My First Book of Romance by Elena Benedicto - Make it Real

2.6K 28 7
                                    

Story 3 PREVIEW:

Make it Real

Umalis ng bansa si Alwyn upang makalimutan si Yurnia. Makaraan ang pitong taon ay masasabi niyang ganap na niyang nakalimutan ang babae, salamat na rin sa tulong ng kanyang nobyang si Julyn. Ang labis lamang niyang ikinababagabag ay ang balitang nakarating na sa kanya na may anak na ang best friend niyang si Jules. Wala siyang natatandaang nag-asawa ito simula nang mangibang-bansa siya. At wala rin namang binabanggit sa kanya ang kaibigan tungkol sa pagkakaroon nito ng anak.

Mas lalo siyang nagduda nang malamang kamukhang-kamukha niya ang anak ni Jules. May nangyari ba sa kanila ng kaibigan bago siya nangibang-bansa? Bakit hindi siya hinabol ng babae? Bakit itinago nito sa kanya ang lahat? Ahhh, kailangan niyang umuwi uli para malaman ang katotohanan. At para maituwid ang lahat.

SNEAK PEEK

SIX YEARS AGO

Isang nakangiting nurse ang nabungaran ni Jules matapos makatulog ng mahigit dalawang oras pagkatapos manganganak.

Ilang oras din siyang naghirap sa pagle-labor. Noong una ay inakala ng doktor na normal delivery lamang ang kanyang panganganak pero nakakailang oras na ay hindi pa lumalabas ang sanggol. Kaya naman nagdesisyon ang doctor na i-caesarean na siya.

“Misis, gusto ‘nyo na po bang makita ang baby ‘nyo?” magiliw na tanong sa kanya ng nurse. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon dito.

Lumabas na ito at tinungo ang Nursery Station kung saan nakalagay ang mga bagong luwal na sanggol.

Ilang minuto din ang lumipas bago ito bumalik na karga-karga ang ìsang sanggol na may nakalagay na BABY JAL DWAYNE CRUZ sa kamay. Iyon kasi ang sinulat niyang pangalan ng sanggol na gusto niya pagkasilang nito. Sinunod niya iyo sa kanyang apelyido sa kadahilanang hindi niya sigurado kung matatanggap ito ng ama ng bata.

Nangingilid ang kanyang luha nang ilapag ng nurse ang sanggol sa kanyang tabi.

“Misis, kung may kailangan pa po kayo, pindutin ninyo lang po ang button na nasa gilid ng inyong kama,” nakangiting habilin sa kanya ng nurse bago ito tuluyan nang lumabas.

Nang makaalis na ang nurse ay buong pagmamahal niyang tinitigan ang kanyang anak. She carefully hold the small fingers of her baby. According to her doctor, Jal weighed six point five pounds at napakalusog nito kaya wala siyang dapat ikabahala. Pina-new born screen niya rin ito para ma-detect na wala itong diprensya o namanang sakit.

“Mommy loves you so much, anak,” bulong niya sa anak. “ I promise to take good care of you. Ikaw lang ang nag-iisang alaala ng iyong ama. Ipapadama ko sa iyo ang pagmamahal ng isang ina at ama. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa iyo kung bakit hindi natin maaaring makasama ang iyong ama, basta alam ko na maiintindihan mo rin ako sa tamang panahon,” kausap pa rin niya sa sanggol at hindi na niya napigilang tumulo ang mga luha.

May ilang sandaling haplus-haplos niya ang anak bago bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at pumasok doon ang matalik niyang kaibigan na si Jerlyn. May dala itong mga prutas at pagkain.

Sa babae siya unang lumapit nang malaman niyang nagdadalang-tao siya. Simula pagkabata ay matalik na kasi niya itong kaibigan dahil magkapitbahay lamang sila sa Parañaque kung saan sila nakatira. Lumipat lamang ito nang makapag-asawa na at sa Palawan nanirahan dahil taga-doon ang napangasawa.

Nang malaman nga nito ang problema niya ay agad siyang pinapunta nito ng Palawan. At dito siya nakipanuluyan hanggang sa naisilang na nga niya si Baby Jal Dwayne.

“Kamusta na ang pakiramdam mo, sis?” anito nang ilapag ang mga dala sa mesita. “Ang pogi-pogi ng baby mo, sis.” Umupo ito sa gilid ng kama at tuwang-tuwang hinaplos ang kanyang anak.

My First Book of Romance by Elena Benedicto (PUBLISHED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon