Perfect
“You sure you don’t want to come?” naniniguradong tanong ni Hendrick sa akin. Dumating kasi ang mga pinsan nito nang malamang umuwi ito sa Casa at nagplano silang magpunta ng beach para na rin makapagcatch up silang magpipinsan.
“Isaiah, it’s your cousins. Ayoko lamang na laging nasa akin ang buo mong atensyon kapag kasama mo sila.” mahinahong pagpapaliwanag ko sa kanya.
Magsasalita sana si Hendrick ng biglang sumulpot ang isa sa mga pinsan nyang si Calvin. Nagngising aso lamang sya nang makita kaming dalawa. Pero nang lingunin sya ni Hendrick ay pasimpleng umiwas ito ng tingin sa amin at tinawag ang nakatatandang kapatid nito na si Crista.
“Ano na naman bang kailangan mo, Cal?” naiinis na tanong nito sa kapatid. Ngunit inginuso nya na lamang kaming dalawa ni Hendrick.
“Ikaw na bahala dyan ate, ayaw sigurong sumama ni Denisse sa beach.” aniya habang lumalabas sa kwarto.
Napahalukipkip naman si Crista sa aming dalawa. Pero maya-maya pa'y lumapit ito sa aming dalawa at hinila palabas. Dahil sa nalamang kong buntis si Crista ay napatingin ako kay Hendrick at nginitian ito. Alam kong sasama ang loob sa akin ni Crista kapag hindi ako sumama at wala na akong nagawa kundi hayaan syang hilain kami palabas ng Casa.
Nang makita naman kami ng ilan nyang pinsan pati na rin ng asawa ni Crista ay lumapit ang mga ito sa amin kasama nina Carly. Nakangisi lamang ang mga ito at habang pinapanuod kaming hininila ni Crista papalapit sa kanila.
“Kailangan pa pala kayong sunduin ng buntis para sumama.” Natatawang pahayag ni Clayton— isa pa sa mga pinsan ni Hendrick.
“We already have your clothes Den, there’s no backing out now.” napatingin ako kay Carly habang Iwinawagaygay nito ang isang may katamtamang laki na bag. Nairap na lamang ako sa inasal nito.
“Since we're all set already, bumyahe na tayo para makarating agad tayo ng maaga sa Laiya.” sabi ng asawa ni Crista.
Nang sabihin niya iyon ay nagsisakayan na ang mga ito sa isang mini bus na nasa harapan namin. Sa tantiya ko ay sila ang may-ari nito dahil pagpasok pa lamang sa loob ay customized ang mga gamit. May isle para sa hapag-kainan at meron din na parang isang mini sala na kung susumahin mo ay kasya ang 10-15 tao.
Napansin naman ni Drei— isa din sa pinsan ni Hendrick, ang aking ekspresyon kaya natatawang ginulo nito ang aking buhok. Sinimangutan ko naman ito na lalo nyang ikinatawa.
“Not with the hair, jerk.” inis kong baling sa kanya.
Mukhang narinig yon ng lahat kaya napatingin ito sa amin. Ilan sa mga ito ay natatawang nanunuod sa amin at ang iba naman ay nakangisi sa amin tulad nina Carly. It looks like they're enjoying what they're seeing right now. Well not for me, I'm not enjoying these at all.
“What's with girls and their hair?” natatawang tanong ni Drei, questioning not just me.
I almost laughed when I saw his girlfriend threw her shoes at him. I looked at Drei's contorted face and I can't help but to let out laughing at him. I sensed that everyone got carried away and laughed at him too. That was one fast karma though.
“Never mess with girl's hair, Drei.” I said patting his cheeks and sat beside Hendrick.
Before I could sit, Hendrick pulled me close to him making me sit on his lap and earning whistles and loud cheers from his cousins. I mentally face palmed when I remembered how Hendrick show his public display of affection. I just let him do what he wanted and watched his cousins play.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.