Sa kabilang bahay (true ghost story)

564 4 0
                                    

Eto ay kwento sa akin ng isang kaibigan , di na ako maglalagay ng prologue ek ek. kasi nga parang kwento lang naman ito sa Philippine Ghost Stories ganun lang.

Itago nalang natin ang aking kaibigan sa pangalan na Liza,

Sila Liza ay mabahay sa isang probinsya sa gawing South ng Luzon. Actually, isang compund yun. Bahay ng mga Lola niya sa right side, bahay ng ng Lola ng Mama niya sa left side. Sa left side na bahay wala ng nakatira dahil na abroad na yung tita ni Liza na nakatira doon.

Minsan habang nakaupo sila Liza at mga pinsan niya sa terrace sa bahay na iyon narinig nila na yung bola ng basketball ay kusang nagdridribble sa loob. Pero di nila iyon pinansin.

Minsan pa ay ikinwento ng batang pinsan ni Liza na may pumapaswit daw sa harap ng terrace sa kanila.

.

.

.

Isang araw nagsasoundtrip sila Liza medyo maingay nang biglang kumalangpag ang bintana sa bahay na iyon at gumalaw ang door knob may aso lang pala, hahahaha. Pero naisip niyo ba kung paano na kalangpag ng aso yung knob ng pinto? Diba?

 Minsan dahil walang natutulog sa bahay na yon. Naisipan nila Liza at ng mga pinsan niya na matulog don (tapang nila no? di naman kasi gaanong nakakatakot yung bahay e.Dahil tutal bakasyon naman. Gabi na mga around 12 am ng umaga maingay at nagkwekwentuhan pa sila Liza at mga pinsan niya biglang gumalaw ang knob ng pinto. Sabi nung isang pinsan ni Liza ayoko na nga pinapatulog na niya tayo tulog na ako. Pero sila Liza ay gising pa. Hindi sila natulog  pa nagkwentuhan pa sila. Maya maya gumalaw naman ang sampayan sa labas. Kaya sabi ng Ate ni Liza. Matulog na tayo totoo na yan. 

Lagi laging ganun ang nangyayari kila Liza. kapag 12 am pataas na sila natutulog. Laging door knob yung gumagalaw.

~

Sabi kasi niya  yung may ari daw ng bahay na yon ay mahilig magbukas ng pintuan at ayaw ng maiingay. Ayaw din nito na kung sino sino ang pumapasok sa bahay niya. Kaya madaming tao ang takot pumasok doon. Pero di naman talaga siya "Haunted House" isa lang 

tong normal na bahay na may apat na kwarto. May sala at may kusina. Wala lang talaga nakatira dahil nasa ibang bansa na ang mga mayari nito. Bagamat ganun hindi parin natatakot sila. Kasi mabait naman sakanila yung ghost e.

Sa kabilang bahay (true ghost story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon