You Promised Me Your Love *T'Å* (one shot story)

281 13 2
                                    

NOTE: Hi readers sana magustuhan nyu ang second story ko :)

________________

Hindi naman ako masamang babae bakit naging ganito ang buhay ko. Siguro ito talaga ang tadhana sakin ng Diyos. Ako pala si Mickey Soriano ito ang buong kuwento ng buhay ko.

Nakatira  ako sa isang Condo unit. May isang lalaking lagi ako pinagmamasdan. Natakot ako sa kanya. Kapit bahay ko sya sa condo.

Hindi nagtagal nagpakilala sya sakin at nakipagkaibigan. Sya si Sonny Aquino. Hindi naman pala sya masamang tao.

Paguwi ko galing opisina, lagi ako tumatambay sa roof top. Nakita ako ni Sonny at sinamahan nya ako tumambay. Ayus pala sya ang cool nyang kausap. Buti nalang may naging kaibigan ako dito sa condo, lagi lang kasi ako magisa dito.

Inabangan ako ni Sonny nung pauwi na ako galing opisina. Niyaya nya ako mag dinner, bakit nya ako niyaya mag dinner anu meron? Kumain kame sa isang restaurant. Joker pala sya lagi nya ako pinapatawa.

At nakauwi na kame hinatid nya ako hanggang pintuan ng room ko. Nagulat ako bigla nya ako hinalikan. Sinampal ko sya at pumasok na ko.

Bakit nya ginawa yun. May gusto ba sya sakin? Pero iba ang naramdaman ko nung hinalikan nya ako. Parang ayaw ko na sya mawala sakin. Ewan ko, Love na ba toh nararamdaman ko sa kanya.

Kinabukasan nakita ko ulet sya nagsorry sya sakin. Sabi nya hindi na mauulit. Pinagbigyan ko ang sorry nya. Ewan ko ba hindi ko sya matiis.

Niyaya nya ako sabay daw kame pumasok. Sinakay nya ako sa kotse nya. Isa syang manager sa isang company at ako teller ako sa isang bangko. At nahatid na nya ako sa pinapasukan ko.

Paguwi ko tumambay ulet ako sa roof top. Nagisip isip ako. Pagmamahal naba ang nararamdaman ko para sa kanya. Nag flash back sa isip ko yung mga pagsasama namin ni Sonny. Napaiyak ako mahal ko na nga sya.

Nilihim ko sa kanya ang pagtingin ko. Ramdam ko naman may gusto din sya sakin. Nahihiya lang siguro sabihin sakin.

Lagi kami nagmamasyal ni Sonny, nag sha shopping, pumupunta sa carnival, kumakain kung saan-saan at namamasyal sa park. Parang mag boyfriend at mag girlfriend na nga kame eh. Masaya ako kapag kasama ko sya. Lagi nya ako pinatatawa.

Nagkita ulit kame ni Sonny sa roof top at nagusap kame. Nagulat ako hinawakan nya ang braso ko may sinout sakin na bracelet.

"Mickey matagal ko na gustong ipagtapat sayo, gusto kita. Puwede ka bang maging girlfriend ko?"

Pinagisipan ko talaga kung sasagutin ko sya naging maganda naman ang pagsasamahan namin at gusto ko na din sya.

"Oo Sonny tinatanggap kita maging boyfriend ko."

Nabigla ako bigla sya sumigaw. Sabi nya.

"ANG SAYA SAYA KO SINAGOT NA AKO NG PINAKAMAMAHAL KO. I LOVE YOU MICKEY."

Pagkatapos hinalikan nya ako. Alam mo yung feeling na hinahalikan ka ng mahal mo parang naka drugs ata ako. Parang nasa heaven ako. HAHAHA ^___^

Ngayon officially mag boyfriend at girlfriend na kame. Ang sarap ng feeling at laging blooming . Ganito pala ang inlove.

Noong first anniversary namin. Syempre nag date kame. Nanood kame ng movie habang nanuod kame bigla nya ako hinalikan, ang saya ko talaga nun.

Pagkatapos manood ng movie kumain kame sa restaurant. May pagtatapat daw sya sakin.

"Mickey pupunta ako ng Canada at doon ako magtatrabaho pinapunta ako ng company don. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon."

Parang may sumaksak sa puso ko ang sakit. Ayaw ko syang mawala sakin.

"Ganun ba. Matagal ka din mawawala baka hindi ko kayanin."

"Pangako babalik ako. Para naman ito satin para makaipon ako para mapakasalan kita."

Na touch naman ako sa sinabi nya, kaya maluwag na sakin ang pagalis nya. Kahit masakit ito para sakin.

Nakauwi na kame hinatid nya ako hanggang sa kuwarto ko at nagulat ako bigla nya ako binuhat at hinalikan nya ako. Binuksan nya ang pinto at pumunta sa kama ko at may nagyari nga samin. Binigay ko na sa kanya ang pagkababae ko. Alam ko matagal sya mawawalay sakin. Kaya may babaunin ako kapag wala sya, maiisip ko pa rin ang masasayang araw namin na magkasama.

At dumating na ang araw na aalis na sya. Yun ang pinaka malungkot na araw para sakin. Nakarating na kame sa Airport. Ayun umiiyak na talaga ako.

" Mickey wag ka nag umiyak. Promise naman babalik ako para pakasalan ka. Lagi mong tatandaan. Mahal na Mahal kita. Lagi tayo mag cha chat sa ym may communication naman tayo."

"Sonny mamimiss kita. Sige lagi kita i cha chat. I love you sunny."

At hinalikan nya ako. At tuluyan na syang umalis.

Masakit para sakin ang pagalis nya pero kailangan ko tong tanggapin.

At nakausap ko din sya sa wakas sa ym nag video call kame at minsan nag cha chat. Masaya ako kahit doon lang kame nagkakausap parang nandyan lang sya.

Hanggang isang araw hindi nya na ako sinasagot yung mga email ko sa kanya pati yung number na binigay nya sakin can not be reach na. Naghintay ako ng buwan, taon hindi pa rin sya sumasagot at hindi na sya nagpaparamdam.

Araw-gabi umiiyak ako. Hindi ko matanggap na nakalimutan nya na ako at ang sakit sakit. Para akong mababaliw sa sobrang lungkot ko.

At nabalitaan ko din na may asawa at anak na sya sa Canada at masaya na sila namumuhay doon.

Nung nabalitaan ko yun nagwala ako gusto kong magpakamatay at nagtangka nga ako may nakita akong blade at tinanka ko hiwain ang pulso ko. Buti nalang binisita ako ng mama ko at nakita ako at naiyak sya sa ginawa ko at sabi nya.

"Anak, bumangon ka isang pagsubok lang yan may dahilan ang Diyos kung bakit sayo nagyari yan. Siguro may mas magandang ibibigay sayo ang Diyos. Manalig ka lang sa kanya."

Tama nga ang mama ko. Kailangan kong bumangon.

Ngayon naka move on na ako. At nakalimutan ko na si Sonny. Ngayon masaya na ako. Nagresign ako sa work ko at nagnegosyo nalang ako sa probinsya namin. Hindi na ko naghanap ng magmamahal sakin sapat na ang pagmamahal sakin ng mga magulang ko at masaya na talaga ako sa buhay ko ngayon. Tanggap ko na ang pagiging matandang dalaga ko.

- WAKAS -

________________

Salamat sa pagbasa nyo sa kuwento ko. Please vote and Comment. Thanks :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang You Promised Me Your Love *T'Å* (one shot story) 🎉
You Promised Me Your Love *T'Å* (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon