat ang bawat detalye mg dapat ay SPG Part ng nakaraang update. Pagpasensyahan n'yo na ako.
-------
Bianca's POV
Ganito pala ang pakiramdam na mahal ka ng taong matagal mo nang minamahal. Sa tatlong araw na magkasama kami ni Vincent, hindi ko pinagsisihan na ibinigay ko sa kanya ng buo ang sarili ko.
Sinamahan din niya ako mamili ng iilang damit ko. Wala kasi akong dala noong nagpunta kaming Manila para tingnan ang resulta ng board exam namin. Maasikaso siyang boyfriend. Every morning, handa na ang breakfast kapag gigising ako. Pinagluluto niya ako, ipinaghahanda ng mga kailangan ko. Kung minsan pati na rin sa pagligo ay magkasabay kami. Para na talaga kaming mag-asawa sa ginagawa namin. Pero minsan naisip ko na parang may mali sa ginagawa namin. Unang-una, hindi siya kilala ng mga lolo at lola ko. Pangalawa ay hindi kami kasal para magsama.
"Kung umuwi na kaya ako?"sabi ko sa kanya.
"Hindi ka pa okay. Nilalagnat ka pa."may halong pag-aalalang sabi nito.
Nagkasakit kasi ako matapos na may mangyari sa amin ni Vincent. Sabi ng doctor na kilala ni Vincent ay vaginal infection daw. Nakakahiya nga 'e.
"Dumito ka muna. Kapag okay ka na bukas, ihahatid kita." Tumango naman ako dito. Tumabi sa akin ito sa kama. Parehas kaming nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Umakbay ito sa akin at ako naman ay sumandal sa dibdib niya. I feel comfortable and safe kapag ganito kami. Sana hindi na matapos pa ang lahat nang ito.
Narinig namin ang pagtunog ng doorbell. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. "Wait here okay. You need to rest." Hinalikan niya ang aking noo. Saka tumayo at lumabas ng kwarto para harapin ang tao sa labas.
Umayos ako ng higa nang nabigla ako sa nakita kong pumasok sa kwarto ko.
"Bes?"tawag nito sa akin."Sorry." Hinawakan niya ang kamay ko. Humigpit din ang pagkalahawak ko sa kanya na siyang ikinagulat nito."Bianca?"tawag ulit niya sa akin.
"Okay na ako."sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang nag-aalala ang lola mo sayo?"tanong nito.
"Okay lang ako. Medyo sumasakit lang ang ulo ko."sagot ko pa. Sa totoo lang buong katawan ko ang masakit.
"Kumain ka na ba? Anong oras na?"may pag-aalala niyang tanong ulit sa akin.
"Actually, I cooked breakfast for her earlier. Then, I give her medicine. She's sick."si Vincent. Binitawan ni Bes ang kamay ko saka nilingon si Vincent.
"Bakit di mo sinabihan man lang ang lola at lolo ni Bianca? Nag-aalala na sila. Saka bakit mo dito siya dinala? Kung matino kang lalaki, ihahatid mo siya sa bahay nila." Alam kong dala lang ng pag-aalala ni Bes kaya nagagalit siya ngayon kay Vincent. Pero ginusto ko din ang mga nangyari.
"Bes! Tama na. It's my choice. I told him na ayoko muna umuwi."sabad ko.
"Bakit?"Tumingin sa akin si Colleen.
"Myan, pagpahingahin muna natin si Bianca."Si Garren.
"Bes, maiintindihan mo ako kung talagang kaibigan kita."malungkot kong sabi.
"Bes naman. Sige, hahayaan kita sa ngayon. Pero sana ipaalam mo ito sa lola mo."kalmado na nitong sabi sa akin.
"Oo, we will tell them."pilit akong ngumiti sa kanila.
Lumapit sa akin si Vincent saka tumabi sa akin. "Kamusta pakiramdam mo?"tanong nito.
"Medyo masakit pa ang ulo ko."sagot ko naman. Agad namang hinilot ni Vincent ang magkabilang sintido ko. Hindi ko napigilan na hindi ngumiti. Kinilig ako syempre pero hindi ko ipinahalata.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
General FictionWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...