PART THREE: KAPATID
KAT'S POV:
Kat anak tawagin mo na si Leo. Handa na ang umagahan niyo. Kumain na kayo at baka ma late pa kayo sa school. Sabi ni mama saken habang nagprepare sa lamesa.
Ako naman ay nasa may sala. Nakaharap sa salamain. Nagsusuklay ng mahaba kong buhok. At inaayos ang aking uniform.
Opo ma, Tapos na po siyang maligo, Nagbibihis na siya ng uniform niya, Hintayin ko na lang po siya. Marahan kong sagot,
Makalipas ang dalwang minuto,
Lumabas na si Leo sa kwarto, naka ngiti.
Kat:Tara halika kain na tayo.
Bilang sagot niya ay ngumiti lang siya saken.
Teka sabi ko kay Leo.
Leo:Bakit ate?
Kat:Ang kapal ng pulbos mo sa mukha. hahaha. Mukha kang zombie. hahaha. Binata na siya. Bilog na ang utot. hahaha.
Di ko mapigilan ang sarili ko sapagtawa sa tuwing nakikita ko ang maputing niyang mukha.
Napatingin si mama kay Leo. Halata kong nagpipigil pa ito tumawa. naka tikom ang bibig at lumalaki ang butas ng ilong.
Anak anong nangyayari sayo? Bat mukhang kang espasol?
At di na napigilan ni mama tumawa. Mas malakas ang tawa niya. Pinapalo palo pa niya ang lamesa. Natawa ako sa itsura ni mama.
Zombie ka dyan ate.
Espasol ka dyan ma.
Di niyo ba alam na Daniel Padilla look a like ito. Ito ang sekreto ng idol ko. hahaha.
Ngumiti siya ng malaki at nagdouble pogi sign sa harap ng salamin,
Hahaha baka Daniel Patilya. Sagot ko kay Leo.
O siya' Tama na yan mga anak. Kumain na kayo. Malapit nang dumating ang inyong shool bus.
Sabay kaming umupo ni Leo sa harap ng lamesa.
Wow ang sarap naman ng ulam. CDO ulam burger at may bacon pa. Paborito ko to ma. Ate meron pa ba diyang Eight O'clock
orange juice ung libre sa MRT? Patimpla mo naman kay mama.
Sabi ni Leo.
Oo meron pa. Ikaw talaga napaka hilig mo sa juice. Sagot ko kay leo.
After five minutes natapos na kaming kumain ni Leo at eksatong bumisina ang aming school bus.
Ma, Pasok na po kami ni Leo. Humalik kami sa pisngi ni mama at sumakay na ng bus.
Dumating na kami sa school. Hinatid ko na si Leo sa kanyang room. At nagtungo na rin ako aking room. At parehas na kaming bc sa pag aaral.
Nag Bell na. Recess na naman. Pupuntahan ko muna si Leo. Sabay na kaming bibili ng makakain sa canteen.
(sa canteen)... Leo ako na pipila ano ba gusto mo?
Alam mo na un ate. Yung paborito ko. Hehehe. Sabay kindat pa nito sa kanyang ate.
Kat:Burger na naman?
Leo:Haha oo masarap eh.
Kat:ilan?
Leo:Dalawa. Yung with cheese.
Kat:ok ;-)
Isa nga pong spagetti at dalawang Hamburger with cheese at dalawang pineapple juice.
Ok na ang lahat at bumalik na ako sa pwestong lamesa namin ni Leo.
Eto na ang hamburger mo Leo.
Mabilis na kinuha ni Leo ang hamburger at kumagat ng malaki kahit napaka init pa nito.
Aahhhmmmmm...
Ansarap talaga ng Hamburger with cheese.
Kumakaing naka pikit si Leo at inaamoy amoy pa ang Hamburger. Yung akala mo'y parang nasa heaven siya. ganun siya ka OA sa hamburger.
Leo:Ate paborito talaga ito.
Kat: Oo na. Ganyan ka naman palagi kapag kumakain ka ng ganyan, Napaka OA mo.
At sabay kaming tumawa ni Leo.
Kat:Wala pa sa kalahati tong spagetti ko ubos mo na kaagad ang isang burger mo. Grabe ka talaga.
Ngumiti lang siya sken bilang sagot.
Ilang minuto lang ay bumalik na rin kami sa kanya kanyang room.
Quiz namin sa math ngayon. Gusto kong magreview. Pero napaka ingay ng dalawa kong classmate sa likuran ko.
Nakaka inis,
Puro kwentuhang di naman tungkol sa pag aaral. Kundi Dota at ung mga crush. Haaaayyy.
Napaka bilis ng oras. Uwian na kami, susunduin ko si Leo sa room niya.
(nasa labas na sila ng school at naglalakad pauwi.)
Leo: Ate una ka na umuwi.
Kat:bakit?
Leo: Gusto kong magcomputer ate.
Kat: OK, pero one hour ka lang ah? kasi papagalitan tayo ni mama.
Leo: Oo ate isang oras lang.
Tumakbo siya sa tawiran at tumalikod na ako sakanya.
Pupunta na sana ako ng bookstoer nang biglang may malakas na at sigaw ng mga tao ang aking narinig. Napalingon ako.
Nakita ko si Leo nakahiga duguan ang ulo. Nanlaki ang mga mata ko. Tumayo ang balahibo ko at nakaramdam ng matinding kaba.
LEO!!!!
Sumigaw ako ng malakas at tumakbo papalapit sakanya.
Umupo ako, inangat ko ang ulo niya at niyakap.
Dumadaloy ang dugo ni Leo sa aking mga braso.
Nawalan ako ng malay....
Nagising na lang ako nasa waiting area na ako ng ospital.
Patay na ang iyong kapatid sabi saken ni mama.
.....
.....
....
At ngayong anim na buwan na ang nakakalipas ay sariwa pa rin sa isipan ko si Leo. ='(