Stanza 13
Almost 11 na nang nakarating kami sa villa nila Jethro. Of all places, bakit dito pa sa villa nila? May plano ba siyang asarin ako? Bumuntong hininga ako bago bumaba ng bus. Kinuha ko sa lagayan ng mga bag ang bag ko pero wala doon!
"Jethro, kinuha mo ba bag ko?" Sigaw ko dahil naroon na siya malapit sa pinto ng resthouse.
"Kinuha ng ex mo!" Sigaw niya pabalik. What the f— Anong balak niya?
Nagmartsa ako papasok ng villa at natagpuan kong nakaupo na sila sala at nag-uusap tungkol sa mga gusto nilang gawin. Nakita ko si Drei, nakaupo siya sa sofa at nasa harap niya ang maleta ko. Nagmartsa ako palapit sa kanya at inagaw ang bag ko.
"Kung may plano kang gawin akong kabit, magpakamatay ka na lang." Sabi ko at nagwalk-out.
"Oooooh!"
"Buuurn!"
"Ano, dude? Inasahan mo ba yun?"
Dinig ko pa ang mga reaksyon nila bago ako pumasok sa kwarto dito sa baba. Dito na nga lang ako matutulog. Ayaw ko nang umakyat doon! Eh gago pala siya eh! Bakit niya kinuha ang bag ko? May bag naman yung asawa niya. Yun ang kargahin niya dahil yung asawa niya ang priority niya, hindi ako! Kahit pa sabihin nating kaibigan niya ako, when a man marries, his top priority is his wife.
Nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Steph..." Boses ni Troy. Bumangon ako mula sa kama at binuksan ang pinto. Hinayaan kong siya na ang magsara ng pinto. "Ano ba naman yung sinabi mo kanina sa sala?"
"What I say is what I mean. Huwag mo nang ipahukay sa akin ang ibang dahilan dahil wala." Sagot ko.
"Mga lalaki ang nagdala ng lahat ng bag. Nagkataon lang siguro na siya yung nakuha ng bag mo." Pagpapaliwanag ni Troy.
"I know you're doing your best para mapagaan ang loob ko, salamat. Pero kilala ni Drei ang lahat ng bag ko. At duuh, may pangalan na nakaburda sa bag ko." Sabi ko.
"Okay. Mukhang mas magaling ka na kesa sa akin ngayon." Sabi ni Troy at ngumiti. "He's just trying to help."
"Help niya mukha niya. Eh kung si Junhee ang tulungan niya, yun yung asawa niya. Hindi ako. A married man's top priority is his wife." Sabi ko. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at bumuntong hininga.
"Steph, special friend mo si Drei. Huwag mo naman siyang—"
"Yeahp. I'm his special friend kaya ipapamukha ko sa kanya na dapat si Jun Hee ang priority niya at hindi ako. Troy, kanino ka ba kampi?"
"Sayo, syempre. Pero... okay, fine. You're right." Pagsuko niya.
~
Lumabas lang ako ng kwarto nang tinawag nila ako para maglunch. Sa rooftop naglunch dahil pagkatapos daw kakain ay magpool. Nagbarbecue sila at kung anu-ano pang food na pang resot ang aura.
"May naaalala talaga ako sa rooftop na to." Sabi ni Jethro nang tabihan niya ako sa gilid ng pool. Nilalantakan niya yung ribs na sinugba nila. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos kumain.
"Ako rin. Naaalala kung gaano ako kasaya dati." Sabi ko habang pinaglalaruan ang mga paa ko sa tubig. Napaubo naman siya. Binaba niya ang plato at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Roman pour Adolescents[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"