Chapter 23 : Jake Lee and Misaki Ferrer

31 0 0
                                    

Misaki POV

                Matapos ang nagyari samin sa Palawan back to reality na kami ulit.. balik school at balik na naman sa mga gawaing school.. masaya ang naging Palawan escapade namin dun.. lahat ng masasayang alala namin nila mom and dad nung nabubuhay pa sila nadagdagan pa ng panibagong masasayang alala dahil sa bago kong pamilya..

                Andito na kami ngayon sa classroom at inaantay na lang ang prof namin, yung fiancé ni rou ayun ang sama ng tingin sakin kasi naka sandal si rou sa balikat ko habang nakahawak sa kamay ko.. nakapikit din siya na ewan ko kung natutulog ba siya o ano..

                Wala naman paki alam sa fiancé ni rou ang mahalaga sakin ako ang mahal niya.. maya maya lang dumating na yung prof namin at may bago daw kaming classmate..

                “Mr. Lee pasok ka na at ipakilala mo ang sarili mo” sabi ng prof namin.. teka wag mong sabihin na.. hindi ko na natuloy ang naisip ko kasi pumasok na siya at tama nga ang hinala ko..

                “Hi Im Jake Lee, 18 yrs old, best friend of Misaki.. nice to meet you all” sabi niya na naka ngiti at nakatingin sakin, naramdaman ko naman na biglang humigpit ang hawak ni rou sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya at makikita mong blangko lang ang mukha niya..

                “Pre, bilis bilisan mo na magpropose oh may karibal ka na agad hahaha” sabi ni ryu at sinamaan siya ng tingin ni rou..

                Pinaupo na si jakes a tabi ng faince ni rou at nag turo na din ang prof namin mabilis lang lumipas ang oras at lunch na..

Jake POV

                Hi sainyong lahat (^^,) wag kayo mainis sakin hindi naman ako kokontra sa pagmamahalan nila bumalik lang naman ako para sana sakanya para masabi kong mahal ko siya kaso huli na ako eh kaya gusto ko na lang siya maging kaibigan kahit na masakit sakin pero once na iniwan siya ni Jirou hindi ako magdadalawang isip na saluhin siya..

                Lumipat ako dito sa F.U para sakanya kahit sa pagiging mag kaibigan man lang at makahingi ako ng sorry sa pang iiwan ko eh makabawi ako sakanya.. lunch na at lalapitan ko na muna si misaki..

                “Hi misaki, namiss kita” sabi ko sakanya pero wala naman bago sakanya bukod sa mas malamig na siya sa pakikitungo sakin.. nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin yung trato niya sakin ngayon dahil kasalanan ko din naman..

                “Why?” yun lang sabi niya pero alam ko na ibig niyang sabihin dun kaya sinagot ko siya..

                “Gusto ko lang naman maging katulad tayo ng dati, gusto kong maging kaibigan ka at makapagsorry na din” sabi ko sakanya pero hindi pa din nagbabago ang pagtingin niya sakin..

                “Move” yun lang sinabi niya pero pinigilan ko siya at hinawakan ang braso niya pero nagulat ako nung may humatak sakanya..

                “Don’t touch her or else you will face the hell” sabi ni jirou sakin at nag give way ako at nag sign na parang sumusuko ako ngayon, nakita ko naman na naglakad na sila palabas.. hay kung pwede ko lang sana ibalik ang kahapon.. nawalan na ako ng ganang pumasok kaya naisip kong mag cutting na lang..

Misaki POV

                Ang bilis lumipas ng oras lunch na time na din.. lalabas na sana kami kaso lumapit naman si Jake.. tsk! Sinusundan ata ako nito eh kasi dito pa niya napiling pumasok..

                “Hi misaki, namiss kita” sabi niya sakin pero malamig ko lang siyang tinignan..

                “Why?” yan lang ang lumabas sa bibig ko at kung kabisado pa din niya ako alam ko kaya na niyang intindihin ang gusto kong iparating sa tanong ko yang..

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon