one

77 9 1
                                    

Uno's POV

Sa bawat hakbang na nagagawa ko ay nanatili akong nakayuko.


"32.......33....... 34........." Pagbibilang ko ng tahimik.





Rinig ko ang mga tunog na nilikha ng takong ng aking sapatos, ganong katahimik ang pasilyong tinatahak ko. Para akong sinusundan ng araw dahil sa liwanag nito na nakikita ko sa bintana ng pasilyong ito.





Bawat paghinga ko ay kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, bawat pag bukas ng mga mata ko ay doon ko nakikita ang liwanag ng araw, parang ilaw na patay sindi tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.







"37.......38......39...40." Tumigil ako sa paglalakad kasabay ng pagbukas ng aking mata, ngunit nanatili akong nakayuko.





Kitang kita ko ang liwanag sa gilid ng aking mata. Ang liwanag na tila nakakabulag, ngunit hindi ko ito pinansin, nakatingin lamang ako sa aking parang nagyelong mga paa dahil sa pagtigil ko. Hindi ko parin ikinukurap ang mata ko simula nang tumigil ako.






Ingay. Nakarinig ako ng ingay. 

Mga boses.

Mga nagsisigawan.

Mga naguusap.

Mga naglalaro.


Kasabay ng aking pagtunghay--









"......41......"







Bumagsak ako ng tuluyan.




Nagsisimula ang buhay sa apat na put' isa.






At nagsimula na akong mabuhay sa sakit.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon