Kabanata III: "Sab was right, alas tres nga ang tapos ng klase niyo."

21 2 0
                                    


The question is…when?

Hindi pa rin maintindihan ni Maika ang sinabi ng guro nilang si Arthur. Hindi nga niya maintindihan ngunit kutob niya'y may alam siya tungkol rito.

Parang isang panaginip na alam na alam ko kung ano ang mga nangyari, pero hindi ko na maintindihan nang magising ako.

"Class, attention." Bigkas ng kanilang guro sa Mythology and Folklore. "After this subject may klase pa kayo?"

"Yes, sir. May tatlo pa po kaming subject na pang TTH." Sagot ni Mae.

"Class, napag-usapan naman na natin kung bakit Friday kayo magpe-perform, right?"

"Yes, sir." Sagot ng buong klase maliban kay Gino na nang-aasar na namang muli kay Maika.

Kinakalabit niya ang dalaga na busy sa pag-iisip sa kung ano nga ba ang nakita niyang malahiganteng mga bakas ng parang kariton sa taas ng dalawang bundok.

“Good, class. Dahil tomorrow will be our post-Halloween Party. The All-Dead Party. What date it is tomorrow?”

"Sir, November 15 po.” Sagot ng buong klase.

“What time?”

“Sir, six o’clock po.” Sagot nilang muli na ngayon ay nakisagot na rin si Gino.

“You have to start making your customized wardrobe for tomorrow. I already coordinated with the head program to make a runway for you.” Sabi ng kanilang guro na inaayos na ang kaniyang mga gamit sa mesa.

“Sir?! Akala po namin i-che-check niyo lang po kami one-by-one?” Tanong ni Donna nan aka-upo sa harapan. Siya ang kanilang class representative.

“Well, I altered some of the mecanics, but the rubric stays the same. My other English Colleagues will be there tomorrow to witness the event and also to judge all of you while you walk on the runway.” Sabi ng guro na siya nang lumakad papalapit sa pintuan na dala na ang kaniyang mga gamit.

Umangal ang mga studyante sa kanilang mga narinig habang nanginig naman si Maika…nanginig siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung saan hahanap ng costume.

Bakas sa kanilang mga mukha ang hindi maipaliwanag na mga emosyon.

--o--

Matapos ang isa pa nilang subject sa umaga ay agad na nagpunta sina Maika, Kaye at Belle sa canteen upang mananghalian. Habang nakaupo at kumakain silang tatlo ay biglaang nagtanong si Maika.

“Besties, nakaramdam na ba kayo nung mga bagay na parang alam mo pero parang hindi?”

“What? Hindi ko ma-gets.” Sagot ni Belle na siyang may kulay morena na balat. Mahaba ang kaniyang straight na buhok na hindi tulad ng kay Maika na kulot.

“Is it like…de ja vu?” Bulong ni Kaye matapos punasan ang kaniyang mga labi ng tissue.

“Parang ganun na nga…” Sagot ni Maika habang nag-iisip kung parang katulad nga ba ito ng de ja vu.

“Yung parang alam mo kung paano nag-exist yung mga trails na kitang kita sa mga bundok?” Sambit ni Kaye. Si Belle naman ay nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa na nalilituhan na.

“Yes. Ganun na ganun nga. Na, I am really sure na hindi ito gawa ng basta tao lang.” Sagot ni Maika.

“Besties, what are you speakering about ba? I cannot understanding, e.” Sabi ni Belle na siyang nagmamali ng kaniyang grammar.
“Yung nakitang trails ng parang wooden kariton malapit sa pakawalaan ng tubig sa—“

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Mariang Sinukuan sa 21st CenturyWhere stories live. Discover now