Maaga akong pumasok ngayon dahil,magpaparint pa ako ng assignment ko,ngayon kasi ipapass yun kaya lang nawala na sa isip ko.
Kabababa ko palang sa tricycle at magtutuloy-tuloy na sana ako papasok sa school,ng maisipan kong tingnan kung marami bang nagpapaprint sa printan.
Bigla naman akong napahinto,as usual ang bilis ng tibok ng puso ko.Bumagal na naman yung nasa paligid ,pati nga yung mga tricycle nakikisama dahil hindi makausad kaya natititigan ko pa yung guy.Haha.
Kyaaah.Hindi ko akalain na nakikita ko yung guy ngayon tapos nagdridrive pa siya ng motor niya.Whhaaaa.tapos nakajacket pa siya ,he's so cool and astig.Ayz.Kupido huwag mo naman panain ng panain ang puso ko sa nilalang na ito.
Ang gwapo naman niya,pero tuwing nakikita ko siya napakaseryoso ng mukha.Ayon nakakadisappoint di man lang siya muna mapatingin dito sa side ko,hanggang sa umusad yung daloy ng sasakyan ,dahan-dahan niya lang akong nalampasan..Ang sakit naman.
Pero mas lalo ko lang gustong malaman kung ano yung pangalan niya..
Nagtuloy -tuloy ako sa printan ,habang di pa rin matanggal yung paglipbite ko sa labi ko,kasi naman kinikilig ako dun sa guy,kahit hindi yung tingin niya yung napapakilig sa akin,bawi naman yung dating niya.Haha.
Ng makita ko na hindi pa tapos yung mga nauna sa printan ,naisipan ko muna na dalin yung bag ko sa room.
Habang naglalakad malapit sa gate ng school,iniisip ko kung yun lang ba yung may assignment,iniisa isa ko pa nga sa daliri ko.At ng makasigurado ko na iyon lang talaga ay ibinalik ko na yung tingin ko sa dinadaanan ko.
Yung mga paa ko naman ,parang gusto ng bumalik sa printan.Whaaaa.Bakit nanduon pa siya?Hindi ko malaman kung saan ko igagawi ang tingin ko.Kasi naman yung guy nanduon pa pala sa parking which is pagpasok mo ng gate ng school na ito ay tanaw mo na agad ito.
Kyaaaah.Yung puso ko sasabog na ata sa kilig,sandali naman akong nagnakaw ng tingin dun sa guy.. O_O
Patatagin niyo po ang labi ko dahil sa super lipbite ko ngayon.Kasi naman yung guy kasalukuyang tinatanggal yung jacket niya,para pangang slowmotion eh.Haha.Ang astig niya.
Ano ba pangalan mo? :(
Mas lalo ko na tuloy hindi mailakad yung paa ko,tapos ng makatapat ako sa side kung saan siya nanduon,syempre todo yuko habang nakalipbite ang ate niyo..
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,triple na nga ata.Tapos parang nakatingin pa siya sa side ko.WHAAAA.Nagdedeliryo na ba ako?dahil kung oo man ,ito yung pinaka-magandang pagdedeliryo dahil para talagang sa akin siya nakatingin.Hihi.
Pagkatapos kong makaalpas dun,para akong nakahinga ng malalim.Pero mabilis akong nagtungo sa daan papuntang room namin,hindi ko nadin naisipan na lumingon sa likod ko,syempre paano kung nanduon siya,baka mahimatay pa ako dito ng hindi oras.
Pagdating sa room,sobra parin talagang bilis ng tibok ng puso ko,sobrang lamig din ng kamay ko.Kaya ibinaba ko na agad yung bag ko.Nakita ko naman si Maureen na nagwawalis sa harap ng room namin.
"Ahm.Maureen may print ka na ba?yung sa assignment?"tanong ko dito.
"Wala pa."sagot naman nito.
"E,paprint na tayo,dali."sabi ko dito,ewan ko ba pero hanggang ngayon iniinternal kilig padin ako.
Lumapit naman ako dito,at akmang kukunin na yung hawak niyang walis tambo para itabi ,ng makita ko yung guy na papadaan na.
This time natingnan ko lang siya at hindi natitigan.Bakit ba ganoon siya tumingin,nakakamatay ng puso.Kyaaah.Ang gwapo.kamukhang kamukha niya si LMH.Haha.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...