NARRATORS POINT OF VIEW
"You're five minutes and eighteen seconds late." Nayayamot na sabi ni Mrs. Lumbao sa kaniya.
Hinihingal na napahawak si Ardrianna sa hamba ng pintuan ng library.
"Sorry po Ma'am. Traffic po kasi."
"Hm. Sa susunod hindi lang yan ang mararanasan ng mga tao sa hinaharap." Narinig niyang sabi nito. Nagtatakang napatingin siya sa mukha ng professor niya.
"Ho?"
"Ang sabi ko, pumasok ka na dito. Isarado at i-lock mo ang pinto." Utos niya saka pumihit papunta sa dulong bahagi ng library.
Papatayin niya na ba ako?
"Wala akong gagawing masama sayo iha. Bilisan mo na at nasasayang ang oras dahil sa pinag-iisip mong walang kwenta."
Wut?
Kahit kinakabahan, sumunod siya dito. Buti na lang at dala niya ang armas niya. Nakaramdam siya ng kapanatagan nang makapa ang nasa likuran niyang bulsa ng bag.
"Alam kong nabibigla at natatakot ka sa mga kilos at sinasabi ko sayo Ardrianna, but believe me, mas malala pa sa nakakatakot ang mangyayari sa hinaharap kung hindi mo ito magagawa."
Nagtatakang napatingin si Ardrianna sa mukha ng professor niya.
Nababaliw na siya.
"For heavens sake, Ardrianna! Stop your nonsense! I'm not crazy nor mad!"
Napaatras si Ardrianna palayo kay Mrs. Lumbao. Hinugot niya ang baril sa bag niya at itinutok dito.
Napasimangot ito at nameywang sa harap niya.
"Ardrianna! Seriously?" Napapalatak na sabi ni Mrs. Lumbao sa kaniya.
Nag-iba ang pananamit ni Mrs. Lumbao, dahilan upang mapapikit siya gawa ng liwanag. Sa isang kisap-mata, bigla itong naglaho at biglang lumitaw sa harap niya mismo.
Sa gulat at takot, hindi na nakagalaw pa si Ardrianna at tila itinulos siyang parang kandila. Hindi siya makapagsalita.
"Don't make it hard for us, Ardrianna. Look me in the eyes." She said in a taunting voice.
Wala siyang magawa kundi ang salubungin ang titig nito. Mrs. Lumbao's grip on her face was firm, iron grasp.
Her eyes glowed, and Ardrianna saw it.
"Wala kang ibang pagtitiwalaan kundi ang Datu Maguna at ang kaniyang anak na ang Rajang si Kael at sa isang maharlika na si Ginoong Duhalitan. Kailangan mong ibigay mo ito kay Raja Kael." Inabot ni Mrs. Lumbao ang isang lumang kwintas na gawa sa tali at nakakabit ang isang kakaibang bato.
"Ipaliwanag mo ang mangyayari sa hinaharap. Maniniwala sila saiyo. Kailangang maunahan mong maipakita ang pinakita ko saiyo tulad ng ginawa ko. Kailangang magawa mo ito bago siya maikasal sa lakambining si Saraya. Kailangan mong makuha ang tasa ng buhay na nasa pangangalaga ni Babaylang Linaya. Kailangan mong mag-ingat Ardrianna." Mahabang paliwanag niya.
"Pero hindi ito magiging madali. Tuso ang mga kalaban at lubhang mapanganib. Ang mensaheng dadalhin mo ay may kalakip na sumpa Adrianna. Na ikaw lamang ang makakahanap ng sagot kung paano."
"Bakit ako? Bakit hindi nalang ikaw? Kayang-kaya mo naman yun, Linaya." Napangiti ng maluwag si Mrs. Lumbao.
"Dahil ikaw ang huling salin-lahi ni Bathala. Naghintay ako ng napakatagal, at ikaw nga ang napili niya. Ako, kung kaya ko, nailigtas ko sana ang buong Harniya kasama ang sampu ng aking pamilya ngunit hindi ako makatatawid dahil kapag ginawa ko yun, maglalaho ako tulad ng pagkamatay ko nang panahong iyon. Masasayang ang sakripisyo ng aking mga ninuno. Kailangan kong manatiling buhay at bantayan ang lagusan upang makabalik ka. Kailangan kong bumalik kay Bathala at ibalik sa kaniya ang bagay na iyon."
"Paano kung iligtas kita? Makakabalik pa rin ba ako?"
"At bakit mo naman naisip yan?" Maang na tanong ni Mrs. Lumbao. Gulat itong nakatingin sa kaniya.
"Hindi ko alam pero tingin ko, yun ang tama. Pero mukha namang nage-enjoy ka na naghintay sa akin." Kibit-balikat niyang sagot.
"Being an immortal is not my happiest wish you know. Seeing your loved ones die repeatedly, by any whom, and watching the lives leaving from their eyes was not an entertaining sight. That's why I need you to help me." Biglang sabi ni Mrs. Lumbao.
Hard. Very hard.
Hindi man niya sabihin, pero nararamdaman niya ang walang katapusang kalungkutan sa mga mata ni Mrs. Lumbao. Ayaw niya rin ng ganito. Wala lang siyang choice kundi isakripisyo ang sarili para sa ikabubuti ng lahat.
"It's better to leave that way, Adri. Hindi mo na kailangan na iligtas ako. Bago mangyari ang pagkamatay ko, kailangang makuha mo iyon. Kailangan, Ardrianna, bago kainin ng bakunawa ang buwan o eclipse."
May inabot si Mrs. Lumbao sa kaniya na isang maliit na mahabang bag.
"Nariyan ang aking kampilan na galing pa sa mga kaibigang Moro, at ang sibat na gawa pa ng aking ama. Kakailanganin mo ang mga ito at kailangan mong ihanda ang iyong sarili. Sa digmaan, kailangang maging handa ka. Ihanda mo ang iyong sarili at utak. Alam kong hindi mo ito inaasahan ngunit hindi mo mapipigilang maranasan upang mabuhay. Bago ang eclipse, may traydor na susugod sa palasyo, ngunit hindi ko alam kung sino. May hinala akong ang ama ni Saraya o si Saraya mismo ang dahilan ng malagim na kamatayan sa Harniya na magiging dulot ng pagkawala ng kasaysayan nito sa hinaharap. Kailangan niya ang artepakto na iyon upang mabuhay ang mga nangamatay niyang kasamahan. Upang mabuhay sa kasalukuyan. Sila ay uhaw sa kapangyarihan kaya naman kailangang makuha mo iyon."
"Teka, wait Ma'am, medyo magulo. Anong kinalaman ni Saraya sa pagkakawala ng cup of life? Tsaka diba dapat patay na siya ngayon?" Naguguluhang tanong niya.
"Bulag sa pag-ibig si Ginoong Kael. Nagpanggap na may malubhang karamdaman si Saraya bago ang kanilang pag-iisang dibdib kaya kahit na mahigpit na ipinagbabawal ay kinuha niya ang Tasa ng Buhay. Ang Dalamdiwa. Kung saan ang sinumang uminom sa basong iyon na naglalaman ng dugo ng may dalisay na puso, ay magiging immortal. Nabubuhay pa si Saraya ngayon at hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi niya rin nakuha ang Dalamdiwa kung kaya't wari ko ay ginawa niya rin ang ginagawa ko ngayon." Mahabang paliwanag ni Mrs. Lumbao.
Mas mahirap ata to sa special project ng History.
"Alam kong mahirap ito, Ardrianna ngunit ikaw ang napili. Mula sa tanda ni Bathala sampu ng kaniyang mga alagad ay magbabantay at kakasi sa iyong paglalakbay. Ngunit tandaan mo ito,"
"You're creepy when you are talking like that." Nangingilabot na sabi niya kay Mrs. Lumbao.
"I know! So, get your fat ass moving. You are going to the middle of the war."
What?
"Tandaan mo ang sinabi ko, Ardrianna. Sa oras na makatawid ka, wala na akong koneksyon sayo maliban nalang kung darating na ang eclipse. O kung buhay ka pa ng mga oras na iyon." Sabi ni Mrs. Lumbao at tinapiktapik pa siya sa balikat.
"Thank you for your moral support, Ma'am!" Sarcastic niyang sabi.
Lumiwanag ang pader ng library. Pinahakbang siya ni Mrs. Lumbao para makatawid sa panahon kung saan nagmula si Mrs. Lumbao at upang makuha ang Dalamdiwa.
BINABASA MO ANG
HARNIYÄ
Historical FictionNaranasan mo na bang mapunta sa panahon ng kasaysayan? Panahon ng nakaraan? Marahil ay oo. Yung nai-imagine mong isa ka sa mga tauhan sa mga nababasa mong History books. Ako? Oo. Literal! Hindi ka makapaniwala? Ako din eh. Ako nga pala si Ardr...