Chapter Error

407 5 7
                                    

  #KHAEL'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  #KHAEL'S POV

*Panget na Nilalang... CALLING...*

Ano naman kayang kailangan na naman ng panget na 'to? Hindi ko muna sinagot ang tawag, nagbabakasakaling mabwisit ang panget at wag ng tumawag pa.

Nasa airport ako, waiting for my flight at alam ko naman kasing mangungulit lang si 'tong panget.
Mabuti pa 'tong panget at masaya na sa nag iisang ibon ng buhay niya. Ganon din naman sa iba pa. Si Cooler at Artemis, kasalukuyang nasa honeymoon nila sa ngayon. Si Ryu? Tsk. Ang pinsang 'yon ni Silvan ay kasalukuyan din namang nanunuyo. Yeah, right. I could hardly imagine that guy trying to be sweet just to get someone's heart. Believe me, nakakasukang masaksihan ang sweet side ng isang Morrison.
Si Special A nakatali na din sa napakaswerteng si Silvan. And she's four months pregnant as of now. Silvan is my bestfriend at ganon na din si Special A, at ano pa nga ba? Ako din ng Bestman nung ikinasal sila.
I admit I haven't moved on completely, yet.
But I know and I'm hoping that I'll be able to move forward soonest. Makakahanap din ako ng para sa akin. And this vacation is my first step.


*Panget na Nilalang... CALLING..*


Tsk. Bilib din ako sa isang 'to. Persistent. At dahil sa pangarap ni Jeremy na maging isang Detective, he's a Businessman now. At baka nga may Black Magic kasi hindi pa nalulugi ang negosyo nila ni Math.

"HELLL- OOO! JUSMIYO UNGGOY KA MABUTI AT SUMAGOT KA PA!"
Inilayo ko muna ang phone sa tenga ko at baka masira ang phone madamay pa ang tenga ko.

"Oo nga ang panget mo. Why did you call?" Narinig ko namang parang nagsisigawan din sila ng asawa niya sa kabilang linya.

"A-aray Maya oo na mamay- araay oo na eto na ngaa tootootoot*"

Haha. Oo nga pala. Math is four months pregnant also. Battered husband nga pala ang panget.
Maya maya pa ay narinig kong tinatawag na flight ko. Kaya naman tumayo na ako at itetext ko na lang sana si Jeremy na ako na lang ang tatawag sa kanya nag biglang tumalsik ang phone ko.  

  "Ayyy sorry po. Mianhe mianhe sorry po talaga." May kasama pang bow at bow at bow na sabi ng babaeng siyang nakabunggo siguro sa akin habang. Nginitian ko na lang siya.

 "It's okay, Miss. Ikaw hindi ka b-- " Nagulat naman ako nang bigla na lang nagliwanag ang mukha nito na para bang may nakitang anghel. Pero lagpas ang paningin niya sa akin. 

"Ahm, Mi---"" MIIINNN YOOONNGIII! YOONGGI! OMAYGASH, MINMIN WEEEEEEEYYTT!" Tumakbo yung babae na para bang may hinahabol at napansin kong parang hinahabol din siya ng mga guards. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makita ko siyang nakaluhod sa gita ng departure area yakap yakap ang isang-- TUTA? PUPPY? ASO? SA AIRPORT? 

Hindi ko na napigilan at napatawa ako. I know I may look crazy pero nakakatuwa talaga ang weird na babaeng 'yon. Natigil lang ako ng tawagin ulit ang flight ko. Tsk.At sa paghila ko ng maleta ko, may nakita akong isang bagay sa sahig. Hm?Kinuha ko 'yon only to find out na isa pala iyong ID. ID ng babaeng nakabangga sa akin. Maganda siya. Di kaputian at medyo chubby ang pisngi pero maganda. Nilingon ko yung babae at nakita kong kasama na siya ng mga guwardya.I shook my head dahil sa kakaibang feeling na 'yon. Napangiti ako at tiningnang muli ang ID niya. BHEM RODELAS, huh? 

"It's nice to accidentally meet you. Hope to see you again."   

Team BesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon