Morning Mass

111 1 1
                                    

Based in real life story! Na-inspired ako sa kwento nilang dalawa, kaya ginawan ko ng story, with her approval, syempre. Ginawan ko lang ng konting ka-ek-ekan pero ang main story dito ang sadyang nangyari na. So, enjoy reading it guys!

And dedicated to her, thank you so much. I know I can't express it here, but let everyone knows that how very thankful I am because of you.

God bless everyone!

♦ SeNa

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

♪♫

Don't wake me up, up, up, up up, up [x3]

Don't wake me up

Don't wake me..

♪♫

“Ugh! Anong oras na ba???” tamad kong pinatay ang alarm sa cell phone ko, saka tiningnan kung anong oras na.

5:15 AM          *pikit ulit ng mata*

5:15 AM          *hinahinay na pagmulat mata*

5:16 AM          *balikwas sa kama*

“HOLY! Mother! Nature! 5:16 na!!!” saka hinanap ko ang towel ko at pumasok sa banyo namin.

“Sana!! Please! Hindi lang sana ako late. Baka maubusan ako ng upuan!” sabay buhos ng tubig. “Lalo na sa unahan! Nakuu! Pag di ako makaupo sa unahan. . .Makisiksik talaga ako!” parang baliw ako sa loob ng banyo sa kakasigaw. First time kong malate magising! Kasi naman naki-fiesta pa ako sa kabilang barangay!

Lumabas na ako ng banyo, nang nakita ko si Mommy sa kusina. Hindi ba to magreready?! Tsk.

“Oh Christina, ang aga mo ata? Asan punta mo?” Tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

“Mhe, it’s Sunday!” sigaw ko sa kanya, di pa pala ako naka-pili ng damit ko para ngayon! Ahay.

“Ano ngayon kung Sunday?” sigaw niya pabalik. Nasa kwarto kasi ako, tulog pa ang mga kapatid ko. Naku! Awaan kayo ng Diyos!

“It’s church day, Mom!” ayun! Ito nalang, wala na akong oras para humanap pa ng mas maganda dito. Simple makes me more gorgeous! Hahaha! Ang aangal, cute! *wink* cute na palaka na mukhang kakaahon lang sa baha! bleeeh!

“Oh! Oo nga pala. Mamayang hapon nalang kami mag-sisimba ng Dad mo. It’s already 5:38 at isa pa, 20 minutes pa ang byahe papunta doon. Mahirap ding makasakay.”

“Wala akong pakialam Mhe! Basta makadating lang ako doon nang masilayan ko siya!” lumabas na ako ng kwarto namin at naglahad ng kamay kay Mommy. “Pamasahe ko po Mhe, dagdagan mo na rin ng konti. Please!!!”

“Hay nako Christina! Yang kahibangan mo na yan ah! Sino kasama mo?”

“Mhe naman! Malelate na po ako! Wa-wala po akong kasama, kasi alam nyo po namang late na akong nagising, di ko na magising ang pinsan ko.”

“Oh siya! Mag-ingat ka Christina ah! Sa susunod, hindi na kita papaalisin kung ikaw lang mag-isa!” saka niya ako binigyan ng pera.

“Oo na po, sisiguraduhin ko pong hindi na hindi na ako malelate sa susunod eh!” nag-wink na ako sa kanya bago umalis ng bahay.

Naku naman po, ayos lang kung ma-late ako! Kasi kukuha ako ng maraming pansin nun, lalong lalo na ang pansin ni Kenneth! Pero kahiya naman kung rarampa ako sa gitna, simbahan din naman yun eh. Mabuti nalang nga at nakasakay ako ng tricycle pagkalabas sa kanto.

My Sacristan Boy (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon