Kabanata 5

2 0 0
                                    

  "Hindi ba't napakagandang pagkakataon ito. Narito at kasama ng kakaibang estranghera ang nakawalang bihag!" Nagtawanan ang mga lalaki at pinalibutan sila.

  "Kakaibang binibini ngunit nakabibighani." Sabi ng isang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

  "Nakita mo na ang ginawa mo? Ipinahamak mo lamang ang ating mga sarili." Narinig ni Ardrianna na sabi ng lalaki. Nakatayo silang magkatalikod sa isa't isa.

  "Anong gusto mong gawin ko? Tingnan ko lang na patayin nila yung babae? They're going to rape her and murder her! That was against human rights!" Nakita niyang tumakbo ang babae palayo nang may pagkakataon.

  "Sana tumawag siya ng tutulong sa atin." Helpless niyang sabi.

  "Malapit na ang kaharian namin dito. Naroon ang mga maharlika at tiyak na malalaman nila na narito ako."

  "Nagagawa niyo pang mag-usap sa ganyang kalagayan. Wag kayong mag-alala, iyan na ang huling pag-uusap niyo ng iyong binibini." Sabi ng isang lalaki at sumugod.

  "Huwag kang aalis sa likod ko kung ayaw mong mapahamak." Sabi naman ng kasama niya.

  "Sabi ng nagtatago sa puno kanina lang." Pangisi na sabi ni Ardrianna at umilag payuko para maiwasan ang gulok ng lalaki.

  Naglaban na sila. Halos maramdaman na ni Ardrianna ang puso niya sa lalamunan. Nakakatakot, dahil walang pagdadalawang isip na papatayin sila ng mga ito.

  "Hindi ko alam na ganito pala ang mga Filipino noon!" Hinihingal niyang sabi. Napalingon siya sa kasama niya. Halos manlaki ang mga mata niya habang nakikita niya itong pinugutan ng ulo ang kanilang kalaban.

  Hindi naman sa kaniya. Binabaril niya ang iba sa paa at kamay. Nanginig ang mga kalamnan niya nang marealize ang sinabi ni Mrs. Lumbao.

  Alam kong hindi mo ito kakayanin ngunit hindi mo mapipigilang maranasan upang mabuhay.
 
  Nakaramdam siya ng matinding sakit sa likuran. Napaluhod siya.

  "Ito na ang iyong kamatayan, binibini." Natawa pa ang lalaki.

  No! Hindi pwede!

  "In your fucking dreams! YAAHHH!" Pinilit niyang tumayo at inunahan ang lalaki. Her adrenaline starting to took over her.

  Using her skill, she gave him her hard blow. Natamaan niya ito sa leeg na dahilan ng agad na ikinamatay nito. Sinugod siya ng dalawa pa na agad naman niyang pinaputukan.

  Nanghihina na siya, pero kailangan niyang mabuhay. May narinig pa siyang mga boses na paparating. Nanlalabo na ang paningin niya at hinihingal na siya sa sobrang pagod.

  Hindi ko na kaya.

  Lumingon siya upang hanapin kung nasaan na ang lalaki. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya sa di kalayuan. Tulad niya, hinihingal na din ito sa pagod at puno na ng dugo ang halos kalahati ng katawan nito.

  Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isa pang lalaki sa likuran nito. Akma na nitong tatagain ang kasama niya kaya hindi na siya nag-isip pa. Itinutok niya dito ang baril at kinalabit ang gatilyo. Saka niya lang naramdaman na umiikot ang paligid.

  Nakatayo naman ang lalaki. Nakatingin sa babaeng ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Saka niya naramdamang tila may mabigat na nakasandig sa kaniyang likuran.

  Kalaban?

  Napagtanto niyang hindi pala siya ang inasinta ng babae, sa halip ay iniligtas pa siya nito.

  Kakaiba ang armas ng babae. Nakakita na siya noon ng ganon ngunit malakas iyon pumutok. Halos magkatulad ngunit hindi.

  Hindi dapat iyon ang iniisip niya. Lumapit siya sa babae at nanlalaki ang mga matang nakita niya ang dahilan ng pagkawala ng malay ng estranghera.

  "Raja Kael!" Narinig niyang tawag ng mga kawal niya.

  Lahat sila ay hindi makapaniwala, alam nilang malakas ang kanilang Raja, ngunit ang makita na halos wala itong galos kundi ang dugo ng mga kalaban, labis silang nagtaka.

  "Humihinga pa siya Panginoon!" Sabi ng babaeng tumawag ng tulong.

  "Siya ba ang binibining ipinadala ni Bathala? Marahil ay siya ang sinabi ng Punong Babaylan na nakita ni Linaya sa kaniyang panaginip." Sabi ng isa sa mga kawal.

  "Hindi ko alam ngunit tinulungan niya ako. At may malalim siyang sugat sa kaniyang likod." Sabi ng Ginoo.

  "Mahal na Ginoo, ano po ang gagawin natin sa kaniya?" Maang na tanong ng babaeng alipin.

  "Kailangan siyang magamot sa lalong madaling panahon. Sunduin niyo si Linaya at ang kaniyang ina. Dadalhin ko siya sa aking kubo." Agad namang tumalima ang mga kawal ng Raja.

  Habang pabalik ay nagtataka pa rin si Kahel kung saan nagmula ang babae. Bigla nalang itong sumulpot na para bang ito ay nahulog mula sa langit.

  Marahil nga ay tama ang sinabi ng kawal. Siya nga ay ipinadala ng Bathala. Ngunit bakit?

Makalipas ang halos isang oras na paglalakad ay agad na dinala si Adrianna sa kubo ni Kahel. Agad din naman ang pagdating ni Linaya at ng kaniyang ina.

  "Mahal na Raja. Ipinatawag mo raw po ako." Agad na bati ni Babaylang Rima, ang ina ni Linaya.

  "Nais kong gamutin mo ang binibining ito. Iniligtas niya ang aking buhay at isa sa mga kasamahan natin. Batid kong hindi maganda ang kalagayan niya ngayon." Inihatid ni Kael ang mag-ina sa kaniyang silid. Nakita niyang napasinghap si Linaya nang makita niya ang mukha ng estranghera.

  "Siya nga iyon, Kamahalan! Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga ang aking nakita sa aking panaginip at nasa bingit siya ng kamatayan!" Hilakbot na sabi ni Linaya.

Agad na tumawag ng alipin ang Punong Babaylan at nag-utos sa bawat isa ng mga kailangan upang magamot ang estranghera.

  "Kailangan nating matanggal ang kaniyang kasuotan, ngunit paano? Kakaiba ang kaniyang pananamit." Tanong ng isang manggagamot.

  Hindi na nag-atubili pa si Linaya at hiniwa gamit ng kutsilyo ang parteng likod na saplot ni Adrianna.

  "Ipagpaumanhin mo po Mahal na Raja, ngunit kailangan mo pong lumisan ngayon." Mahigpit na sabi ni Babaylang Rima. Napatango naman si Kael at namumula ang mukhang lumabas ng silid.

  "Ina, kailangan mong makita ito." Bulong ni Linaya sa ina.

  "Ang kaniyang batok ay hindi pangkaraniwan. Ito ang Tigmamanukan. Nakita ko na ang uri ng batok na ito ngunit napakatagal na panahon na ang lumipas!" Namatanda na sabi ni Babaylang Rima.

  Ang batok(tattoo) na iyon ay napakatagal na at ngayon ay pinaniniwalaan na lamang na isang kwento. Hindi makapaniwala ang Babaylan na may naiwan pa sa huling salinlahi nito. Ito ay hugis ng ibon na pinagsama ang araw.

  "Ano ang dala mong mensahe Mahal na Bathala?" Bulong ng Babaylan.

  "Siya ay anak ng Bathala, ina? Ngunit siya ay mortal!" Hindi makapaniwalang sabi ni Linaya.

  "Hindi lamang siya ang bathalang nagkatawang mortal Linaya. Si Mayari na diwata ng buwan ay isa ring anak ng Bathala sa isang mortal."

  "Nawa ay tulungan siya ng bathalang si Mapulon upang maghilom ang kaniyang sugat." Panalangin ng isa sa mga manggagamot na hindi batid ang usapan ng mag-ina.

HARNIYÄTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon