Stone Hearted:A 5-minute Story (oneshot)

1K 83 45
                                    

[STONE HEARTED]

Uunahan ko na kayo, pavote naman jan!

-EijeiMeyou

 ***

ENYA'S POV

Naglakad na ako papunta sa tindahan sa kanto, bibili ako nung kinakailangan ng mga kababaihan minsan sa isang buwan. “Dinalaw” kasi ako kaninang medaling-araw, kainis nga eh, maglalaba pa tuloy ako ng bedsheet mamaya.

"Hello, Enya, anong bibilhin mo? Ako ba? Tch." Sabay kindat ng babaerong si Levi sa kin, ang anak ng may-ari ng tindahan.

Ano ba, Lord, bakit ako hinahabol ng kamalasan ngayon???!!

Ilang buwan na ring nanliligaw sa kin itong Levi na to, kung di ko lang sana kilala, marahil ay nasagot ko na. crush ko kasi sya noon pang nasa gradeschool pa kami, kaso, napurnada yun kasi itanakbo nya yung pinakapaborito kong stationary na di ko balak gamitin noon kasi nga ay paborito ko nga at di na nya binalik pa yon.

"Che! Sinisira mo ang araw ko, ha. Napkin nga, yung without wings," tahasang sabi ko. Pakealam ba nya.

Nakangisi sya habang inaabot yung binili ko, "aanhin mo yan, Enya?"

"Bakit, gusto mong i-try?" Papilosopong sagot ko, "akin na nga! Ambobo mo talaga kahit kailan! Bakit ba gumagamit ng napkin ang mga babae, ha? Mag-isip ka nga kahit minsan lang, pumupurol na nga yang utak mo, oh, kasi di mo ginagamit! Dali, yung sukli ko! Nakakabwisit talaga!"

Tinawanan pa nya ako, "kailan mo ba kasi ako sasagutin, ha? At nang di ka na ‘bibisitahin’ sa loob ng siyam na buwan?"

"Ahy manyak ka talaga eh! Gago! Di ka pa nanliligaw ng maayos tapos ganyan na sinasabi mo. Bigtiin kita ryan eh!" Hinablot ko na yung sukli ko sa kanya. Di talaga ako naniniwala sa karakas ng lalakeng iyon…kaya lang, may isang maliit na parte sa puso ko na…. parang kinikilig..

"Enya! Pag nanligaw ba ako sayo, sasagutin mo na ako?!?" Pahabol pa nyang sigaw.

Di na ako lumingon, "pag binalik mo na rin yong stationary ko na ninakaw mo!"

Ilang araw rin akong di lumabas ng bahay. Di pa rin kkasi umaalis yung ‘bisita’ ko kaya wala ako sa mood at ayoko rin namang tumambay sa labas ng bahay kasi baka Makita ko lang si Levi at maikulong ako ng di oras sa kasong ‘frustrated murder’.

Kinagabihan…

"Di mo alam dahil sa yo ako’y di makakain

Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin

Kung ako’y muling iibig sana’y di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato"

"Gggaaaahhh! Sino ba yang lasing nay an at kumakanta pa sa harap ng bahay natin?! Di ba nya alam na napakasintunado nya at halos mababasag na lahat ng salamin natin sa bahay!" Nanonood kaming nakababatang kapatid ko na si Mhea ng gameshow nag bigla na lang may mag-concert sa harap ng bahay naming. "Masilip nga kung sinong lokoloko yan at mabuhusan nga ng kumukulong tubig!" Tumayo na ako sa kinauupuan koat sumilip sa bintana…

Teka, namamalikmata ata ako… O_O

Waaahhhh! Hindi nga!!

"Enya! I love you so so so much! Sana maniwala ka na sa akin!!!!"

Si Levi! may banner pa sya na nagsasabing ‘im in love with ENYA’

Tug tugs tugs tugs tug tugs

"Wow, ate! Si kuya Levi, ate! Sabi ko naman sayo, ate, may gusto sya sayo! Whoo , ate!" Bigla na lang umipit sa tabi ko si Mhea.

"Tama na, sobra ka na sa ‘ate’ mo jan eh,!" Humarap uli ako kay Levi, nag-effort pa talaga itong magdala ng banda..

Nagsisimula ng lumabas ang mga kapitbahay naming at mukhang uunahan pa yata ako sa pakikipag-usap kay Levi.patakbo na akong lumabas ng bahay, "gago ka talaga!" Sigaw ko agad sa kanya.

"Oh, bakit na naman? Nagmamahal lang yung tao, eh…". Nag-‘aaaaahhhhh’ ang mga chismakers na kapitbahay namin sa sinabi ng lalake.. medyo nag-init naman pisngi ko dun.

"Eh, manghaharana ka na nga lang, pusong bato pa kakantahin mo!?" Nakakainis naman talaga, di man lang sya pumili ng kantang makabagbag damdamin!

"Hidden talent ko yun eh," nagkamot pa sya ng ulo nya.

"Hidden nga kaya itago mo na lang, pwede? Siya!umuwi ka na nga!" Tumalikod na ako pero di ko naman maihakbang ang mga paa ko kasi parang ayaw ko pang umalis doon..

"Di mo pa ba ako sasagutin??"

Yiieee! Tinanong rin! "Asa ka!" Ngik?? Bakit yun yung sinabi ko???

"Dala ko naman to, oh…"mula sa kung saan ay hinugot nya yung preference ko sa pagsagot ko sa kanya…………

yong stationary!! "Kita mo, kinuha ko talaga to sa yo noon…bilang remembrance …" patuloy niya,"pero ibabalik ko na to sa yo….kasi di ko na kailangan…"

"Aba???!!!! Suntukin kita jan eh! Pagkatapos mong itakbo noon eh sasabihin mo lang na di mo na kailangan??!!!" Umuusok na talaga ilong ko … kainis!

"…kasi ikaw na ang kailangan ko…. Mahal nga kita eh…"

Tao sa amin: aaaahhhh----ang sweet!--------may puso pala si Levi!-------grabe!penge tissue…

Deadma! Kinikilig na ako sheyts! Nabuhay muli yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya noon… medyo nag-evolve nga lang… love na talaga! Di ako makapagsalita!!!

"So, Enya,??tayo na, di ba?? Pag di ka pumayag, hihilahin na lang kita…papunta sa puso ko…at itatali ka…gamit ang pag-ibig ko…"

Huraay!

"Aw…wala naman na akong magagawadi ba? Oo na nga! :)"

_original composition of @EijeiMeyou :)_

Stone Hearted:A 5-minute Story (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon