Paano kung ang lalaking kinaiinisan mo ay makuha ang first kiss mo? hahayaan mo nalang ba?
*---*
Bianca's Point of View
"Camille wait." pinigilan ko syang umalis. Ayokong mag away kami dahil lang sa isang walang kwentang bagay. Bestfriend ko sya, simula pagkabata kami na ang magkasama. Hindi ko hahayaan ng dahil lang sa boyfriend nya kami magkakasira.
"Bitiwan mo nga ako!" pagtataboy nya sakin. Pero hindi ko pa rin sya binibitawan.
"Hindi ko kasalanan na gusto ako ng boyfriend mong si Karl, hindi ko gustong agawin sya sayo, Hindi ko sya type. Alam kong mahal na mahal mo sya, pero sana intindihin mo rin nararamdaman ko. Ayokong magkasira tayo ng dahil lang sa kanya." mahabang paliwanag ko. Umiiyak na ako ngayon at sya naman, humahagulgol na.
Nagbreak sila ng Boyfriend nya. dahil may gusto sakin yung boyfriend nya. Hindi ko gustong mapalapit sa boyfriend nyang si Karl, kaya lang makulit itong si Karl dahil lapit ng lapit sakin. Nagkakataon pang nakikita kami ni Camille. Pilit ko syang itinataboy kaya lang makulit.
"H-hayaan mo m-muna ako, Bianca." pagkasabi nya nun tinalikuran nya na ako at naglakad palayo. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Nandito kami sa bahay ko.
Pagkatapos ng araw na yun, hindi kami nagpapansinan ni Camille. Si Karl naman patuloy ang pangungulit sakin.
Nandito ako mag isa ngayon sa Canteen. "Hi, Bianca." masiglang bati sakin ni Karl. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nya.
"Tigilan mo nalang ako Karl." mahinahong sambit ko. Pinipigil ko lang ang inis ko sakanya dahil baka kung ano pa masabi ko.
"Ayaw mo ba talaga sakin?" tanong nya. Ayokong magkasira kami ni Camille, pero sira na kami ng dahil sa kanya!.
"Nang dahil sayo Magkaaway kami ni Camille ngayon! hindi mo ba napapansin na ayaw nya na akong pansinin ngayon kasi may gusto ka sakin. Kaya please lang lubayan mo na ako." hindi ko napigilan ang sarili ko. Napahikbi naman ako.
Pesteng buhay to! wala na ba akong magandang mararanasan sa buhay ko?
Naglalakad ako sa hallway papuntang library, mamaya pa ang next class ko.
Tulala lang ako habang naglalakad. nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko! WHAT THE!!! napalingon ako sa kung sino ang manyak na humalik sa virgin cheek ko.... si Zaynne!!! ang lalaking walang hiyang yun!! urgghh... pumunta ako sa direksyon nya at sinigawan sya.
"Hoy! bakit mo ko hinalikan sa pisngi?!" sigaw ko. Nakakainis, kahit heartthrob pa sya dito sa campus, wala akong pakielam. Naiinis ako sakanya. sya rin ang tinaguriang 'Bully King' dito eh.