PROLOGUE
"Bakit ka ba naghihintay?" Nasa harap ko ngayon si Kyle. Tinatanong niya ko kung bakit ko ba siya hinihintay. Bakit nga ba? Hindi ako makahinga. Wala na akong makita sa paligid ko, siya lang. Ambilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ng taong nililigawan ko. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Eh ako 'tong babae. Ako dapat yung nililigawan.
"Uhm.. Ano.. Kasi gusto kita? Kasi habang tumatagal hindi ko na mapigilang ma-inlove sayo. Akala ko nung una, joke lang lahat 'to eh. Akala ko biruan lang. Pero hindi pala. Hindi ko nga alam kung anong nakita ko sayo eh. Wala ka namang ginagawa, pero gustong-gusto pa din kita."
"Alam mo naman na may iba akong gusto 'di ba? Si Mica lang yung gusto ko. At lahat gagawin ko mapansin niya lang ako. Lahat-lahat! Pero wala eh, binabalewala niya lang ako."
"Alam ko naman 'yon eh. Naiintindihan kita, alam ko yung pakiramdam mo. Yung mabalewala? Yung kahit anong gawin mo hindi ka mapansin ng taong mahal mo. Na sana gusto mong sapakin sa mukha yung taong gusto niya. Tapos sasabihin mo na, 'HOY! ANO KA BA! WAG MO 'YANG SAKTAN! MAHAL KO 'YAN EH!!' Pero wala kang magawa, na kung sana ikaw na lang yung taong yon.. Sana kaw na lang yung mahal niya. Oo ramdam kita! Kasi ganyan na ganyan yung nararamdaman ko ngayon eh.."
"Mikez?..." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya, umalis na 'ko. Ayoko na makita niya ako na umiiyak. 'Ano ba Mikez!! Kelan ba ka ba susuko?'... Nag-flash back sa akin ang lahat...
BINABASA MO ANG
GET HIS HEART IN 100 DAYS (Prologue)
Teen FictionMadalas tayong ma-inlove sa isang perfect stranger. Yung taong nakilala lang natin out of the blue, parang kabute na bigla na lang susulpot sa buhay natin. Pero what if isang araw makita mo na lang na yung sarili mong nalulunod sa sobrang pagka-inlo...