Chapter 52

7.7K 262 18
                                    

~*~

Mikay's POV

Nang nagising ako. Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Nahimatay nanaman ba ako.

Nilibot ko ang paningin ko saka ko napag tantong nasa clinic pala ako at gabi na.

Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ng higaan na naka yuko at tulog.

Napangiti ako dahil dito. Andito sya at binabantayan ako..

Tinitigan ki ito. Napaka inosente nya kapag tulog, hindi mo maiisip na kaya kang saktan ng taong ito dahil sa itsura niya haag tulog.

Nagulat ako ng bigla itong nagmulat ng mata kaya naman napa iwas ako ng tingin. Naramdaman kong inangat nito at sarili at umupo ng maayos.

"Oh. Gising kana" anito. Tumango naman ako at umupo.

"Oh. Dahan dahan lang" inalalayan ako nito papatayo. Grabe ha. Para akong may sakit neto.

"Salamat" sambit ko ng makaupo "Uhmn. Ano oras na?" Tanong ko dito kaya naman tumingin ito sa relo nito.

"7:30 na" sagot nito na ikina gulat ko.

"7:30?!!!" Gulat na sigaw ko.

Tumango sya kaya naman agad akong tumayo mula sa pag kaksupo ko sa higaan..

"Oh teka. Saan ka pupunta?" Tanong nito at agad akong hinawakan upang alalayan.

"Uuwi na. Teka asan sila Julie??" Tanong ko habang nililibot ang paningin ko para hanapin kung nasaan sila.

"Umuwi na sila" kampanteng sagot ni Zorren.

"Ano?? Umuwi na?!!"

Naku naman oh.!! Pano na ako uuwi nito?.

Di mapakaling nilalaro ko ang mga daliri ko sa kaba. Bakit naman kase siya umuwi e alam naman nyang andito pa ako.

"Wag kang mag alala ako nalang mag hahatid sa' yo" napatingin naman ako dito. Ano daw siya mag hahatid sa akin? Ayoko nga. Baka mamaya may sched pa sya sa mga babae nya.

Schedule ng date ha.

"Ah. Hindi na kaya ko umuwi" sagot ko at akma na sanang lalabas ng clinic ng hawakan nito ang kamay ko dahilan para mapa hinto ako.

"Hindi." Anito. Hinila ko agad ang kamay ko na hawak nito.

"Kaya ko" muli aalis na sana ako pero pinigilan nanaman nya ako.

"Binilin sa akin ni Julie na ihatid ka" napa hinto naman ako sa sinabi nito. Antanga talaga. Alam naman ni Julie na ayokong makasama ito dahil baka mamaya kung ano nanamang makita ko.

"Wag na baka may date ka pa e" sambit ko st yumuko.

Tumalikod ako dito ngunit bigla ako nitong hinila ulit at niyakap.

"Alam ko iniisip mo.. Sorry.. Kung alam ko lang di ko na sana ginawa" sambit nito dahilan para di ako makagalaw.

Humiwalay ito sa yakap at hinarap ako. Syempre ako di ako makatingin. Ilit kong hinahanap ang lugar kung saan diko ito makikita.

Kaliwa. Kanan.

Yumoko na lamang ako.

Pero hinawakan nito ang baba ko at tinaas ang ulo ko kaya naman bigo ako. Nakita nya din lang mukha ko.

Ngumiti ito sa akin. "Tara na" sambit nya. Tumango nalang ako. Hinawakan nito ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan nya.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon