HULI NA

456 5 0
                                    

Ano nga talaga yon! :') huli na?

Huli na ang lahat?

Oo iniwan mo ko.
Oo pinaasa mo ko.
Oo umaasa ako.
Oo ako na ang tanga.

Pero huli na ang lahat.
Huli na ang lahat.
Nung minahal mo ako ngayon ay may mahal na akong iba.
Huli ka na.
Noong iniiyakan pa kita dahil iniwan mo ko.
Hindi mo man lang binigyan ng panyo ang aking mga luha na tila parang pagsusulit.
Bagsak ng bagsak.

Pero ngayon?
Nung wala na kayo nung pinalit mo saakin.
Bumabalik ka?
Ano yun? Hindi makuntento?
Hindi ka makuntento ng walang jowa?
O baka naman hindi ka makuntento ng wala kang pinapaasa.
Wag mo kong itulad sayo na tila hinahabol ng kabayo sa bilis ng pagmomove on.
Kasi noong iniwan mo ko tila mga sasakyan na nasa EDSA ang salitang move on saakin.
At tila hindi ko pa alam ang kahulugan ng salitang move on.
Pero ang nagpabago saakin nun ay isang lalaking alam ko na mamahalin ako.
At hindi ikaw yun!
Nung minahal pa kita iniwan mo ko.
Nung minahal mo ko ngayon.
Pwes... kahit lumuha ka ng dugo hindi hindi na kita mamahalin pa.

Move on.

Hugot Spoken, Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon