Prologue

44 4 0
                                    


Dahan-dahan kong pinihit ang siradora ng sinalubong ako ng nakakasilaw na puting liwanag.

Wala sa sarili kong naiangat ang kaliwang kamay para isangga sa aking mga mata.

Malakas na ihip ng hangin ang tumatama sa aking buong katawan. Ramdam ko na unti-unti ako nitong hinihigop. Kaya nagpadaloy na lamang ako. At kasabay nito ang pagdilim ng buong paligid.

Agad akong napapikit sa takot. Pinaghalong takot at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Takot sa sakaling kahantungan nito. Pagsisisi naman sa pagnanais na masilayan man lang siya.

Ilang segundo ang lumipas.

Nakaramdam ako ng init na para bang hindi ako makahinga.

Ang walang humpay na pagtagaktak ng pawis sa aking noo. At biglang pagkaramdam ng pagkahilo ay sa tingin ko'y nasa ibang lugar na ako tulad ng nais ko.

Kaya iminulat ko na lang ang aking mga mata at nilibot ng aking paningin ang buong paligid.

Ang dilim.

Ang dilim-dilim.

Kadiliman. Kadiliman lang ang aking nakikita.

Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng aking lakas. Para bang nakakulong ako sa isang maliit na kulongan.

Ang sikip-sikip.

Nahihilo ako.

Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Pero bago ko tuluyang naipikit ito. Biglang may bumukas.

At puting liwanag ang aking nasaksihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now