Isang mahirap na sitwasyon sa pagitan nating dalawa,
Magkalayo tayo at hindi alam kung magkakakita.
Pag ibig ko sayo ay hindi mo alam,
Oo mahal kita, ngunit hindi mo ramdam.Kilala kita bawat detalye ng pagkatao mo,
Pero ako, Ni pangala'y hindi alam ng isip mo.
Pagibig na ito'y lubhang mahirap,
Parang bulol na kumakanta ng pa-rap.Sa araw-araw ikaw ang nasa isip,
Pati sa pagtulog, ikaw ang napapanaginip.
Kapag sila'y nawala,
Puso'y siguradong masisira.Mawawala ang inspirasyon,
Inspirasyong nakukuha ng mga kabataan ng bagong henerasyon.
Salamat at may internet ngayon,
Internet na napagkukuhanan ng inspirasyon.Lahat ng ginagawa mo'y inaalam kung ano,
Pati nga pagtulog mo'y alam na kung paano.
Ang tawag ko sayo ay "ASAWA KO"
Ngunit ang katotohanan "SINO NGA BA AKO SA BUHAY MO?"Ako nga pala ang taong sumusuporta sayo,
Ang taong handang gawin ang lahat, makapunta lang sa concert n'yo.
Sa mga video n'yo ako'y kinikilig,
Parang isang batang nakita, kanyang iniibig.Sa bawat pagsilay ng ngiti mo ako'y nahuhumaling,
Sa bawat sayaw no, ako'y napapagiling.
Di mapigilan ang ngiti tuwing boses mo'y naririnig,
Puso ko'y parang kabayo sa bilis ng pintig.Cellphone ko'y punong puno ng litrato mo,
Pati ng mga sayaw at kanta ninyo.
Kahit di ko maintindihan ang mga sinasabi n'yo.
Patuloy pa din akong humahanga sayo.Nakita ko sa YouTube nagsalita ka ng tagalog,
Puso'y halos magwala na sa lakas ng kabog.
"SALAMAT, MAHAL KO KAYO" yan ang sinabi mo,
Di mapigilang mapatili sa kasiyahang dulot mo.Naiiyak na lamang ako,
Sa tuwing nakikita at naririnig ko,
Mga taong nang babash sa inyo.Gusto kong magalit, gusto kong magwala.
Gusto kong manuntok, gusto kong manipa.
Hindi ko hahayaang kayo'y masira nila.
Gagawin ko lahat, matigil lang sila.Ika'y mahal na mahal ko,
Kahit wala ka sa tabi ko.
Pagibig ko sayo ay totoo,
Katulad ng pagmamahal ng lolo ko sa lola ko.Pagibig na labis,
Pagibig na walang kaparis.
Pagibig na ako lang ang may alam,
Pagibig ba ako lang ang nakakaramdam.Ang buhay ng isang fangirl,
Mahirap ngunit kaylangang kayanin.-Gwapong_Dyosa